Nagulat siya. Hindi niya alam kung anong nangyari at bakit siya nandito pa sa parke. At ang mas ipinapagtaka niya ay nakatulog siya ng hindi niya namamalayan at ngayon ay nakaunan ang ulo niya kay Jana.
"Jana, anong nangyari?" Ngumiti sa kanya si Jana at marahang pumikit. Isinandal nito ang ulo sa sandalan ng bench. Mahaba kasi ang sandalang iyon. Iminulat nito ang mga mata at tinitigan ang mga bituin sa taas.
"Tinawagan ako ni Chase." Malumanay na sagot nito sa kanya. "Aksidente mo raw kasing nainom ang tubig na may pampatulog na dala niya. Tinawagan niya ako para bantayan ka kasi aalis siya." Tumango siya at nagpasyang tumayo. Pero kaagad na sumakit ang ulo niya at muli siyang nawalan ng malay.
--
Where the fuck am I again? Binuksan niya ang mga mata at nakita niya ang nag-aalalang mga mata ni Jana.
"Clyde? Clyde!" Huminga siya ng malalim at umupo ng ayos sa bench. Ngumiti siya kay Jana na at itinaas ang paa niya.
"I'm okay, Jazel. Don't worry." Tinaasan siya nito ng kilay. Tinitigan at ininspeksyon ang mukha niya.
"I'm worried." Anito habang nakatitig parin sa kaniya. "Ang natawag lamang sa akin ng Jazel ay si Danny, Clyde. Now tell me, who are you?" Nagulat siya at napaawang ang labi. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Jana na ang tanging tumatawag ng Jazel ay siya at hindi rin niya alam kung bakit iyon ang namutawing pangalan sa labi niya. Where do I fix my memories?
Then he remembered a scene. A scene wherein The Chaos Makers had their last concert for this school year.
Flashback ---
Naglalakad siya patungo sa music room ng barkada. May concert kasi sila sa gymnasium, last concert ng Chaos Makers. Siya ay vocalist na marunong sa electric guitar, si Chyle naman ay sa drums, si Craig ay pianist. While Chase is the base guitarist. All of them can sing, actually. Pero mas pinili na siya ang kumanta. Nakasakbit na sa likod ni Chase ang gitara nito nang dumating siya. Kinuha niya ang electric guitar at pumasok sa van na maghahatid sa kanila sa gym. Malayo kasi ang music room nila sa gym kaya laging may dalang van si Chyle upang dalhin ang instruments.
"Chase, break na kayo nung Gabby?" Tumingin sa kanila si Chase at ngumisi.
"She's not the only one, she says." Tugon nito sa kanila.
"Pero bakit may narinig akong Lois?" Nakita niyang umigting ang panga ng kaibigan nang narinig ang pangalang Lois.
"Wala akong pakielam kay Lois." Ngumisi naman siya.
"Pero narinig kita na sinabi mo kay Gabby na mahal mo pa si Lois." Nanatili ang seryosong mukha ni Chase.
"Wala ka nang pakielam sa buhay ko, Clyde."
Nakarating sila sa gym at kahit nasa may unahan pa lamang ay nagsisigawan na ang mga babae. Pulos pangalan nila ang naririnig nila. Ngunit siya ay lilinga linga, hinahanap ang isang babae. Nakarating sila sa stage at nandoon na agad ang drum sets ni Chyle. Pumuwesto na sila.
"Good morning, fellow students." Bati ni Clyde sa kanyang malamig na boses.
"This song is dedicated to a girl who never really knew me." Nagsimula na siyang magstrum.
You couldn't write a book like this if you tried
Boy, you'd lose your mind
But girl, you got too many colors to be read and black and white
Sinuyod niya ang audience at hinanap ang babaeng pinag-aalayan niya ng kanta. Ngunit sa kasaamang palad ay hindi mahagilap ng kanyang mata ang babae.
BINABASA MO ANG
Clandestinely Clyde
Mystery / Thriller1st. * Clyde Rytton. He was considered as the clown of the group. He jokes every time, even in the weirdest ways. But, he was never known by anyone. They never know who Clyde is. Or, is he really Clyde? * CADDR 2015 / CHAOS MAKERS Started: 03-23-15 ...