Chapter 05: *Mine!*

7K 121 12
                                    

 SIDE STORY OF IJHM, Eto po ang nangyari after natapos ang IJHM.

****

Chapter 05: *Mine!*

"Tingin tingin mo jan?!" tanong ko sakanya, pagkababa ko kasi sa 

malaking hagdanan nila... andun siya nakaupo sa malambot na sofa at 

nanonood sa kanilang HUGE flat screen tv!!! Nakatingin pa saakin, manyak manyak? 

"Wag ka nga dito" sabi niya habang minomotion pa ang kamay niya na parang pinapaalis ako, PINAPAALIS nga ako!

"Tengene ka!" nagsmirk lang siya at bumalik sa ginagawa niya. Tumalikod ako at naglakad papuntang kitchen. 

*Grrrrrrrrr*

Napahawak ako sa tyan ko na parang nagwawala na, napa-buntong hininga na lang ako. HALA! Paano na itech? Di ako marunong magluto! Ano ba naman yan!

"Ano ka ngayon?" napatingin ako sa lalaking sumandal sa may pader. Tinignan ko yung kutsilyo malapit saakin at ibinalik ko ang tingin sakanya ng masama!

"Sasaksakin kita!" madiin na sabi ko, lumunok siya at medyo lumayo layo saakin.

"Don't ever think about it!" naka-kunot noong sabi niya. "K." sagot ko na lang at umakyat sa may lababo nila! Sa taas kasi nun, may mga cabinet! Takte sana may pagkain.

"Mahulog ka.."  

"Wala kang pake."

"Inaalala ko lang na masasayang ang pera pag naospital ka. Tcch" napalingon ako sakanya, and I murmured..

"Ulul." sabay nag dirty finger ako sakanya. At binelatan ko pa, Gosh! Nakakainis na talaga siya.

"Kakaiba ka, langya!" sabi niya habang natatawa. Pisti talag----

"WAAAAAAH!" na-out of balance ako sa kinatatayuan ko, hinihintay kong dumampi saakin ang napaka-tigas na sahig pero..

BOOM!

"Leste ka! Lumayo ka nga!" tulak ko sakanya, hindi ako yung babaeng tititigan pa yung lalaking nakasalo saakin pag nahulog, ganon! Kadiri sila, ginusto rin naman nilang mahulog kung ganon diba?!

"Tsk, Ikaw na nga 'tong tinutulungan eh!" bulyaw niya saakin. "Ano ba yan! Maliligo na nga ako, nakapitan ako ng errr---GERMS ng isang gagow." nandidiring sabi ko.

"Ouch ha?!" nasasaktang sabi niya, What da?! Ang panget niya!

"Ouch talaga, tungaks ka?!" tinitigan niya lang ako at hindi sumagot, tsk! Bigla kong naalala, kaya pala ako nasa kusina dahil nagugutom ako.

"HOY! Magluto ka, yung masarap." at tumalikod agad ako at nagsimulang umakyat sa hagdan..

Napatigil ako nung nagsalita siya "Masarap? Paano ko iluluto ang sarili ko?" humarap ako't napanganga sa sinabi niya.

"ASDFCENSOREDck you" kung ano yung mga sinasabi niya, di talaga ako makapaniwala! Ang kapal talaga ng mukha niya! Kung may lalabas man sa bibig niya, o may sasabihin siya.. Lagi akong napapanganga! Takte lang kasi!

****

*TOK, TOK TOK*

Napatingin ako sa pintuan ko na nakasarado. Pssh, sigurado akong si Ace yan. Sinarado ko agad yung laptop ko at binuksan ang pinto.

"Ano?" tamad na sabi ko. Pero napahawak ako sa bibig ko nung makita ko siyang naka-apron! 

"pppftttt---"

"Ano tinatawa mo dyan? Normal lang 'to sa mayayaman" sabi niya at inirapan ako. Tinuro ko ang apron na suot niya, "Yan normal? Sa lalaki wahaha----"

"Tsk! Bumaba ka na lang at kumain, may pupuntahan tayo." sabi niya habang naka kunot ang noo.

"HAHAHAHAHA--Huh?!"

"May pupuntahan tayo. Sasama ka saakin dahil bawal kitang iwanan sa bahay." halos mahulog na ang eyeballs ko sa sinabi niya, like WHAT?!

Pinalo ko ang pinto at tuimingin ng matalim sakanya "Alam mo bang ayaw na ayaw kong tumira rito? Dahil sa pinilit ako. Pumayag ako, para maguing proud naman ang tatay ko kahit ngayon lang ako susunod sa mga utos niya, alam mo bang ayaw ko ring tumira lalo na't kasama KA?! Sa lahat ng makakasama ko, ba't IKAW pa? Tengene naman ohhh, tapos ngayon.. bawal akong maiwan sa bahay?! At kailangan pang sasama sa kinaiinisan ko?! Dapuq naman talaga ohhh!" hiningal ako dun ahh? WAHAHAHAHA! Pero nung tinignan ko ang expression niya, naka-nganga siya at parag di makapaniwala.

"HOY!" gulat ko sakanya, at dun na siya napapikit.

"Basta! Bumaba ka na lang, takte naman!" sabi niya at tumalikod saakin, No choice na akong bumaba.

***

"Ano 'to?" tanong ko habang tinuturo ang ulam gamit ang tinidor.

"Spaghetti with clams and corn." at sumubo siya ng toast bread. Inayos ko ang tinidor ko at nagsimulang mag roll ng pasta..

"Bakit...ganito? Color green?" litong tanong ko, di ako sigurado kung kakainin ko ba, baka kasi iluwa ko pa sa harapan niya. At isa pa...

We're enemies! Mamaya may lason 'to! Kailangan kong maging sure!

"Ginamit ko kasi yung Pasta na galing Italy, green talaga yan.. ewan ko ba."  sagot niya.

"Kainin mo nga. Ikaw mauna" utos ko. Tumingin nanaman siya na parang tanga saakin! WAAAH! Nakakainis kaya! "Tumigil ka nga sa kakatitig ng ganyan!" tusukin kita sa mata ng tinidor eh.

"Tcch, kakainin na nga eh" at sinubo niya na nga ang naka roll na pasta sa kanyang tinidor. I mean.. yung TINIDOR KO!

"Ba't yung akin ang kinaininan mo?!" inis na sabi ko. "Sabi mo ehh.." at nag smirk siya ng mala demonyo.

I. JUST. HATE. HIM. MORE!!

 "Mamaya magbihis ka na, I mean maligo ka na.. Sumama ka." inirapan ko lang siya at nagsimula na akong kumain, kumuha nga pala ako ng bagong tinidor! Ayoko nga kumain ng may laway niya! Yuccck!

"Pisti, oo na lang."

 Ace's POV

"Ace! Bakit kasama mo 'yang number one hater mo?" sabay na tanong ng dalawang kambal, sila si Cloud at Sun. Kasama ko sa banda (BadHaters) Nandito na kami sa Bar ni Pareng Pip. Ang Cozzé Bar.

"Uhhh.. mag-isa lang kasi sa bahay, hindi ko maiwanan" lumapit saakin si Jeff at bumulong.. "Don't you think it's very ironic na manonood ang isang hater ng badhaters sa gig natin?" nagkibit balikat na lang ako. Ano magagawa ko...eh ako lang ang guardian ng babaeng 'to?

"Alexander Dominic, umupo ka na" pinaupo ko siya sa di kalayuan sa stage, at inorderan ko pa ng Tacos, Fries at Mango Juice! Hay hay! Grabe tong babaeng 'to! Ang hirap maging guardian..

Pero ang bait niya ha? Di niya ako binubulyawan.. tahimik siya.. kahit sa sasakyan ang tahimik niya eh, papunta na ako sa stage nung pagmasdan ko siya. Para siyang batang inosenteng nakaupo sa isang stool..

D'Awwww! Ang cute niya, mukha siyang mushroom na pokémon. WAHAHAHAHA! Bad Ace!

"Ace tignan mo yung Dominic mo.." siniko ako ni Cloud. Napakunot naman ang noo ko habang inaayos ang string ng guitara ko.

"Ohh, anong meron sakanya?" Kakanta ulit kami ng isa pang cover, aayusin ko lang ang tono ng gitara ko. 

Tumikhim siya bago sumagot.. "Kasi.. tinutulugan ka na ng pinapa-impress mo! HA HA HA" tawa sila ng tawa, mga baliw!

Pagkatapos kasi namin kantahin yung single namin, naghiyawan, nagpalakpakan ang mga fans namin habang siya......ehh.....TULOG.

Ano pa ba ang aasahan mo sa babaeng 'yan? Hater eh. At talagang nagdala siya ng earphones niya ah? Para di talaga kami marinig kumanta.

The HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon