Naglalakad papunta sa bahay ng mga Evangelista si Clyde, dala dala ang isang base guitar at ang kanyang bisekleta. Iniwan niya ang kanyang auto sa condo niya pansamantala siyang nakatira sa bahay ng mga Evangelista, ang pamilya ng kanyang ina. Galing siya sa isang sirang pamilya, ang kanyang ama ay may asawang iba at ang kanyang ina ay ganoon din. Ngunit, tanggap siya sa pamilyang ito. Hindi niya kailanaman naramdaman na siya'y taga labas.
"Kuya Clyde!" Napatingiin siya sa maliit na batang babae na nakangiti sa kanya at nakastretch ang kamay.
"Ry," Tawag niya sa bata. Yumukod siya rito at hinalikan nito ang pisngit niya. "Ryles na lang kuya Clyde," Sabi nito at nagpabuhay sa kanya. "Mas cute 'yon eh." Tumawa naman si Clyde sa narinig. "Alam mo yung Ryles?" Umiling ang bata at nangunyapit sa kanyang leeg.
"Daanan 'yon ng tren, be." Sabi niya at hinalikan ang tuktok ng ulo nito. Naramdaman niya ang hampas nito sa balikat niya.
"Riles iyon! Ryles ako! Ang Ryles ay yung English ng kanin!" Sabi nito at nagcrossed arms pa. Tumawa naman siya at kinindatan ang bata.
"Galing naman ng baby ko," Sabi niya sa bata at ibinaba ito malapit sa pinto. Sumalubong sa kanya si Eliza, ang kanyang ina.
"Clyde, anak, pasok ka." Ngumiti ang kanyang ina at binuhat si Ryles. Hinalikan niya sa noo ang kanyang ina at tumaas.
"Mama!" Tawag niya rito.
"Oh, Clyde?" Tanong nito mula sa ibabang palapag.
"Nangangamoy itlog dito! Ano na naman ginawa nyo ni 'Tay Yugs? Nagyugyugan?" Tatawa tawang pang-aasar ni Clyde.
"Peste kang bata ka," Pagmumura ng ina niya sa kanya. "Halika nga! Kiskis kita sa pader sa sobrang pagmamahal ko sayo, bebe boy!" At narinig ang baritonong tawa niya sa buong bahay.
"Habulin mo ko, mom!" Sabi niya sabay labas ng dila niya. Inikutan siya ng kanyang ina ng mata at naglakad na ito papunta sa kusina.
"Halika na, Clyde! May barbeque rito. Kumain ka na o ikaw ang itutuhog ko at gagawing lechong manok."
"Bakit lechong manok, mamsi?" Panggagatong pa niya sa ina.
"Mahilig ka kasing magpalipad ng babae sa alapaap," At natawa naman siya sa ina.
"Nakakahiya naman kung sasabihin kong ibon lang 'yan, dami nagmemessage sa messenger ko sa facebook, nagrereklamo sa size mo. May isa ngang sinabi kung ilan inches yan, anak. Gumamit daw sya ng ruler habang tulog ka. Sabi ko next time tape measure na lang kasi baka kulang pa ruler sa haba nyan." At humalpak siya ng tawa sa sinasabi ng ina. Yes, his mother was his dose of humor. Their home couldn't be complete if he and his mom wouldn't say crazy things.
"Tatalunin pa ba ni Clyde ang haba ko, Eliza?" At napatingin naman siya sa kanyang Tatay Yugene, mas kilala sa tawag na Yugs. "Kadiri, Tay. May bata ha," Ngiti niya sa tatay niya at nakipagfist dito. "Cute cute ni Ryles Clyden tas dudumihan nyo lang utak." Umiling iling pa sya. At naramdaman niya ang malaking chicken na isinalpak ni Ryles sa kanyang bibig.
"Kain ka na Kuya Clyde," Ngumiti si Ryles sa kanya. "Baka mabawasan ang size nung birdie mo. Kuya nasan birdie mo?" At nanlaki ang mga mata nila sa inosenteng tanong ni Ryles at nagtawanan silang lahat.
-
Nakatulog kaagad si Clyde sa sobrang pagod. Hindi niya namalayan ang oras. At hindi niya alam, nanaginip na pala siya.
"Clyde," May tumawag sa kanya. Nakita niya ang isang napakagandang babae na nakatitig sa kanya. Napakaganda nito, mahaba ang buhok nito at kulot sa dulo. Maganda ang mata nito, nakakabaliw. Ang labi nitong mamula mula. Napakaganda, parang anghel na nahulog sa lupa.
"Anna," Lumapit siya rito. "Mahal na mahal kita." At hinagkan niya ito. Ngunit habang hagkan niya ito ay unti-unti itong nawawala at lumalayo sa kanya.
"Clyde," Umiiyak na utal na sabi ng babae sa kanyang panaginip. "Mahal na mahal kita." At unti unti itong lumalayo sa kanya. Pilit niya itong inaabot ngunit ito'y kinukuha ng maputing ilaw.
"Anna!" Sigaw nya. Tumutulo na ang luha niya at hindi na niya makaya ang sakit na nararamdaman.
"Johanna!"
--Nagsisigaw si Clyde at patuloy siyang niyuyogyog ng ina. Iisa lamang ang iniuulit ulit nitong pangalan. Johanna. Mangiyak ngiyak na ang kanyang ina at nagdadasal na ito na sana'y gumising na ang kanyang anak.
"Clyde!" Sigaw ng kanyang ina. "Gumising ka na!" Atungal muli ng ina. Ngunit hindi ito tumigil sa kakasigaw.
"Clyde, please, anak, gumising ka na." Umiiyak na sabi ng kanyang ina at niyakap si Clyde. Unti unting inimulat ni Clyde ang kanyang mga mata at tiningnang mataman ang kanyang ina.
"Mama," Tumingin siya rito habang patuloy na nanginginig. "Sino ba talaga ako?"
BINABASA MO ANG
Clandestinely Clyde
Mystery / Thriller1st. * Clyde Rytton. He was considered as the clown of the group. He jokes every time, even in the weirdest ways. But, he was never known by anyone. They never know who Clyde is. Or, is he really Clyde? * CADDR 2015 / CHAOS MAKERS Started: 03-23-15 ...