Chapter 10: *Not at all..*

6.4K 101 13
                                    

Chapter 10: *Not at all..*

Alexander Dominic's POV

"...Indirect kiss," he wiggled his eyebrows. Makapal pero agay sakanya. Lalaki siya.. malamang. Guys do look good with those eyebrows.

Nagsitaasan ang balahibo ko ang senaryo na nasamid ako, sa hawapan pa nila ha?!

Ininom ko ang juice ni Ace nun! Eww, kaya kung ano ano ang pinagsasabi niya ngayon saakin.

"Hindi ako naniniwala saganyan! Kaya tigil tigilan mo 'kong Alien ka!" singhal ko sakanya, time out muna kami pero bakit ganito? Lalong lumalim ang pagkainis ko sakanya. He winked at me with those chinky eyes. Nag iwas ako ng tingin, ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa ibang bagay na makikita ko.

"Weh? Pag ganun kasi, parang hinalikan mo na ri ako. Kasi galing na yung baso sa....labi ko." mahina akong napamura sa sinabi niya.

Masyado siyang makapal ang mukha. Malakas ang tiwala sa sarili niya, ayun ang nakakainis sakanya. Parang tanga lang.

"Hindi! Hindi! Hindi!" pumikut ako, itinakip ang magkabilang kamay sa tainga at pinadyak padyak ang paa ko. Paulit ulit lang ako sa pag sasalita, "Hindi! Hindi! Never! Never!"

"Hindi, hindi nga kasi!"

"Oo kaya. Totoo ang indirect kiss." Patuloy pa rin ako sa pag padyak. Perop pagkadilat ko.. Nakangiti siya saakin, parang tumigil ang mundo ko. Yung mata niyang mukhang laging inaantok, ilong na tama ang tangos. At labi na..

"Tang*na naman Ace! Hay*p kang Alien ka!" at agad ko siyang tinalikuran.

"Luh, joke nga lang eh! Uyy!" habol niya saakin.

"Hoy!" hindi ako lumingon. Pumikit ako at hinawakan ang laylayan ng jacket ko. Pinulupot ko iyon sa daliri ko, para mawala ang konting inis ko. Sa tuwing nanggigil ako, kailangan may bagay akong malambot na kakagigilan ko, Para mailabas ang galit ko.

"Uy!" hila niya uli sa braso ko dahilan para mapaharap sakanya, nakakainis! Napasubsob pa ako sa dibdib niya. Natigilan lang ako nung halos payakap na ako sakanya, i almost hear his heartbeat. Medyo malakas. Malamang buhay siya, duh.. Alex, wag ka nga!

Pulang pula na ang mukha ko ganito ako pag galit. Na hihigh blood. LOL.

Ace's POV

Pagkahawak ko sa kamay niya, napasubsob siya sa dibdib ko. Ewan ko pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Mamamatay na ba ako? May heart disease ba ako?

"Isa. Pa. Ace." she said. At halatang gigil na gigil siya.

"Last. Na. Nga. Yun." I pouted. Sino bang di makakatiis sa charms ko? Alam ko namang gwapo ako at cute ako at the same time. Pero..

Napapikit na lang ako sa lakas ng pagkakasara ng pinto, She left me! Sinaraduhan niya ako, sa isang iglap.. nagawa niya 'yon?

"Ikaw talagang babae ka!"duro ko sa pintuan niyang nakasara. "Dude?" nakakunot ang noo ni Ced saakin, "Nag aaway kayo?"

Bakas sa mukha niya ang pag aalala ex niya eh. Pero pag ex diba.. dapat wala na?

"Nah, we do this all the time. Sanay na ako," i sighed. Bumaba ako sa may sala at sumalampak sa sofa.

"When we were together, di siya nagkakaganyan." napatingin ako kay Ced. Nakangisi siya, so.. Anong pinaparting o pinaglalaban niya?

"Throwback thursday on a friday ka?" nakataas kilay kong tanong sakanya.

"Just saying," nagbikit balikat siya. I don;t know, pero parang nakikipag kumpitensya siya saakin.

"Matanong nga.. Bakit kayo naghiwalay?" seryoso kong tanong sakanya na ngayon ay kumportableng kumportable sa upo niya, parang sakanya ang bahay ah? "I picked my dreams over her. I have no choice. But now.. I'm here.. cause I'm getting her bac--"

The HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon