Chapter 16: *One..*

6.2K 112 52
                                    

Chapter 16: *One.*

Alexander Dominic's POV

"Hmm.." nakaramdam ako ng init parang pinatay na ata yung air conditionaire? Lalo kong hinigpitan ang yakap sa unan. Naramdaman kong gumalaw ang unan na niyayakap ko at yumakap rin saakin?

Ayos 'tong unan na 'to ah. Baka nanaginip lang ako? Sinubukan kong higpitan ang yakap at kinagat kagat ito tulad ng ginagawa ko sa mayakap kong unan sa bahay.

"A-ARAY!" napadilat ako ng wala sa oras ng makita si Ace na nakangiwi at magulo ang buhok. Nalaglag ang panga ko, so after all this time? Pinagkamalan ko nanaman siyang unan! "Bakit mo 'ko kinagat!" singhal niya saakin habang hinihimas ang balikat niya na kinagat ko.

Hindi ako sumagot, napatingin ang mata ko sa isang kamay niyang nakapulupot pa rin sa may bandang bewang ko, "Ehem? Mind if you...you know?" nguso ko sa kamay niya.

Agad naman niyang tinanggal at lalong ginulo ang buhok niya. "Grabe ka! May rabbies ka ba?! Mamaya binubula na yung bibig ko eh!"

"Okay ka rin 'no?" hinipan ko ang bangs ko. "Ikaw nga 'tong yakap ng yakap saakin, kahit kailan talaga 'no? Sakit na talaga siguro 'yang kamanyakan mo!"

"WOW! ha? Yung totoo? Ikaw nga unang yumakap saakin!" parang nabasag ang eardrums ko sa sinabi niya, ano? Ako raw ang yumakap? Naunang yumakap?

Tinulak ko siya at tumikhim, "Kapal mo! Hindi ko gagawin yun!"

"Sigurado ka? Tulo laway ka pa nga sa balikat ko eh!"

"H-huh?"

Umiling iling siya at kinuha ang phone sa may bulsa niya, itinapat niya sa mukha ko na sobrang lapit na naduling duling na ako. Kaya tinulak ko yung kamay niya na may hawak ng cellphone niya palayo saakin, "Ano ba! Naduduling ako!" pero hinigit ko ang kamay niya para makita ang pinapakita niya.

Napanganga ako sa nakita ko, litrato kong natutulog sa balikat niya at siya naman ay naka peace sign. Napa tingin ako sakanya, nakangisi lang siya. "Wallpaper ko 'yan!" pagmamalaki niya.

"WHAT?!" sinubukan kong agawin ang cellphone niya pero nilalayo niya saakin. "Akin na 'yan!"

"Na-delete ko na!" nakangiting sabi niya. "Weh?" 

Humalukipkip siya at parang pinagmasdan lang..AKO?

"Ano namang trip 'yan, Alien? Pinagmamasdan mo ba ang crush mong maganda?"

"Maganda raw.." bulong niya pero narinig ko.

"Oo! Kaya mo nga ako gusto diba?" umusog ako ng upo malapit sakanya. Tignan lang natin, Ace kung hindi ka umamin saakin. "Ang init na dito, lumabas na kaya tayo?" iginala niya ang tingin sa kotse. "Iniwan tayo! Ang init ini na, hindi man lang tayo...ginising!" reklamo pa niya.

Hinawakan ko ang bandang hita niya kaya naman napakunot ang noo niyang tumingin saakin, "What? Are you going to test me again?"  Umiling ako na parang bata. Oo, Ace Alliane.. Tine-test kitang, hinayupak ka!

Ngumiti lang ako sakanya, "Naiinitan ka? Mainit ba sa kotse?" hinihimas himas ko pa rin ang hita niya. Ang ganda ng pantalon na gamit niya ah? Mayaman talaga!

Bahagya siyang napalunok. "H-Ha?"

"Hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko?" nsinubukan kong gumapang palapit sakanya. Iginala ko ang tingin ko, kunyari tinitignan ko kung wala sila Magiee. Psssh, patay sila saakin nila Cloud nine! "H-huy! Ano bang pinaplano mo?!"

"...Ra-rape-in mo ba ako?!" napatigil ako. Ano nga pala ang sunod na gagawin ko? OMG! Nakalimutan ko! "Uhmm..Pwede rin?" kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko. Sabi nila Marlon, yung kaibigan kong bading mas sexy na daw tignan ang mga babaeng nag li-lip bite kesa sa Duck lips. Hahahaha! Anbg daming alam, no?

The HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon