Chapter 21: *BH CONCERT: GOODHATERS*

5.2K 100 40
                                    

Sakanya dedicated, salamat sa pag gawa ng cover :))

xx--xx--xx

Chapter 21: *BH CONCERT: GOODHATERS* 

Umikot ako ng higa sa kama at nanlaki ang mata ko nung makita si Magiee na ngiting ngiti saakin, "Alexy! Ba't di ka pa nakabihis?!" sigaw niya saakin.

"Pinagsasabi mo?" tinakpan ko ang mukha ko ng unan. "Alexy!! Diba sasamahan mo ako??" excited na excited na sabi niya. 

"Diba nag promise ka sa hubby mo na pupunta ka, diba ginawan mo pa nga siya ng romantic dinner with candle lig--" binato ko agad siya ng unan. Bati na kami ni Alien.. and it's really weird.

"SAAN MO NASAGAP YANG BALITANG YAN?!"

***

Badtrip na badtrip akong naglalakad kasama si Magiee patungo sa letcheng pila na yan.

"Ang init init! Pwede bang pumasok na lang agad tayo at umupo sa seats natin?!" reklamo ko kay Magiee na matyagang pumila at naghintay sa arawan. Napailing na lang ako, nag squat ako sa tabi ni Magiee habang tinatakpan ng pamaypay ang init ng araw.

"Bawal eh," simpleng sagot niya saakin. ABA! Di ba siya nag iisip!?

"Magiee! Kakilala tayo nila Alien! Ba't tayo nandito?!"

Ngumisi lang siya saakin at di ako pinansin, "Ang tunay na fan, matyagang naghihintay. Pag ibig ko 'to, kaya matiwasay akong naghihintay.." napanganga ako sa pinagsasabi niya, like WHAT THE F-UCK?

Pinabayaan ko na lang, nagtiis na lang ako. Pinagmasdan ko ang malaking WP Colliseum. May mga babaeng madadaming dala, may naka wedding dress pa. Loko.

"Ba't ka naka wedding dress 'te?"

"Para pag kinanta na nila yung 'Marry You' parang kinakasal na ako!" maarteng sabi niya. Hinipan ko na lamang ang bangs ko.

 Apat na oras kaming naghintay, at nakapasok na rin kami sa de aircon! "Gosh!" suminghap ako nung maramdaman ang lamig ng hangin sa loob.

"Alexy, tara na!" 

"Ha? Saan pupunta?"

"Papasok na!"

"Huh? Eh nakapasok na tayo eh?"

"Hindi pa ito yun! Alexy naman! Last na pipilahan 'to!"

P-UNYETA, AKALA KO TAPOS NA.. HINDI PA PALA!

 ***

Nakapasok na kami atlast, pero may tumawag saakin sa telepono, galit ko 'tong sinagot. 

"ANO!?"

("Chill ka lang Alex! Si Sun 'to!") kinausap niya ako na pumasok sa backstage. T-engene, may ganun pala?!

Nagkita kaming tatlo nila Magiee, luminga linga ako sa loob ng kwarto nila..

"May hinahanap ka ba, Alexy?"

Napatigil ako sa tanong ni Magiee, may hinahanap nga ba ako kaya hindi ako mapakali?

"..wala."

"Si Ace ba, hanap mo?" napatingin ako kay Sun na nakangisi ngayon, si Ace!? U-lol! Hindi. Never!

Nag taas ng kamay si Magiee, "Asan nga ba si Ace?"

Ngumiti muna si Sun, minsan serious 'to.. minsan hindi. Maloko 'yang yan!

"Hatid ko kayo sa kwarto niya," huminto  kami sa kwarto na may star logo pa sa pintuan at nakasulat pa rito ang.. 'BADHATERS: Ace Alliane' 

Nagkatitigan muna kami ni Magiee, "Sa tingin niyo, okay lang na pumasok kami dito?" tanong ni Magiee. Sun scratched the back of his neck at tumingin saakin.

The HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon