Excerpt

31 2 0
                                    


Kanina pa kami palakad-lakad, di alam ang patutunguhan. Tinatanong ko siya kung saan niya gusto pumunta. Sasabihin niya lang, "di ko alam."


Kanina niya pa ako hindi matitigan sa mata. Kapag tinatanong ko siya kung may gusto ba siyang sabihin, ngingiti lang siya sabay hila sa'kin papunta sa kung saan. Isisigaw niya yung lyrics ng mga paborito niyang kanta sabay tawa nang malakas, walang pakialam sa mga taong nasa paligid na tinitingnan siya nang masama.


Kahit kailan talaga, hindi siya magaling magtago ng nararamdaman.


Napagdesisyunan naming tumambay sa isang bench Ayala Triangle. Tahimik lang kaming nakaupo. Siya, tinitingnan yung mga tao sa paligid at ako, nakatitig sa kanya.


Sumandal siya sa balikat ko. Niyakap ko siya. "Idlip lang ako ah?" sabi niya.


Maya-maya, ramdam ko na yung pamamasa ng balikat ko. At kahit anong ingay ng paligid, rinig na rinig ko pa rin yung tunog ng paghikbi niya.


Di ko mapigilang hawiin yung buhok na tumatakip sa mukha niya.


"Di mo naman kailangang sarilinin yung bigat." Pinahid ko yung luha sa pisngi niya. Tumingala siya sa'kin, namumugto ang mga mata.


"Bigay mo sa'kin yung iba. Sabay natin pasanin."


------ 

Inspired by Kung Paano Siya Nawala

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Very Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon