Drowned

531 34 9
                                    

"Alam mo ba kung bakit di mo mapakawalan ang isang bagay kahit nasasaktan ka na?" 

"Ha?" tanong ko. Naguguluhan ako.

Nakaupo kami sa bleachers, pinapanood yung mga players na nagpa-practice sa field. Yung mga cheerleaders naman, nagpa-practice ng stunts sa harap namin.

Pinagmasdan ko siya. Nakatingin lang siya sa kawalan.

"Kapag may isang bagay ka na natutunan mong pahalagahan at mahalin ng sobra sobra, nagiging attached ka dun. Lahat ginagawa mo para maprotektahan yun. Habang tumatagal, di mo nare-realize na obsessed ka na. Nagagawa mo yung mga bagay na di mo aakalaing magagawa mo pala. Walang logical at rational. Kahit mali. Basta, nagmamahal ka."

Napailing ako. "Sandali lang. Ano bang pinag-uusapan natin dito?"

"Yung bagay na pinoprotektahan, yung bagay na nagdudulot sa 'yo ng kaligayahan, di magtatagal, yun din ang magdudulot sa 'yo ng sugat at sakit. Yung akala mong perpekto na, hindi pala. Magigising ka sa realisasyon na hindi pwede. Hindi pwedeng habang buhay kang nakatali sa mga ilusyon mo. Pero anong magagawa mo? Wala kang ibang alam na paraan para makawala. Lubog na lubog ka na at di makaahon. Kahit nasasaktan ka na, di mo mabitawan kasi di mo alam kung papaano. Isa pa, natatakot kang baka di na maulit yun. Natatakot kang di mo na ulit mararamdaman yung feeling na para kang nasa langit, nakaduyan sa mga ulap at wala kang ibang iniisip kundi siya. You're afraid to let go of this great feeling because you're afraid it might never happen again. And that's why you keep holding on. Kahit masakit na."

Ngumiti siya. "Nahihibang na yata ako. Mali, hibang na hibang na ako. Pinapatamaan ko yung sarili ko." Nakatingin pa rin siya sa malayo. "Nagmamahal ako kahit hindi pwede. Pinagpapatuloy ko kahit nasasaktan ako. Kasi ito lang ang alam kong gawin."

"Alex..."

"She makes me crazy. At the same time, she's the only one who can keep me sane. Okay lang sa 'kin masaktan kung siya lang din ang dahilan." 

Tumayo siya at ngumiti ng malapad sabay kaway. Ito yung mga moments na alam kong masaya talaga siya at kuntento. Humarap ako at tiningnan kung sino yung kinakawayan niya.

Nalungkot ako sa nakita ko. Napailing ako. 

Si Aly, kapatid niya.

Very Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon