Chapter 07: *Eydee*

6.4K 124 18
                                    

Dedicated to Ate BlackandPastel, gawa niya yung Cover sa side, ate nilagyan ko po ng kaunting Filter. :) Salamat.

****

Ace's POV

 "Sige, Magiee maupo ka muna. I-aakyat ko lang sa kwarto si Alex. May bisita pa kasi ako, si Cedrick," nakangiting sabi ko kay Magiee, napatingin ako sakanya na kinakagat na niya ang kuko niya, maybe she's just nervous? Dahil ba nakaharap siya ng sikat na tao tulad ko? HAHAHA! Siguro kung andito si Ate Aril, nako! Binatukan na ako nun. At sasabihan ng mayabang tulad ng asawa niya, psh.  

Inakyat ko si Dominic sa kwarto niya pero nung bubuksan ko na, "Shit!" nakasarado pala, ayoko nga siyang kakapkapan. Kahit gusto ko man, di ako mamamantala ng tulog. Dahil sa may naghihintay na tao sa baba si Magiee, pinasok ko na lang muna siya sa kwarto ko. Wala ng oras para hanapin ang isa pang susi para sa kwarto niya, may bisita pa ako.

"Hmmm.." napatingin ako sa natutulog na mukha ni Dominic. Bumuntong hininga ako, may mga babae talagang mapayat na malakas kumain pero ganun parin.. payat.

Alexander Dominic, Pang lalaking pangalan at babaeng palaban. Napangiti ako sa pinagsasabi ko sa isip ko, "Alien ka."  nahulog ako sa kama sa sobrang gulat nung mag salita siya. I checked her, at hindi naman siya gising. Maybe she's just sleep talking?  

Napangisi na lang ako, "Dominic, ang cute cute mo.. Mukha kang mushroom!" nangigigil na sabi ko. Tulog naman siya eh.

Bumaba na ako, galing ibang bansa kasi si Ced. Dahil doon siya nag aral, and now... He's back, pwede na kaya siyang bumalik sa grupo namin?

Alexander Dominic's POV

Ang lambot ng kama. 'Gosh, iba ang feeling. Parang mas masarap humiga dito ah?' sabi ko sa isip ko, habang nakapikit.. Ninanamnam ang sarap ng pagkakahiga.Pero, napabangon ako ng makarinig ako ng halakhak galing sa baba. 

"Sino ba kasing tawa ng taw-----Nasan ako?!" gulat na gulat na sabi ko. Nasa ibang kwarto ako! Black and white combination ang kwarto na ito, it's so proffesional and manly looking?

Nasapo ko na lang ang noo ko, my God! Asan na ba kasi ako?! Nilibot ko ang kwarto nito, napanganga ako nung malaman kong nasa kwarto ako ni Ace.

Puno ba naman ng poster dito sa kwarto niya, mga autograph na nakalagay na "Ace Pogi" nakakasuka lang. At malamang may picture siya, family picture nila. Dad niya at Sister niya, maybe it's ate Aril? She's pretty. Pero di ko alam kung bakit andito ako, at wala sa kwarto ko! Iniling iling ko na lang ang ulo ko sa naiisip ko.

Sa sumunod na larawan, nakita ko ang batang Ace. Napangiti ako nung makita iyon pero nawala rin nung may marinig ako..

"Ced, wala kang matutuluyan? May condo ka ah!"

"Dude, patuloy muna sayo, parang di barkada eh. At isang araw lang naman." 

"Sige na nga. Hanggang bukas ka lang!"

Nanginginig akong lumabas ng kwarto. Narinig ko ba ang pangalan niya? Pangalan ni Ced, dahan dahan akong sumilip sa hagdanan at muntik na akong ma out of balance. 

Dahil....

....siya nga, si Cedrick Alfonso nga ang kasama ni Ace. Napasandal ako sa pader ng hagdan, is this for real? Bumalik siya, kinagat ko ang ibabang labi ko. Ayokong umiyak! Kailangan mag mukha akong matapang.

"Masyadong malaki ang bahay na 'to para sayo, ba't ayaw mo ko patirahin ng mga 5 days man lang?"

"Tsss.."

"Siguro may babae ka no?"

"Gago. W-Wala ah! Good boy ako."

Hanggang ngayon, ganoon pa rin ang boses niya. Namiss ko yung boses niya..

Kitang kita ko silang nag uusap ni Ace, naka upo sila sa may Sofa. Bumalik talaga siya!

"Ba't ka bumalik dude?" rinig kong tanong ni Ace habang umiinom ng juice.

"Family." tipid na sagot niya. Family, lagi naman eh.

"Baka babae yan dude ah? Kasi diba may past gf ka. Ayaw mong ipakilala! Chikas daw yun ah?" napahikbi na lang ako nung marinig iyon. Ako nga, ako nga ang secret gf niya. Hindi niya ako pinapakilala sa barkada niya. Sila pala ang barkada niya.

Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at umayos ng upo.

"Ahh si Eydee.. siya yung-----" bago pa man niya matapos ang sasabihin niya, ang pinakahihintay kong sasabihin niya! Biglang..

nag ring ang cellphone ko, nasapo ko ang noo ko. And it's too late, nakita na nila akong dalawa sa hagdan, pero sigurado akong di nakita ni Ced ang mukha ko. I was shocked! Ba't ba nangyayari saakin 'to?! Nakita ko ang tumatawag and it's MAGIEE! Ugh, pahamak,

"Dominic, gising ka na pala." bago ako maka-alis sa kinakatayuan ko at bumalik sa kwarto ko, tinawag ako ni Ace.

"Woooo~ May chikas ka nga. Pakilala mo nga!" udyok naman ni Ced sakanya, na wala pang kaidedeya na ako. AKO! Ang EX niya ang kasama ni Ace sa bahay. Nightmare, amp.

Tumayo si Ace at umakyat papunta sa hagdan, palapit saakin  "ANO?!" naiinis na sabi ko ng hawakan niya ang braso ko at hinila pababa kay Ced.

"Ayaw! Bitawan mo 'ko!" nakatungong sabi ko, hindi parin alam ni Ced na ako 'to. Dahil naka-lugay ang buhok ko.

"AHAHAHAHA! Ced si Domin---"

Bago pa man ipakilala akong 'Dominic' na kumag na 'to. Inunahan ko na. Tumingin ako sa mata ni Ced at buong lakas sinabi ang pangalan ko "Alexander Dominic, nice to meet you." nangigigil na sabi ko. Wala na! Nasabi ko na.

Nawala ang ngiti sakanyang labi at napalitan ng gulat.

"Eydee."

xx---xx---xxx----xxx

Eydee = A.D. (Alexander Dominic)

Comments po. May nagbabasa pa kaya nito, kwento ni Ace na kapatid ni Aril from IJHM? :(

The HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon