CM: 2

8 0 0
                                    

Dumating na siya sa paaralang pinag aaralan niya. Pagkababa pa lamang niya sa kotse ay nagsitilian na ang mga babae. Isa siya sa tinatawag na 'Chaos Makers' ang magugulo sa paaralan. Hindi naman siya magulo e. Trip lang niya talagang magpatawa sa maling paraan. Tulad ng paglalagay ng napkin sa kaklase niyang bakla at nilagyan niya ito ng pulang jelly, napasigaw ito at sinabing manganganak na siya. Napagalitan ito dahil nasa laboratory sila noon at nagtetesting ng chemicals. Napapangiti na lamang siya tuwing naalala iyon.

"Cly!" Napangiwi siya nang marinig ang tawag na iyon. Iisa lamang ang natawag sa kanya nito, si Jarina, mas gusto niyo ang tawag sa kanyang Jana. Naalala na naman niya ang tawag nito sa kanyang Cly. Naiinis siya. Sa ikinaikcly ng pangalan nya. Bakit kalangan pang iCly sya ng iCly?

"Jarina," Tawag niya rito. Nagdilim ang paligid, nakita niya kung gaano umitim ang mata ni Jana at lumabas si Flying Dutchman at inigrant ang wish nyang mawala si Jana. Dumaan si Spongebob at kinuha si Jana at kumanta ng Camon Bananas, everybody leggo. Camon let's can do it, pwet niyang may tatlong kupit. Napailing na lamang si Clyde at nagpatuloy sa paglalakad.

"Clyde Rytton!" Tawag muli sa kanya ni Jana. Lumingin siya at tumingin ng matalim rito.

"Kung gusto mong sumabay, lumakad ka na rito, Jarina Janzel!" At nagtatakbo siya paalis doon. Nakita niya si Chase at Gabby; ang bago nitong girlfriend.

"Chaser!" Pang-aalaska niya sa kaibigan.

"Manahimik ka." Maawtoridad na banta ni Chase sa kanya.

"'Yoko nga," Huminga muna siya.

"Nasaan si Chyle at Craig?" Pagtatanong niya. Nang lumingon siya ay nakita niyang naghahalikan na si Gabby at Chase, laplapan na ata ito.

"Tangina. Get a fucking room!" Pagmumura niya at hinanap ang mga kabanda. Nasaan na ba si Chyle at Craig? Naglalaplapan na rin ba ang mga 'yon? Napatawa siya. 'Wag naman sana. Naramdaman niya na may humila sa kanyang braso dahilan upang madapa siya at mahulog ang kung ano sa man sa kanyang itaas. Naramdaman niya ang isang malambot na bagay sa kanyang labi at pagkamulat niya ay nakita niya si Jarina, sa kanyang ibabaw. Gulat na gulat ang itsura nito. At sa di niya malamang dahilan, hinalikan niya ito ng marahan at ingat na ingat.


Clandestinely ClydeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon