Naglalakad sila magkakaibigan papunta sa playroom (tawag nila sa music room nila) at biglang nagtanong si Craig sa kanya.
"Kilala mo yung babae?" Tanong nito gamit ang boses na kakabili palang ata. Hindi niya kasi alam na nagsasalita ito, kung may once in a blue moon, ang boses ni Craig ay once in a rainbow with a flying unicorn moon. Natawa siya sa naiisip. Ang weird niya talaga.
"Hindi," Ngumiti siya kay Craig. Tumingin ito ng nakakaloko sa kanya at ngumisi.
"Hindi? Si Dreixanna iyon, diba?" Sabi muli ni Craig na may nakakalokong ngising nakalagay sa labi nito.
"Dreixanna Maridel C. Schelle?" Tanong ni Chase. Nagtagis ang bagang niya at nag-iba iba ang emosyon sa mata niya. Ngunit nagawa pa rin niyang ngumiti, sa kabila ng lahat.
"I don't know her," Ngiti niya sa mga kaibigan.
"I just met her." At naglakad siya na nauuna sa mga kaibigan.
"And this is crayzy!" Napalingon siya kay Chyle at may hawak itong pala, ginagamit niya ito bilang micophone.
"So here's my number," Tingin nito sa kanya. Tumakbo siya papunta rito at nagsayaw sayaw sila paikot na magkahawak kamay.
"So call me maybe..." Pagtatapos nila at sabay tawa. Tinapik siya ni Chyle at ngumiti ang tsinito niyang kaibigan sa kanya.
"Kaya mo yan, Clyde," Tumingin siya rito.
"'Wag mo na uulitin ang dati." At naglakad na ito nauuna sa kanya. Nakapasok sila sa playroom at sumalubong sa kanila ang drum sets, pianos and keyboards, speakers, amplifiers at guitars. Maraming nakasabit na wires sa playroom at may mga linya na iba't ibang kulay sa pader. Marami na ring medalya at trophies doon at ang namumukod tangi ay ang dalawang photograph na nasa taas ng cabinet, ang isa ay silang apat at ang isa ay ang kakambal niya, si Danny. Kasama nina Chase ito dati sa banda ngunit umalis ito, may nangyari na hindi nila inaasahan. At ngayon, hindi nila alam kung nasaan si Danny. Kinuha ni Craig ang picture at ngumiti.
"Clyde, nasaan si Danny?" Tanong ni Chyle. Ngumiti siya at umiling. "Hindi ko alam," Tumingin siya sa malayo. "Simula nung kay Johanna, di na bumalik si Kuya."

BINABASA MO ANG
Clandestinely Clyde
Mystery / Thriller1st. * Clyde Rytton. He was considered as the clown of the group. He jokes every time, even in the weirdest ways. But, he was never known by anyone. They never know who Clyde is. Or, is he really Clyde? * CADDR 2015 / CHAOS MAKERS Started: 03-23-15 ...