Chapter 09: *Indirect---what?*

6.3K 124 11
                                    

Chapter 09: *Indirect---what?*

Alexander Dominic's POV

Medyo matagal tagal na akong nakayakap sakanya, kaya naman agad ko siyang tinulak.. Medyo marahan lang naman, "Time out muna tayo ah?" sabi ko sakanya habang kinukusot ang kaliwang mata.

Akala ko magugulat siya dahil sa sinabi ko, pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Kahit gusto ko siyang pag susuntukin sa mukha di ko magawa kasi nga nag rerequest akong time out muna. Imbis na magulat siya, tinaasan niya ako ng kilay. "Hey! Don't look at me like that!" nag iwas ako ng tingin, sa wall clock niya na lang ako tumingin.

"Like what?" nakangisi niyang tanong saakin.

"That!" ngumisi lang siya nung magtama ang mga tinginan namin, God! Bakit ganito? Para akong nahihiya na ewan. "Pssh, basta! Time out muna tayo," napahalukipkip na lamang siya sa harapan ko at lalong tinaasan ng kilay pero di parin mawala wala ang ngisi sa labi niya.

"Saan?"

Inirapan ko siya, "Sa away natin!" sigaw ko sakanya, naiinis na ako. Nagsisimula nanaman akong tubuan ng sungay dahil sa lalaking 'to! Sabi ko nga magbati muna kami pansamantala, pero lalo niya akong iniinis.

"Ahh, okay!" parang wala lang na sabi niya, nalaglagan ako ng panga sa inasal niya, bakit ba ang cool cool lang niyang magsalita, parang wala siyang problema.

Ginulo ko ang buhok ko, "Ikaw! Ikaw kasi may kasalanan nito eh!" nang may maalala akong kasalanan niya.

Tinuro niya ang sarili niya, "Ako? Ano nanaman ginawa ko?!"

"Malamang, ikaw. Hindi ako maloloka dahil sakanya kung di ka pumayag na magf stay siya dito!" nagulat ako nung hawakan niya ang magkabilang balikat ko, "Nasabi ko na eh, sorry." hinipan ko ang bangs ko na nasa mukha ko na. Ang gulo gulo na ng buhay ko, kasing gulo ng buhok ko, buhol buhol na! Sinong may kagagawan nito? Syempre ako! Kasi ako nag gulo ng buhok ko, ang may kasalanan? Ang magaling na si Ace Alliane AKA Alien!

Bumuntong hininga ako, kinusot ko na ang dalawang mata ko gamit ang dalawang kamay ko, "O-Okay na ako. Pssh!" nagawa ko pang mag taray kahit naiyak na ako.

"Mahal mo pa 'no?" nakataas parin ang kilay habang tinatanong niya yan saakin. "Tsss.."

"Mahal mo pa nga. Kasi di ka naman masasaktan kung naka moved on ka na diba?"

"Anong gagawin ko?" Nakakainis dahil ako na mismo ang nagtatanong sakanya sa mga bagay na yan, at isa pa.. I HATE HIM. Pero nagagawa kong tanungin sakanya yan, oh well.. bati naman kami ngayon eh for the meanwhile.

"Kalimutan mo, maghanap ka ng ib--" binato ko na agad siya ng unan.

"You think, that is easy.. huh!?"

"If you try." ngumiti siya saakin na ikinataas ng balahibo ko, at kinuha niya ang unan na nasa lapag at ibinalik sa ayos, umirap na lang ako. Okay rin naman pala 'tong si Alien eh. Pero no! Pansamantala lang naman. Tumayo ako sa kama at pinunasan ang mata ko ulit.

"Di bagay saakin ang umiyak no?" natatawang sabi ko sakanya, nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan sa kakakuskos sa mata, "Baka ikamula lalo ng mata mo yan kaya tigilan mo." binitawan niya na ang kamay ko pero nalaglag ang panga ko ng ilagay niya ang magkabilang kamay niya sa magkabilang pisngi ko, naramdaman kong bahagyang nag init ang pisngi ko sa ginawa niya. Nag iwas na lamang ako ng tingin, "Alam mo.. Forget about him. Lahat ng nagpapaalala sa'yo tungkol sakanya, tanggalin mo.. itapon mo. Ibaon mo lahat ng memories. Forget all about him, Forget Ced, cause you know? He will never loved you anymore like he did the old days."

Napanganga ako sa sinabi niya, the truth hurts nga naman. Two words, easy to say.. hard to do.. MOVE ON.

Pumikit muna ako para tanggapin the fact na iniwan niya ako, idinilat ko ang mga mata ko at napatingfin kay Ace na nakangiti saakin.

Huminga ako ng malalim at niyakap siya, "S-Salamat." hinawakan ko ang kamay niya, "Tara! Baba na tayo.."

***

"Kayo na ba?" napatingin ako kay Ced na kaharap ko ngayon sa hapag kainan. Nanggigigil ako sa tanong niya, naisip ko tuloy na mag syota kuno kami ni Ace, nandiri na lang ako kaya agad akong napangiwi. Sarap niyang sagutin ng 'So what? Ano naman sa'yo?' pero dahil nasa harap kami ng hapag kainan hindi ko sinabi iyon.

Nagkibit balikat na lang ako, si Ace rin.

"Ahh," yun na lang ang nasabi niya sabay inom ng juice. Katahimikan ang bumabalot saamin habang kumakain. Gusto ko nga siyang tutukan ng tinidor tula ng pag tutok k kay Ace.

"Kumain ka pa.." napatingin ako sa roasted chicken na hinahati ngayon ni Alien at inilagay sa plato ko. Yung pakpak pa, yung wing part pa ng chicken. Eh yung paborito ko pa namang parte ng chicken ay ang...

"Ace, mas mae-enjoy ni Eyd--Alex yung pagkain kung ang paborito niya ang ibinigay mo.. Yung chicken feet." nagulat ako sa sinabi ni Ced. Nabato ako, parang di ko alam kung anong i-rereact ko, so mas pinili ko na lang na tumahimik.

Napatingin ako kay Ced habang hinahati niya ang chicken, at inilagay niya ang chicken feet sa pinggan ko at agad niyang kinuha ang chicken wings sa pinggan ko at inilagay sa pinggan niya.

Napakagat labi na lang ako, Ano 'to?! Napatingin ako kay Ace na laglag ang panga, lumipat ulit ang tingin ko kay Ced na nakangiti.

My heart pounded! Napahawak ako sa may bandang dibdib ko, sheyt naman! Umiling iling si Ace, "Ahh ganon ba?"

"Yeah, tanong mo pa kay Alex.."

Nag iwas ako ng tingin, ang init! Para kasing mag aaway na sila, mahinahon lang silang magsalita pero ang titigas ng mga word sa pagkakasabi nila. Parang mag aaway pa sila dahil sa chicken thingy?

"Mas gusto mo pa ang paa kesa sa pakpak?" tanong ni Ace, kinakabahan ako. Uminom ako sa baso na may lamang juice na nakita ko sa tabi ng pinggan ko.

"Uhh.. Dominic, akin yang inuman mo." nakangising sabi ni Ace na ikinasamid ko! Tuloy tuloy ako sa paglagok ng inumin at bigla niyang sinabing sakanya! It means, nainuman niya na yon?!

Hindi ako makahinga, ubo ako ng ubo dahil sa nasamid ako, agad hinagod ni Ced ang likuran ko, pero narinig kong pinalo ni Ace ang kamay niya, at si Alien na ang nagpatuloy sa pag hagod nito. NUng mahimasmasan na ako, pinalo ko rin ang kamay niya, My God!

"Uhh.. ehh Sorry, parehas ko kasi silang gusto kasi parehas lang naman silang chicken?" sabi ko.

***

Naglalakad ako ngayon sa second floor ng bahay nila Ace, nakakainis! Bakit ko pa kailangtang mabulunan sa harap ni Ced? Ginulo gulo ko ang buhok ko nung biglang may umakbay saakin, napatingin ako rito..

"Problema mo?"

"Naniniwala ka ba sa...Indirect kiss?" nakangising sabi niya.

ANO?!

XX-XX--XX

Sorry guys kung natagalan ang ud. Pero mag uud agad ako, comment lang guys ah. Yung may laman namang comment. Wag yung puro "UD na." yung makakapag inspire pa lalo saakin :)

The HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon