Chapter 08: *Feels like*

6.5K 129 8
                                    

Chapter 08: *Feels like*

Alexander Dominic's POV

"I'am.. Alexander Dominic, nice to meet you." nangigigil na sabi ko sakanya. Wala na! Nasabi ko na.

Nawala ang ngiti sakanyang labi at napalitan ng gulat.

"Eydee..." napa irap ako sa binanggit niya, ayun ang nick name niya saakin nung kami pa, Eydee means AD... Alexander Dominic. "Ha ha ha, magkakilala kayo?" naguguluhang tanong ni Ace pero nakangiti pa rin ito, kahit kelan 'tong Alien na 'to! Di nawawala ang pagka cool niya...

WHAT! Ano ba 'tong pinag iisip ko, COOL? Dapuq. Binabawi ko na lang ang sinabi ng mala demonyo kong isip, pati ako tinataksil ng sarili kong utak!

Tumingin saakin si Ace, dahil siguro sa sobrang higpit ng hawak ko sa braso niya, "Uhh.. Dominic..." ngumiwi siya saakin, ngumiti ako ng pilit kay Ace nang mapatingin ako sa mata niya na nakatingin rin saakin, mabilis akong umiwas ng tingin. Para akong kinukuryente sa pagkatitigan namin. Di nga ako nakatagal sa titigan eh, kajirits!

"Bakit nandito si Eyd---Alex?" naka kunot ang noo ni Ced, nanginginig ang mga labi ko.. Hindi ako makapagsalita. Nangingibabaw ang galit at inis ko sakanya, kahit si Ace ang pinaka- aayawan kong tao at isunusumpa ko sa buong mundo, nawawala ang galit na iyon dahil kay Ced, not now!

Pag nakipag sabayan ang galit at inis ko sakanilang dalawa, mawawalan ako ng kausap! O kaya naman, wala akong kakampi. So, di muna ako mag susungit kay Ace kahit kahit konting konti na lang, masasakal ko na siya!

"W-wala k--"

"Ka-live in ko na siya.." nalaglag ang panga ko, nagulat ako sa sinabi ni Ace! Nanlaki ang mata ko nung ako'y tumingin kay Ced na ganoon rin ang reaction.

Di ko na pwedeng bawiin yung sinabi ni Ace kaya ginampanan ko na ang pagiging 'ka-live in' kuno, "Yeah, got a problem?" taas kilay kong tanong sakanya. Nakangisi ako, pinapakita na di ako bitter sakanya.. I clinged my arms around Ace's arms.

Nung pinulupot ko ang kamay ko sa braso ni Ace, parang tumigil ang mundo.. Sparks? Umiling ako sa naisip ko, No way! Ngayon lang ako aaktong ganito, sana umalis na yang si Ced.. Such a heart breaker kasi! "W-Wala. nagulat lang ako. You still love music huh?" nanigas ako sa sinabi niya.

Napakunot naman ang noo ni Ace nung bumaling siya saakin.. "You love music?" napanganga na lang ako. Anong sasabihin ko?

Sa simula't simula.. Si Ced ang nagturo, nagpakilala saakin sa musika.. Napapikit ako sa sinabi niya, unti unting nag balik yung mga ala ala nung una kaming nagkakilala..

"Alex, tara na!" higit saakin ng fifteen years old na si Magiee. Madrama akong nagdabog sa pagkakasara ng librong binabasa ko.. Tinignan ko siya ng naka kunot ang noo, "Malapit ko na siyang matapos eh, bakit mo ba sinisira ang moment ko!?"

Instead na mainis rin siya dahil sa trato ko sakanya, bumingisngis siya, "Sige na! Ngayon lang naman eh.." inilagay ko na sa bag ko ang libro. "Saan ba kasi?" ngumuso siya sa labas ng classroom.

umirap ako sakanya, alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. "Maingay dun eh!" pagdadahilan ko.

"Pssh, Alex naman.. tignan mo.. mag isa ka lang dito, habang yung iba nasa labas nanonood ng program! Para kang loner dito!" umiwas ako ng tingin sakanya. Totoo nga, mas gusto kong mapag isa..kesa makihalubilo sa mga ibang tao. "Oh ano na? Nagising ka na sa katotohanan? Halika na!" bago pa man ako makapag salita, kinaladkad niya na ako..

The HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon