Ayaw niya na.
Ayaw niya nang magbilang ng bituin sa tuwing mag-aantay siya ng tawag niya dahil nangako siya. Hindi niya na kayang i-request sa radio ‘yong theme song nilang dalawa para malaman ng madla. Naubusan na siya ng mga romantic quotes na ita-tag sa mga picture nila. Pagod na siyang i-vandal ang endearment nila sa mga upuan at lamesa o kaya ay i-doodle ang pangalan niya sa likod ng notebook niya tuwing klase.
Tao lang siya.
Hindi niya kayang mag-antay ng dalawang oras sa tuwing magkikita sila. Pagod na siya na siya lang ang nag-a adjust tuwing tinotopak ‘yong isa at siya ang tigasalo ng mga ka-bad-trip-an niya. Naubusan na siya ng mga pick-up lines para suyuin siya sa tuwing magseselos siya’t mag-aaway sila. Ayaw niya nang maghabol at magpakatanga sa labas ng bahay nila para magkausap sila. Pagod na siyang mag-explain kung in the first place e hindi naman siya pakikinggan.
Tao lang siya. At napagdesisyunan niyang ayaw niya na.
***
Story inspired by The Cupboard is Empty
BINABASA MO ANG
Very Short Stories
أدب المراهقينShort Stories and Flash Fictions. Mga Maiikling Kuwento at Dagli.