-
Nagulat siya nang magising. Nasaan ba ako? Tanong niya sa isip. Tumingin siya sa isang kulay itim na vanity mirror na nasa harapan. His hair is straightened and eyes are blue and green. What the fucking hell? Pagmumura niya sa isip. Nakita niya na ang kulay chocolate brown niyang buhok dati na may kaunting itim ay itim na itim na ngayon.
Nagtagis ang bagang niya. Elizabeth Evangelista. Si Elizabeth ay ang tinuturing ni Clyde na ina, ngunit sa higit sa kaalaman ng 'Clyde' niyang katauhan, ito ay ang kapatid ng kanyang totoong ina. Totoong kapatid niya si Ryles at iyon ang laging panakot sa kanya noong hindi pa siya ang clown na si Clyde.
Si Johanna ay anak ni Elizabeth kay Yugene, ang tatay-tatayan ni Clyde. Funny how everyone played with him. Yes, he have Multiple Personality Disorder. Sa katotohanan, tatlo ang kanyang katauhan. Nagkandaloko-loko kasi ang kanyang buhay noon. Tatlo silang magkakapatid.
Ang kuya Hero niya, siya at si Ryles. Si Hero ang pinakamabait na kapatid sa lahat. Pero sa isang iglap, nawala ito. Pinatay ito ni Elizabeth at Yugene, upang makuha ang yaman ng Rytton, ang pamilya niya. Nakita niya kung paano patayin ang kanyang kapatid at wala siyang nagawa.
Dahil sinisi niya ang sarili, nagkaroon siya ng Dissociative Identity Disorder. Natatawa na lamang siya kasi si Danny o ang katauhan niya ngayon ay ang pinakamabait ngunit ito ay laging nasasabihan na masama.
Hindi siya ang kausap nina Craig sa video na pinanood sa kanya kundi si Karl, ang pinsan niyang kamukha niya ngunit ang naiiba lamang ay ang mata at buhok. His cousin's eyes are golden brown at ang buhok nito ay blonde, ang kanyang totoong mata ay silver blue at ang buhok niya ang dark brown na kulot.
Ngunit ngayon, itim ito na straight at ang mata niya ang blue at green. Niloloko ba ako nila? Tangina, bakit nila ako pinagmukhang si Hero? Kamukha niya ngayon si Hero. Ganitong ganito ang mukha ng kuya nya. Pinalandas niya ang kamay sa buhok. Matagal na niyang gustong magpagamot, ngunit hawak lahat ni Elizabeth ang mga psychologists at psychiatrists. Kung magpapagamot siya, ang gagawin lamang sa kanya ay aalisin lahat ng memorya. He can't lose his memories, not now. He called Chase.
"Yo," Ramdam niya ang lamig sa boses nito. "Hi." Sagot niya.
"Danny?" Rinig niya ang pagkaamused nito.
"Oo." Tipid niyang sagot. Narinig niya ang tawa ng kaibigan.
"Hi, Dan. What do you want?"
"Your service."
Narinig niya ang tawa ng kanyang kaibigan sa kabilang linya.
"You never give instructions to a king, Danny." At nagtagis ang bagang niya rito. Narinig niya muli ang nakakalokong tawa ni Chase mula sa kabilang linya.
"But I can give you help," Naiimagine niyang nakangiti ito. "Trust me." At naputol ang tawag. Napa-tsk siya at naglakad palabas ng kwarto. Alam niyang sinasadya ng kaibigan niyang si Craig ang pagpapalabas sa kanya.
Ano kayang kalokohan ang gusto nito? Natitrigger lamang ang DID nya kapag pinapanood ang videong iyon. Dahil dati, pinagamot na siya ni Chase. Ngunit sabi ng psychologist ay pansamantala lamang ang pagaling niya. Marahil dahil hindi niya sinabi ang lahat ng nangyari sa kanya. Si Chase ang lagi niyang kasama mula pa noong una.
Si Chase ay ang kaibigan niya mula pagkabata. Misteryoso na ito at malamig palang pagkabata nila. Siya naman ay Clyde na talaga, magulo at masayahin. Ngunit naging malamig at lumayo siya sa tao nang namatay ang Kuya Hero niya. At naalala na naman niya ang panloloko sa kanya ni Elizabeth.
Nasa ibang bansa raw si Danny, ha? Nagawa kasi siyang kuhanin sa poder ni Danny noong gumaling siya. At nakuha ng mga ito na paglaruan ang memorya niya. Ngunit sa di niya malamang dahilan, ang ginawa lamang ng mga ito ay panandaliang niyang makalimutan ang memorya. Hindi niya alam kung niloloko ba siya ng mga ito o naawa ang mga ito sa kanya.
Awa? Pinatay nga nila si Hero, eh. Tapos naawa? Natawa siya sa naisip. Hindi niyang namalayan na nasa hagdanan na siya. Nakita niya si Jarina at umiwas ito ng tingin sa kanya. Jarina makes him forget everything for a while. Hindi niya malaman ngunit noong una niyang nahalikan ang dalaga ay di na niya nalimutan ito.
Yes, he have Clyde's memories but Clyde doesn't know who he is. Para silang dalawang taong nanahan sa isang katawan. Ayaw rin niyang makilala siya ni Clyde, ayaw niyang magbago si Clyde.
"Jana," Tawag niya sa dalaga. Nakita niyang pinamulahan ito ng pisngi. "Nangamatis oh! Haha, cute mo, shet, crush na kita, hihi." At parang nag-iba ang ikot ng mundo niya.
"Clyde!"
-
Nagising siya na may nakahawak sa kanyang kamay. Nasaan ba siya? Nakita niya na nasa puting kwarto siya. "OMG!" Gulat na turan niya.
"Nasa heaven na ba me? OMG! R u an angel? Ay bakit parang kamukha mo si Jarina? Ang panget mo rin eh." At nakakuha siya ng sapak sa babae.
"Matapos kitang alagaan, ganyan ang sasabihin mo sa akin?" At natawa naman siya rito.
"Sorry na, ateng. Kiss na lang kita para bati na tayo, hihi." Malanding turan niya rito sabay beautiful eyes pa. Teka, diba ang huli niyang memorya ay nasa kwarto pa siya kung saan siya nanonood ng video? Ayan magulo na naman memories niya. Kawawa naman siya, huhu.
"Kiskis ko labi mo sa pader, e." Galit na sabi sa kanya ni Jana. Tumawa naman siya at nginisian ito.
"Ay? Hindi ba't ikaw rin yon?" Tumingin sa kanya si Jana. "Pader ka rin kaya. Tingnan mo hinaharap mo, walang laman, akala ko pader ka rin." At nakita niya kung paano nanlisik ang mga mata ni Jarina sa kanya. Sinabunutan nito ang kanyang buhok. Narinig niyang may nagbukas ng pintuan.
"Hi, lovebirds," Nakangiti na sabi ni Chase sa kanila. Ngumiti naman siya rito. Nakasuot pa rin ito ng itim na trench coat.
"Chase! Winter pa rin ba ngayon? Maawa ka sa kili-kili mo, baka summer na dyan." Pang-aalaska niya rito. Tumaas bahagya ang labi nito at ngumisi. "So you're Clyde?" Tumingin naman ito kay Jarina.
"I get it." At nakita niya kung paano naglaro ang isang nakakalokong ngisi sa labi nito.
"You shouldn't be with him. You trigger his Clyde self." Bulong ni Chase na 'di naman niya narinig.
"Ano, Chase?" Kunot noo niyang sabi.
"Wala," Ngumiti muli ito sa kanya.
"Enjoy, Clyde." At ibinagsak nito ang pinto. Naiwan siya roon na maraming tanong sa utak. Ang gulo ng buhay ko, taena.
BINABASA MO ANG
Clandestinely Clyde
Misteri / Thriller1st. * Clyde Rytton. He was considered as the clown of the group. He jokes every time, even in the weirdest ways. But, he was never known by anyone. They never know who Clyde is. Or, is he really Clyde? * CADDR 2015 / CHAOS MAKERS Started: 03-23-15 ...