HEARTBREAK CAN DEFINITELY GIVE YOU A DEEPER SENSIBILITY FOR WRITING SONGS. I DREW ON A LOT OF HEARTBREAK WHEN I WAS WRITING MY FIRST ALBUM, I DIDN'T MEAN TO BUT I JUST DID.
(Adele)
***************************
Naomie's POV
Panakaw akong sumusulyap sa gawi ni Charles at ng kanyang mga kabanda na nasa stage umaawit para sa bagong kasal na si ate Narrah at kuya James.
"Kausapin mo na kasi kesa yang panakaw mong sinusulyapan." bulong sa akin ni Shara.
"Anong pinagsasabi mo diyan?" pagkakaila ko sa kaibigan.
"Nabanggit sa akin ni Blade at Connor kahapon na iyang si Charles ay naglalasing dahil binasted mo daw." balita niya sa akin. "Ano? Aamin ka na?"
"Mukhang okay naman na siya eh." mahinang sabi ko.
"At ikaw ang hindi okay." singit naman ni Enrique at matalim na tinitigan si Shara. "At close pala talaga kayo ng Blake at Connor na iyon ha?"
"Kaibigan ko na ang dalawang iyon. Hindi na ba ako pwedeng makipagclose sa iba ha?" masungit na sabi ni Shara kay Enrique tapos muling bumaling sa akin. "Ikaw ang nangbasted pero ikaw ang mukhang binreak ng jowa Naomie. Alam mo ba yun?" tanong niya sa akin.
"Cheer up Naomie." wika naman sa akin ni Enrique.
Napangiti ako sa dalawa. "Nakakahiya kasi na makikita ko siya ngayon. Hindi ko alam ang gagawin kapag nagkataon na magkakausap kami ngayon."
"Just be yourself. " wika ni Enrique sa akin.
"Oo friend and pansin ko lang na panay ang tingin sayo nila Tita. Para kang binabantayan." pansin ni Shara. Tama ito , pansin ko rin na binabantayan nila mama ang bawat kilos ko.
"Ganyan sila tita noon diba? Yung time na-grounded ka dahil tumakas tayo para makasama sa isang outing noong high school !" natatawang sabi ni Enrique.
"Oo nga ano! Feeling nila teenager pa ang bunso nila. Paano ka magkakaboyfriend niyan !" natatawang sabi naman ni Shara.
Naiiling ako sa pinag-uusapan. "Kaya nga eh."
Charles' POV
Natapos na ang set ng kanta namin . Sa halip na batiin ang bagong kasal ay nagtungo ako sa may counter. Kumuha ako ng isang cocktail drinks."Maaga pa para jan pare!" wika ni Connor ng makalapit sa akin.
"Hindi mo ba siya kakausapin man lang?" tanong naman ni Hems
"Hindi ka ba hihingi ng isa pang chance?" tanong naman sa akin ni Blake.
Matiim ko silang tinitigan. "Para ano pa?"
"Pare malay mo nabigla lang siya sa pagbabago sa buhay niya kaya nagawa niya yun!" muli ay nagsalita si Blake.
Hindi ko sila pinansin. Muli akong kumuha ng drinks matapos maubos ang naunang ininom.
"Hinay hinay lang sa pag-inom. Doon muna kami sa bagong kasal. " wika ni Connor.
"Babati muna kami bago magpaalam." wika naman ni Hems saka nila ako iniwan.
Nagpatuloy ako sa pag-inom. Panaka- naka ko siyang sinusulyapan habang siya ay nakikipag-usap sa kanyang dalawang kaibigan.
Bakit nagagawa niyang ngumiti ng ganyan? Hindi ba siya nagkaroon ng regret na bastedin ako? tanong ko sa sarili.
"Masyado pang maaga para diyan!"
Napalingon ako sa aking kaliwa para harapin ang nagsalita. Its Naomie's father.
BINABASA MO ANG
MY LOVE LYRICS FOR CHARLES
Storie d'amoreThe Billionaire's Group Series - Batch II-5 "When the words fail. Music speaks Naomie." wika ni Charles sa akin. Sinimulan niyang magtipa sa kanyang dalang gitara. Pinipigilan ko ang sarili na mapangiti sa kilig. Its my first na haranahin ng isang l...