CM: 3

8 0 0
                                    

Naitulak niya si Jarina; naalala nya ang mga mahal nya. Oo, marami. Hindi naman kasi niya mahal si Jarina. Hindi uso ang free kiss sa isang Clyde Rytton. Nakita niyang namumula si Jarina at nakatingin sa baba.

"Jarina," Seryosong sabi niya. Napatingin si Jarina sa kanya at napalabi ito.

"H-ha?" Tanong nito sa kanya.

"Hindi mo ako kilala," bulong niya sa tenga nito.

"Ayokong mahumaling ka sa akin dahil lamang ng halik na 'yon." Saad niya habang nakangiti. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito at nagsimulang lumayo rito.

"Ayokong makuha ka, Jarina. Masasaktan ka lang," Sabi niya at naglakad palayo.

"Tama na ang lahat ng nangyari." Sabi niya sa hangin at naglakad palayo kay Jarina. Nakita niya si Craig, ang kanilang bassist, at tila nagningning ang kanyang mga mata.

"Fafa Craig!" Napatingin sa kaniya si Craig at siniringan siya nito. Napatawa siya sa kanyang isipan. Tumakbo siya na parang lasing na pasuray suray at dagling iniyakap ang kanyang braso sa katawan ni Craig.

"Craig, fafa, nirape ni Jana ang virgin lips ko. Sapak mo sya, please?" Sumama ang tingin sa kanya ni Craig at tinulak sya paalis. Nakita nya lamang si Chyle na tawa lang ng tawa at inakbayan siya nito.

"Tangina," Bulong ni Chyle sa kanyang tenga.

"Ang bakla mo. Hintayin mo na pagkalat ko ito." Napangiti naman siya at tinulak niya si Chyle.

"Sige, pagkalat ko scandal mo," Ngiting-ngiti niyang sabi kay Chyle.

"Maraming bibili nong bakla, akala mo." Pang aasar pa niya rito. Nakitang niyang sumama ang tingin sa kanya nito, nagagalit ang kulay abo at berdeng mata nito. Ang mga mata nito ay sumasalungat sa itim na itim nitong buhok, at ang magandang panga nitong nakakapagpalitaw ng kagwapuhan raw nito. Hindi naman siya nagagwapuhan rito, mukha itong uling na gumamit ng glutathione at naglagay ng contact lenses. Napatingin siya kay Craig, na nakasalamin pa rin. Ito raw ang nakakapagpagwapo rito, ang pagiging matalino at pagiging tahimik nito. Nagsasalita naman ito, pero kadalasan ay tinataas lamang nito ang kilay nito. Ngayon lamang niya nalaman na nakakapagsalita pala ang kilay.

"Clyde, Craig, Chyle," Napalingon silang tatlo sa isang baritonong boses mula sa likod. Ang mahaba nitong pilik mata na halos tinatakluban na ang lila-asul na mata nito at ang itim na coat nito na suot kahit mainit sa university nila ang nagpatingkad sa maledemonyong ngisi nito sa labi.

"Happy Winter, Chase!" Pang-aalaska niya kay Chase. Umiling na lamang si Chase sa kanya at ngumiti ng maliit.

"Malamig ba?" Tumango tango siya. "Wala akong pakielam." Sabi pa nito at nilampasan sila. Napailing na lamang siya at hinabol ito.

"Tangina mo, Cheese," mura niya rito.

"Hindi ka lang korni. Habulin ka pa ng daga." Napakunot ang noo nito at napalingon. Isang babaeng may malaking ngipin sa taas ang nakangiti kay Chase. Magulo ang buhok nito at hindi maayos ang tindig nito. At habang nakatingin kay Chase, nagniningning ang mga mata nito. Sarap kantahan ng bituing walang ningning. Usal ni Clyde sa isip.

"Cake para sa'yo, Chase." Malambing na sabi ng babae. Tiningnan lamang ito ni Chase at nginitian.

"Girl, you may be lovely as a rose in a garden,
and I'd like to say thank you for being a burden,
but baby, I don't want to eat a cake in a sudden
so babe, don't give me cakes again
you'll make me happy, better than them." At nagwink pa si Chase rito. Kita niya kung gaano napasiya ni Chase ang babae at dahil sa kalungkutang naramdaman niya, may naisip siyang kalokohan.

"Miss!" Malambing na tawag niya rito.

"Give me this cake,
and i promise to take
everything for your sake
even make you happy,
in your lonelinest day." At hinalikan niya ang palad nito. Nagulat siya sa ginawa at napalingon siya kay Chase na nakangisi. Fuck, lihim na mura niya sa isip. Tumingin siya sa babae at nakita niya kung paano nagpapalit palit sa mata nito.

"Thank you," Gulat ngunit malambing na turan nito sa kanya.

"You remind me of someone," nagulat siya sa pag-iiba ng tono nito. Nakita niya ang pamilyar na babae kahit may malaki itong salamin at may rat teeth ito sa unahan. Pamilyar sa kanya ang matang parang itim na tsokolateng nalagyan ng kauting bughaw. Damn, it's her. Pagmumura niya muli sa isipan.

"You remind me of—" Kaagad niyang pinutol ang sasabihin nito.

"Wow! Salamat, miss ha! Feeling ko masarap to. Kanina pang nagwawala mga toro ko sa tiyan eh, sinusuwag ako. Salamat miss daga! Pakisabi kay Ratatouille, hi sabi ng gwapong si Clyde!" Sabi niya at kinuha ang itim na lalagyan ng chocolate cake. Hindi nila iyon pwedeng malaman. Sabi nya sa isipan.


Clandestinely ClydeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon