Chapter 23: *Resort*

5.3K 88 34
                                    

Watch the OST of The Hater before reading, nasa side.. (Sorry mobile users)

Ang cool nun! :D Maiintindihan niyo yung takbo at twist ng story, kung binasa niyo ang "I'm Just His Maid"

Anyway, Salamat kay Ate cutiegogo para sa new COVER! :D

ENJOY READING

_____________

Chapter 23: *Resort*

Alexander Dominic's POV.

Laglag ang panga ko nang makita siyang ngumisi. "Labas na," malamig niyang sbai. Pinagtutulakan niya akong lumabas pero hindi ako nagpatinag.. 

Pinipigilan ng slippers ko ang pag tulak niya saakin, palabas ng pinto niya.. Hinarap ko siya't tinulak papasok. Pumasok ako nang nakakunot ang noo, at tinignan siya nang seryoso.

"To-totoo ka?" nanginginig na tanong ko. Hindi siya sumagot, nakita ko ang kamay niyang humigpit ang pagkakakusot sa papel na pinakialamanan ko.

Malakas ang tibok ng puso ko, para bang may metal concert sa loob ng puso ko. Ang weird!

Alex na maganda, hinay lang.. He's just joking!

"Seryoso." isang word na lumabas sa bibig niya at talagang totoo siya. PERO WAIT!

Napatulala ako sa sinabi niya. Ngumisi siya, "Ano galit ka na? Nandidiri ka? Kasi sa'yo ako may gusto?"  

Ngumiti ako nang alanganin. Nag jojoke ba siya?!

Alex, kakasabi lang na seryoso siya. Mamaya bumalik ako sa kwarto ko na may black eye.

Napahawak ako sa tyan ko, hindi ako gutom! Pero parang nagwawala sila, yung mga insekto! Mga kulisap? Gamo-gamo? 

Hindi ko na maintindihan. "Ha ha ha," tumawa ako at tinapiktapik ang braso niya. "Ikaw talaga! Maka joke at man trip wagas!"  

"Ayoko nang mag joke, ayoko nang mag loko.. Gusto ko nang mag seryoso," hinawakan niya ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya. "normal pa ba 'to?" seryosong sabi niya, ang bilis ng tibok ng puso niya. Bumilis ang pag hinga niya, ramdam na ramdam ko ang katahimikan sa kwarto. 

Maririnig mo lamang ang tunog ng aircon na nakabukas, ang pag hinga niya. 

"H-hindi!" lumayo ako sakanya. Tinignan ko ang mata niyang nagulat sa sigaw ko. "Do-dominic--" 

"Lumayo ka saakin. Di ako nag bibiro!"  

"Kahit ako hindi nagbibiro eh."  

Tinalikuran ko siya, umiiling iling ako papasok sa kwarto ko. Narinig kong sinigaw niya ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. May plano pa ata siyang pigilan ako sa pagpasok sa kwarto ko.

Mabilis kong isinara ang pinto, pero dumaing siya ng..

"ARAY NAMAN!" kumunot ang noo ko, nakakainis na ah!

"Tanggalin mo na kamay mo kung ayaw mong ako pa magtatanggal niyan.. Puputulin ko." walang emosyong sabi ko.

Konsensya: Ano ka ba naman Alex? Ang OA mo na ah!

Napailing na lang ako at sinamaan siya ng tingin, "Hindi mo aalis yan? Harang harang eh!"

Nakaipit pa rin ang kamay niya sa pinto kong pasara na. Kinagat ko ang ibabang labi ko't bumuntong hininga.

Binuksan ko ang pinto nang napaka lawak. "Ano? Bakit?" tanong ko sakanya. 

Alex.. wag mo muna kasing isipin na na-fall si Ace sayo! Kasalanan mo kaya, ang landi landi mo kasi pinapaamin mo siya tapos ngayon NGA-NGA ka?

The HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon