Heartless

125 4 1
                                    

Ibinahagi ko ang sarili ko sa'yo—mga pangarap at alaala, mga takot, pangamba, mga sugat at pilat—karamihan kung hindi lahat, umaasang iingatan mo ito at bibigyang halaga na katumbas ng ibinibigay ko sa'yo.

Ngunit gahaman ka. Bawat parte ko, binawasan mo at ni isa wala kang isinauli. Kuha ka nang kuha at ito naman akong si tanga, bigay lang nang bigay. Para akong tindahan na laging bukas para sa'yo, inahahatid ang mga kailangan at kagustuhan mo, naghihintay na kahit kaunti ay mayroon kang maisukli ngunit wala akong natatanggap pabalik.

Alam kong hindi magandang maghintay ng kapalit pero pinagkatiwalaan kita at hindi patas 'to.

Napupuno ka habang nauubos ako.

Very Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon