"Mamsi, I'm home!" Bati ko kay Elizabeth. Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. Hinalikan pa siya nito at kaagad niya itong pinahid. Mukhang nagulat si Elizabeth sa kanyang ginawa.
"Clyde." Nakita niya si Kyro Schelle, ang dating asawa ni Elizabeth bago pa si Yugene. Si Kyro ay ang tatay ni Dreixanna, tapos ang anak naman ni Yugene kay Elizabeth ay si Johanna. He can't believe he had affairs with sisters. But he have to act that Kyro is uncle, for Elizabeth told Clyde that Kyro is her brother. Brother, eh? Ngayon ko lang nalaman na pwede na palang kapatid ang dating asawa, Elizabeth Shoshanna Evangelista.
"Tito Kyro! Pogi po ah! Kaya lang mas pogi ako." Sabi pa niya sabay pose. Ngumiti ang tiyuhin kuno niya.
"Aba, kaya pala may bagyo daw ngayon. Hinahangin na naman tayo ni Danny," At nagulat siya sa pangalang binanggit pero ngumiti siya.
"Ano po? Si Kuya Danny? Nasa ibang bansa sya, ah?" Pinipigilan niya na lumabas ang ngiti sa kanyang labi. That's right. Paglalaruan ko kayo. Nakita niya na nagpalitan ng tingin sina Yugene, Elizabeth at Kyro.
"Hindi mo ba alam? Bumalik na sya ng bansa, nak." Sabi sa kanya ni Mama. Ngumiti ako at nagkunwaring nagkakamot ng ulo. Hindi niya alam na pwede na pala siyang bumalik ng bansa e nandito lang naman siya. "In fact, asa kwarto na nga sya eh." Nagulat naman siyasa sinabi ni Elizabeth. Asa kwarto na raw si Danny? Nandito lamang siya ah. Napangisi naman siya nang naramdaman ang pamilyar na rage sa katawan. Kilala ko na ang tangang si Danny daw. Karl Lopez. Dali dali siyang pumunta sa kwarto ng sinasabing si Danny at kumatok.
"Kuya Kambal!" Sigaw pa niya mula sa labas. Pinipigilan niya ang ngisi sa kanyang labi. Lumabas naman si Karl na kamukha niya dati, ang chocolateng kulot na buhok na may kaunting itim at ang asul at abo na mata niya. Fuck contact lenses, they look bad at this sucker.
"Clyde!" Bakas sa boses nito ang kasiyahan. Ngumiti siya rito at ginulo nito ang buhok niya.
"Hello. Mukha ka paring chocolate," Pang-aasar niya. Tumaas ang kilay nito. "Dark chocolate. Mukha kang negro sa kulay mo, Kuys." Ngumisi siya rito. Alam niyang hindi ganito ang pagbati ng Clyde niyang katauhan pero naiinis siya, hindi niya kayang magpanggap. Ngumiti siya kay Karl at nakita niyang kinakabahan ito.
"Hala? Kuya, pasalubong ko! Okay ka lang? Namutla ka, e. Namuti ka bigla, astig. Gawin mo lagi, baka makuha mo 'yung kulay mo dati!" Pang-aasar muli niya at pumasok sa kwarto ni Karl. Nakita niya ang isang picture frame at nagtagis ang bagang niya. Nakita niyang nakatingin sa kanya ni Karl, pinagmamasdan ang bawat gagawin niya.
"Hero Clyren Aldrich Rytton." Pagbasa niya sa buong pangalan na nakasulat sa babang parte ng picture frame. Ito ang kapatid niyang si Hero. Ngunit may nakita siyang maliit na nakasulat na pangalan. Davion Leinehausen. Who the hell is Davion? Pero hindi na niya binigyan ng pansin iyon. Naramdaman niyang lumapit sa kanya si Karl at hinaplos nito ang frame.
"Si Hero 'yan, Kuya natin." Napatingin siya rito.
"Namatay siya kasi nagkaaksidente nung bata tayo. Tayong dalawa lang natira. Tapos pinanganak si Ryles." Ngumiti ito sa kanya. Ngumiti rin siya pabalik at huminga ng malalim. Hindi pa pwedeng malaman ng mga ito na siya na muli si Danny.
"Aw, kuys. Kamiss nya si Kuya Superhero e. Una na 'ko ah? Hayaan mo, ikaw na lang uunahin ko mula sa ngayon." Ngumiti muli siya at umalis ng kwarto. Pumasok siya sa itim na katapat na kwarto, hindi ito ang kanyang kwarto. Kwarto ito ng kanyang kuya dating si Hero. At nagulat siya sa nakita.
"Chase?" Ngumiti ito sa kanya. Katabi nito si Dreixanna at tulog ito. Wala rin itong saplot. Wala naman siyang pakiealam kay Dreixanna. Pero hindi ba't may girlfriend ito?
"I left Gabby." Tumungo ito at umiling. "I can't love her that much." At napatawa naman siya.
"Kaya sa init ng katawan mo inilabas? Balikan mo yung Gabriella mo. Mahal mo 'yun, gago. Can't love her that much pa, lul." Umiling naman ito at itinaas ang ulo. Nakita niya ang ngisi nito at isang emosyon sa mata. Kaguluhan.
"Hindi pwede, puta," Nagsalubong ang kilay niya. "May alam si Gabriella na sisira sa'ting lahat. Tangina." At lumabas ito ng itim na kwarto. At saka niya narealize kung ano ang kwarto ni Hero. Isa itong band room. At puro itim ang instrumento. Nang tiningnan niya ang pangalan na nakaukit sa isang gitara, nagulat siya. Hero x Gabby iyon. Tangina, mas lost pa ako kay Alice in the Wonderland.
—
Hindi siya makatulog. Nagpasiya siyang lumabas upang maglakad lakad. Nakapunta siya sa isang parke at narinig niya na may nag-uusap na dalawang lalaki. Nakatingin ito sa isang babae na nakilala niyang si Jana. Tinapik niya ang balikat ng dalawang lalaki at ngumiti.
"Wag nyo balakan ng masama yung babae," Ngumiti siya rito. "Lesbian 'yon. Wala kayo mapapala." Tinaasan naman siya ng kilay ng mga ito.
"Pake mo? Mukha pa rin siyang masarap." At doon na siya nagalit. Hindi niya sinuntok ang dalawa, pinagsalubong lamang niya ang ulo ng mga ito. Tulog, syempre. Lumakad siya papunta sa kinauupuan ni Jana.
"Bakit ka nandito?" Tumingin ito sa kanya. Hindi ito nagsalita. Tumingin ito sa malayong direksyon.
"Jarina Janzel," Maawtoridad niyang tawag. Tumingin naman sa kanya si Jana at nakita niya ang tuyong luha nito. Hinawakan niya ang kamay nito at iniiwas lamang nito iyon sa kanya. "Ayos ka lang?" tumingin na lamang sa kanya ito at umiling. Hindi niya alam pero parang kinakailangan nito ng yakap. Kaya niyakap niya ito. Naramdaman niyang parang lumalayo ito.
"Jana?" Nagtatanong ang boses niya. Nakita niyang lumuluha ito. Nainis siya bigla. Sinong may karapatan na paiyakin ito? Wala. Dahan dahan niyang pinunasan ang luha nito ngunit tinabig nito ang kamay niya.
"Bakit ba ganyan ka?" Nagsalubong naman ang kilay niya. Anong bakit ganito siya? Anong ibig sabihin nito?
"Jana, ano na naman ba?" Tanong niya. Sinamaan siya ng tingin nito sabay punas sa luha. Ang pakiramdam ng nakikita itong umiyak ay parang pagbasag sa puso niya. Ayaw niya itong makitang umiiyak. Kahit dati palang, tuwing umiiyak ito, nasasaktan siya.
"Bakit ang paasa mo?" Napaawang ang labi niya. Paasa?
"Ayaw mo akong lumapit sa'yo pero kung ano ano sinasabi mo!" Napangiti naman siya. Ano kayang sinasabi niya?
"Ano ba, Jana? Ang sabi ko sa'yo, lumayo ka para di ka na masaktan pa." At sinamaan siya nito ng tingin.
"Pero bakit mo ako hinalikan dati? Paasa ka, e! Akala ko gusto mo na rin ako! Tapos papalayuin mo ako? Tingin mo, hindi masakit? Clyde naman e!" Huminga siya ng malalim. Hindi niya rin alam. Ayaw niyang masaktan ito kaya niya pinapalayo niya ito sa kanya. Pero ayaw rin naman niyang masyadong malayo ito sa kanya. Si Jana lamang ata ang tama sa buhay niya kahit alam niyang stalker niya ito.
"Sorry na," Hinaplos niya ang labi nito. Nakita niyang nagulat ito. Hinapit niya ang bewang nito at gamit ang isang libreng braso ay binuhat niya ito papunta sa hita niya. Nakataas ang paa nito sa bench at nakaupo ito sa hita niya. Kaya parang nakaside ang katawan nito ngunit nakaharap ang mukha nito sa kanya.
Hinaplos muli niya ang labi nito at nakita niyang napapapikit ito. Nararamdaman rin niya ang malakas na tibok ng puso niya. Alam naman kasi niyang gusto nya rin ito, dati pa. Ayaw lamang niyang mapasama ito sa kalokohan niya. At gagawin niya ang pinakatamang gagawin sa buong buhay niya. Hinalikan niya ito ng marahan at mababaw. At nang naramdaman niya na ibinabalik nito ang halik niya, napangisi siya. Damn, she don't know how to kiss.
BINABASA MO ANG
Clandestinely Clyde
Mystery / Thriller1st. * Clyde Rytton. He was considered as the clown of the group. He jokes every time, even in the weirdest ways. But, he was never known by anyone. They never know who Clyde is. Or, is he really Clyde? * CADDR 2015 / CHAOS MAKERS Started: 03-23-15 ...