Rematch

261 13 0
                                    

“Checkmate!” nakangiting anunsyo ni Vince. For the nth time, nanalo siya laban kay Sai.

“Argh!” Frustrated na sigaw ni Sai. “Daya!”

“Daya? Ikaw nga ‘tong nahuli kong nandaya e.”

Inis na pumadyak si Sai. Gigil na gigil ang itsura nito na halos pagbabatuhin na siya ng chess pieces sa sobrang inis. Natawa lang siya.

At first glance, mukhang mataray si Sai. But he doesn’t think so. Na-cute-an agad siya sa girlfriend niya noong una niya itong makilala.

Maraming takot kay Sai. Mataray nga raw kasi lalo na kapag naiinis. Hindi siya naniniwala. Ang cute kaya ng girlfriend niya kapag naiinis.

Isa rin sa mga nagustuhan niya kai Sai e ang fighting spirit na ‘to. Hindi marunong sumuko.

Maya-maya, napangiti si Vince. Padabog na mupo muli si Sai at inayos ang mga piyesa.

“Rematch!”

Very Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon