Lost and Home

124 3 0
                                    


Umalis ako—naglakbay, lumayo. Nagpakaligaw sa paghahangad na mahanap ang sarili ko. Ngunit saan man ako magpunta, hinahabol ako ng alaala mo. Sa bawat pagliko at paglingon ko, ikaw ang nakikita ko. Kahit anong gawin kong paglayo, inihahatid ako ng mga paa ko pabalik sa'yo.

Ikaw at sa'yo. Sa bawat oras na lumilipas, iniisip ko kung may patutunguhan ba 'tong ginagawa ko.

Sa tinagal-tagal ng panahon, kung anong layo ng nilakbay ko, siya rin namang kasinglaki ng kagustuhan kong makauwi. At saka 'ko napagtanto na walang sinuman ang tunay na nakakalimot sa kanyang pinanggalingan at naging tahanan.

Ikaw ang tahanan ko.

Matagal-tagal din ang hinintay mo. Nakauwi na ako, mahal ko.


Very Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon