Hope

102 5 3
                                    



"Kumusta?" tanong ko. Ang tagal kong hinintay 'tong araw na 'to—yung araw na siya naman ang maghahanap at mangangailangan sa presensya ko.

Hindi siya sumagot. Ngumisi lang siya at inakbayan ako.

Mga tatlong lingo na siguro kaming hindi nagkausap. Ako ang dahilan. Ewan. Siguro napagod lang ako. Napagod na akong maghintay na maambunan niya ng atensyon niya na hindi ko kailangang hingiin. Napagod siguro akong magmukhang kawawa.

Eitherway, hindi naman siya makakaramdam dahil busy siya sa ibang tao. Isa pa 'yun.

Nagseselos ako.

Nagseselos ako kahit na hindi dapat. Hindi ako martir kaya pinili ko na lang lumayo kaysa masaktan, umaasa na mapapansin niya ang kawalan ko.

For three weeks, wala kaming communication. Sa loob ng three weeks nay un, sumuko na ako. Siguro ako ako lang ang nag-isip na best friend niya rin ako katulad ng pagturing ko sa kanya bilang pinakamatalik kong kaibigan. Hindi pala ako mahalaga, after all.

Pero noong isang araw, nagulat na lang ako. Hindi ko mapigilan ang saya ko dahil for the first time, siya ang unang nag-text sa'kin. Lahat ng tampo, inis at iba pang emosyon na kinimkim ko, humulas.

Hindi ko rin siya natiis.

"Wala. Masaya lang ako," sambit niya maya-maya.

"Bakit?" nakangiti kong tanong.

Bumaling siya sa'kin. "Kami na," sagot niya.

Agad na nawala ang ngiti ko. Sinabayan pa ng inis ko sa kung pa'nong buong sigla niyang inanunsyo na sila na nung nililigawan niya.

"Ikaw? Kumusta ka na? Tagal mong di nagparamdam ah?"

Natawa na lang ako nang pagak at tumingin nang direcho habang naglalakad kami.

"Okay lang."

Very Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon