Chapter 19: *Concern*

5.5K 99 23
                                    

Chapter 19: *Concern*

Alexander Dominic's POV

"Kuya!" pumara ako, at agad ring sumakay ng taxi, "San po tayo, ma'am?" 

"Sa Illumina Mall po." agad namang nag drive si manong. Naglagay ako ng earphones kasi nakakainis yung kanta dun sa radyo niya, pusong bato? Seryoso? 

Nagulat ako nung huminto ang taxi, "Traffic, ma'am." tumango na lang ako.  

"D-apuq, who's that?!" napadungaw ako sa bintana ng kotse. 

Napakunot ang noo ko, nakakasira naman 'to ng araw! 

"Ang ganda niya po 'no, ma'am?" lalong napakunot ang noo ko sa sinabi ng driver. 

"H-uh?" maganda? Napasimangot ako. 

"Alam niyo po bang idol yan ng anak ko? Gusto niya rin kasi maging tulad niya." ani nito. 

"...sana nga, pero sana wag makuha ang ugali." i hissed. 

"Ano po ma'am?" 

"Wala po," umupo na ako ng maayos. Seryoso talaga siyang bumalik dito ah?  Epal na billboard, masyadong malaki! HARANG! HARANG!

Actually di naman talaga, tamang laki lang pero nakakainis yung taong nasa billboard.

"P-akyu ka Mich!!!"

*** 

Nandito na ako sa mall. Kung saan kami namasyal ni Ate Aril, yung sa Illumina. 

3 days before the concert. Himala't pinayagan ako ni Alien maglibot libot nang walang kasama. Binigyan niya rin ako ng pera, mga 5k, okay na daw yun. Kesa naman sa umarte ako, hindi ba? Edi gora na!  

Pumasok ako sa isang department store ng mall, napansin ko ngang mahaba ang pila sa may bayadan ng kuryente parang bayad center ata? May bilihan rin ng tickets dun. "Omg! Sana makaabot tayo, matirhan ng golden tickets!" rinig kong sabi nung babaeng naka loose shirt at may logo ng.. 

"Badhaters?" napakunot ang noo ko. Ganun na ba talaga? Sila kasikat? Uhmm.. Talaga namang sikat sila, lalong sumikat. Napatingin ako sa malaking picture ng banda nila Alien. Nasa harapan siya, pinaka harap. Para siyang....nang aakit? Ah letse. 

"Oo nga! Mag pray tayo!" niyaya nung babae na maghawak hawak kamay silang tatlo at nanalangin. OA lang? OA lang? 

Ang daming ngiting ngiti nung nakakuha na ng ticket, at may gusto pang tumambling, gumulong gulong sa floor. Sabagay.. May point sila sa pag isip ng ganun ka weird na bagay kung makakuha ng ticket sa isang concert. Eh kung ako ay makakuha ng ticket sa concert ng isa sa mga Idol ko eh, baka hindi na ako makatulog. At matulad sa nangyayari sakanila.

Napangiti na lamang ako at umiling iling. Madaan nga yung bilihan ko ng pabango...

Habang papuntang elavator, napansin kong may batang umiiyak.

"Baby, I know na ginawa mo ang lahat para lang mag top sa klase mo at mabilhan ka ng tickets, unfortunately lang na sold out na." malungkot na saad ng kasama niya, ate niya ata. Sinamangutan siya nito, I feel her. Kung mangyayari saakin yun, I'm going to have a hard time, and a bad day.

Lumapit ako sakanila, "Uhh--Miss, tungkol ba yan sa concert ng Badhaters?" tanong ko.

"Oo, miss eh. Ito kasing kapatid ko, naubusan ng tickets. Kaya ayan.."

"Ikaw naman kasi ate Trisha eh! Nakakainis ka na eh! Sabi mo kanina don't worry kasi maabutan pa natin!" pagmamaktol nung bata. Wow, just...wow? Nakikita ko ang batang 'to saakin, parang salamin.

The HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon