Ako si Gwynette.
Dahil Ulila na ako.
Nakatira akong mag isa sa bahay namin sa Laguna.
Wala akong kapatid o kamag anak bukod sa Lola Lucia ko na nasa kabilang bahay.
Ayaw niyang sumama dito sa bahay namin. Ayaw niya daw kase ang nakikita niya sa bintana malapit sa salas namin.
Sa bintanang yun makikita mo ang napakalawak na lupain na may mayayabong na punong narra.
Dahil nga isang private property iyon. Di pa ako nakakapunta doon.
Sabi ng lola ko, Wag na wag daw ako titingin sa gawing iyon tuwing hatinggabi. Tinanong ko sya kung bakit, ngunit inilayo niya lang ang kanyang tingin sa akin.
Isang gabi, naalimpungatan ako sa mahimbing kong tulog.
Parang may sariling isip ang paa at katawan ko upang pumunta sa salas namin.
Na sana'y di ko ginawa.
Isang nakakatakot na pangyayare ang aking nakita.
Isang nakakagulat na eksena.
Si lola Lucia
Nakatayo sa puno ng isang Narra, nakatingin sa akin habang duguan ang buong katawan.
Napatakip ako ng bibig at napaatras.
Nginitian ako ni lola at inusal niya ang salitang ito.
'Di ba sinabi kong wag kang titingin sa bintana? Lagi lang kitang binabantayan apo'
at bigla nalang syang naglaho.
At ngayon ko lang naalala na kasama din sa napaslang ang aking lola noong isang taon sa isang madugong massacre.
Sila ay pinatay ng mga bandido sa likod bahay namin
at higit sa lahat
Kasama rin ako sa napaslang!

BINABASA MO ANG
Third Eye (Compilation)
TerrorThird Eye Stop looking around if your scared. Stop being curious with a less faith. Because once you find out something there's no turning back! ------------------* (A/n:) This is a compilation of many horror story that my imagination made.