You Missed Your Flight

282 15 1
                                    

"Gusto pa rin kita."


Sana ang buhay parang mundo; may naka-set na oras kung kailan maliwanag at kailan madilim.

Napatango na lang ako.

T-in-ext niya ako kanina, magkita raw kami. At dahil may free time naman ako at kunwaring gentleman, pumayag ako. 

"Gano'n ba? Thank you a."


Hindi 'yong binibigla ka, sinosorpresa. 


"Huh?" tanong niya, bahagyang naguluhan.


Minsan kasi, kung alin pa 'yong di mo gusto, 'yon ang binibigay sa'yo. 


"Wala. Akala ko kasi wala nang nagmamahal sa'kin."


At 'yong mga bagay na di mo naman kailangan, saganang sagana ka.


"Bakit?" tanong niya ulit. Ang ganda ng langit. Naghalo ang asul at kahel.

"Pati kasi sarili ko, di ko na kayang mahalin," simpleng sagot ko.  

"Bakit naman?"

"Wala e. Di ko na kaya." Sa kabilang mundo, papasikat na ang araw. Maliwanag na naman sa kanila. Habang ako, nandito, nagdidilim na naman ang buhay ko.

"Pa'nong di mo na kaya?" Pero ang totoo niyan, wala aong pakialam. Matagal na akong nawalan ng pakialam kung may natitira pa nga bang liwanag sa buhay ko. Bahala na.

Napangiti na lang ako. "Naka-move on na ako sa'yo. Matagal na. Pero pagkatapos no'n, di ko na kayang magmahal pa. Wala na kasing natira para sa sarili ko at para sa ibang tao."

"Wala nang natira?"

3... 2... 1

Madilim na. Tuluyan nang nagtago ang araw sa ilalim ng dagat, nagparaya na naman sa buwan.

Bumaling ako sa kanya at ngumiti.


"Naubos ko na kasi lahat sa'yo nung tayo pa."


*****

A/N: Story inspired by The Cupboard Is Empty

Very Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon