Chapter 38: *A.M.*

1.8K 65 22
                                    

Chapter 38: *A.M.* (Edited March 25, 2016)

"Sigurado ka na ba talaga?" tanong saakin ni Magiee, binigyan ko lang siya ng isang matamis na ngiti bago bumalik sa pag a-ayos ko ng bagahe. Napakunot ang noo ko nang makitang may tsyokolateng nakabukas sa loob ng bag ni Axel.

"AXEL!!!!" sigaw ko, napanganga na lamang saakin si Magiee. At biglang tumawa sa reaksyon ko. "Grabe ka naman.. Ako na bahala kay Axel,"  ngumisi siya saakin. 

Yung batang 'yon! Bawal siya sa tsokolate dahil sobrang kulit niya pag nakakatikim, napakunot ang noo ko sa pag tataka kung sino ang nagbigay sakanya. 

Ipinikit ko ang mata ko at ginulo ang buhok ko, masyado pa akong bata para maging stress ng ganito! 

"Mommy!!!" napatigil ako nang may yumakap na maliliit na kamay sa leeg ko, "Ay! Baby Alice, yes?"

"Will you be mad if I.."

"If you, what? Tell me baby?"

Pinapunta ko siya harapan ko, tinitigan ko ang matataba niyang pisngi. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Hindi ako nagagalit dahil.. ughh! I should really forget about him...

"Kasi.." lalong lumaki ang ngisi ko, she's trying to say some Filipino words! Awww, isn't she cute?

"Kasi?"

"MOMMY! I did not ate the chowko!" I heard Axel, I looked at the door where he is. May hawak siyang apple habang nginunguya, "Then who?" tinaasan ko siya ng kilay. 

"I did."

Nanlaki ang mata ko habang tinititigan si Alice na ngayon ay umiiyak na. Wala pa naman akong ginagawa umiiyak na siya? Juskooo! Narinig kong tumatawa si Magiee, and I shot her my deadly glare. "You're not helping.." sabi ko sakanya. Ngumisi lang siya, "Ang cute mo pala maging nanay. Di ko maimagine!"

"Di mo pa maimagine? Eh nakikita mo na, kainis!" ngumiti ako sakanya. Nakakainis talaga 'to si Magiee, di na talaga nakakatulong!

Buti na lang at di niya na binabanggit ang pangalan ni mokong, naiinis lang ako. At bago na ang buhay ko, bakit pa babalikan ang mga basura?

Naramdaman kong kumakawala na si Alice sa hawak ko, tatakas siya..

"O-oh.. It's not.. I'm not mad, baby.. Ano ka ba!" tumawa ako para ipakita sakanyang di ako galit pero lukot na agad ang mukha niya. Siya pa naman ang mahirap na patahanin sa tuwing iiyak siya, para bang babaha ng luha pag nag simula na siya.

Kinunot ko ang noo ko, sumasakit ang ulo ko dito sa batang 'to. Pero mahal ko 'to.. 

"Akin na nga muna yan si Alice, mag pahinga ka muna.." Tumango ako kay Dwayne. Tumayo ako at ibinigay sakanya si Alice, tinitigan ko si Alice at hinalikan siya sa pisngi. 

"Di galit si mommy, ano ka ba.. Baby? Basta lagi kang magpapaalam ah?" sabi ko sakanya. Napatingin ako kay Dwayne na ngayon ay nakataas ang kilay, tinaasan ko rin siya ng kilay. 

"Sige na, magpapahinga na ako." lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa labi. Ngumisi lamang siya. Napansin kong nanliit ang mga mata ni Magiee, ngumisi lamang ako sakanya. 

Ginulo ko ang buhok ko pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama, at tinitigan ang puting ceiling. It's been years.. After I gave birth with those two little angels, I met Dwayne.. Tinulungan niya ako, he finds my voice really.. helpful? Sabi niya may future daw ako sa music, kahit  siya ang naalala ko tuwing napag uusapan ang musika. Pumayag ako, nagkaroon ako ng mini albums.. Dahil sa trip lang naming dalawa hindi ko alam na madidiskubre ako.

The HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon