Pangarap

181 10 0
                                    

Nakikita kita.


Nakikita kita sa mga madidilim na eskinita at sa mga upos na sigarilyong inaasahan kong makakapagpatunaw ng damdamin ko sa'yo pero hindi tumatalab.

Nakikita kita sa mga basyo ng alak na nagkalat sa loob ng kwarto ko sa tuwing nagpapakalunod ako sa alaala mo.

Nakikita kita sa mga basag na salamin at sa mga siwang sa dingding ng banyo ko na siyang saksi sa kasaysayan ng mga hiwa sa pulsuhan ko.

Nakikita kita sa bawat litrato ng babaeng nakangiti at naka-bestidang puti na naglalakad palapit sa altar at patungo sa piling ng lalaking hindi ko kilala.

Ilang daang bagyo man ang dumaan at bumayo dito sa puso kong punung puno na ng latay, hinding hindi maglalaho ang pag-ibig kong matiyagang naghihintay maambunan ng atensyon mo.

Mula noon hanggang ngayon, nakikita kita.

Ikaw rin sana.


Very Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon