Chapter 40: Long time no see

2.9K 102 88
                                    

Chapter 40: *Long Time No See*

Tumigil ako sa pag hinga. Para bang tumigil ang mundo ko habang gulat na nakatingin sakanya. Kahit siya, naktingin saakin na para bang... "I-I gotta go..." banggit ko sakanya, bigla kong nababaan ng telepono ang bata dahil sa nanlamig bigla ang kamay ko, at hindi ko na alam ang susunod kong gagawin. Para bang na-blangko ang utak ko. Pinagpapawisan ako ngayon ng matindi.

Baka malaman na niya ang tungkol sa anak ko.

Sa anak... namin.

"Wait... DOMINIC!!!" narinig kong sigaw niya sa loob ng kotse, too late. Naisara ko na ito, he even tried to grab my hand, buti na lang at mabilis ko itong naiwas ko. Mabilis ang kalabog ng puso ko na para bang wala nang bukas para sa walang hangganang pag tibok nito.

Mabilis akong pumara ng taxi, nakahinga ako ng maluwag nang makapasok ako dito. Sinabi ko agad kung saan ako iuuwi. Kinuha ko ang cellphone ko na kanina pang tumutunog. May tumatawag... Nanginig ang kamay ko habang tinitignan kung sino ito. Si Ace...

Pinatay ko na lamang ang cellphone ko at huminga ng maluwag, sumandal ako sa upuan ng taxi at napatulala sa labas ng bintana.

Kinagat ko ang labi ko at tumungo habang naglalakad ng mabilis, may mga taong tumitingin saakin at pinagtuturo ako, lalo akong kinabahan.

Nakikilala ba nila ako? Tangang tannong ko sa sarili ko

Sinabunutan ko ang sarili ko. Bakit ba ang tanga tanga ko?! Ang tanga tanga ko... pag dating sakanya. Parang walang pinagkaiba sa dating ako sa ngayong ako.

"Ang gusto kong pangalan ng anak natin ay Axel."

Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit nang bigla kong marinig ang boses ni Ace. Naalala ko pa iyon... Kung saan ako nag sabi na gusto ko rin siya, na magiging kami na. Kung saan namin pinag usapan kung paano kami bubuo ng pamilya.

"Miss... Masyado kang maganda para umiyak lamang." napatigil ako nang makita kong nakagiti si Manong driver saakin, napahawak ako sa pisngi ko at ito'y basa. Inabutan niya ako ng box ng tissue na tinanggap ko agad.

Ngumiti ako sakanya habang nagpapahid ng luha, "Hindi po ako umiiyak. Napuwing lang," sabi ko, alam ko namang obvious ako. Ginagawa ko pang tanga ang mga tao sa paligid ko, jeez... Alex!

"Bakit kaya ganoon ang mga tao... Alam naman natin ang totoo ang tama, pero nagagawa pang mag sinungaling at ginagawa pa rin ang mali?" Medyo natamaan ako sa sinabi ni Manong, alam kong umiiyak na ako pero nagawa ko pang magsinungaling. Siguro dahil sa para takpan ang kahinaan ko? Alam ko rin na mali ang ginagawa ko, pero mas nakakabuti ito. Nanahimik lamang ako sa sinabi ni Manong.

"Siguro kaya natin nagagawa ang mga bagay na iyon dahil sa tingin natin ay makakabuti ito. Pero hindi natin alam na makakabuti lang ito para saatin at hindi sa buong paligid natin? Naapektuhan din sila. Nasasaktan." napa angat ako ng tingin at nakitang nakangiti si Manong.

"Hija, kung may kinikimkim ka para sa sarili mo, dapat sabihin mo din sa iba kung sino man ang may karapatan na makaalam. Para sa dulo hindi ka magsisi. Tulad ko... Kung kailan huli na ang lahat, doon ko lang nasabing mahal ko pa rin siya."

Kinalabit ko si Manong at ipinasa sakanya ang tissue box dahil napansin ko sa mirror na lumuluha na rin siya. Medyo malayo pa ang bahay namin, kaya inudyok ko siyang mag kwento.

"May nobya ako, siya si Luicita, tawag ko sakanya ay Lucy. Dati kami ay nakatira sa iisang bubong, kaso... Nagkaroon ng komplikasyon, nag away kami. Yung isang matinding away na kahit sino ay hindi na kami makakapag bati, matindi rin ang galit ko sakanya dahil sa ginawa niya. Nang isang araw, lumuwas ako ng Maynila para maghanap ng trabaho at mag bagong buhay, nagawa ko iyon. Pero napabalik ako ulit sa probinsya namin nang malaman kong may malubha siyang sakit. Nag alala ako sakanya, pumunta ako kung saan siya nakatira, pero nakita kong kasama niya ang isang lalaking nag aalalaga sakanya, nakita ko sa mata niya na masaya siya kahit may sakit siya, nagkatitigan kami ni Lucy pero agad akong bumaba sa hagdan at bumalik na lamang sa Maynila. At ngayon... Ilang dekada na ang nakalipas, maliit lamang ang mundo kahit sabihin natin na ilang million tayong nabubuhay dito... Kapit bahay ko na sila ng asawa niya." napakunot ang noo ko sa kwento ni Manong, hanggang ngayon kahit ilang taon na ang nakalipas, mahal pa rin niya ang dati niyang nobya, at nagsisisi siya dahil sa huli ay sumuko siya. Hindi niya inalam ang lahat. Sa hulit talaga ang pagsisisi...

The HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon