Naalala na naman niya si Dreixanna. Si Dreixanna ang kanyang fling sa Boracay noong summer pa. At parang pamilyar ito sa kanya kaya nagpapansin siya rito. At nalaman niyang may kapatid itong Johanna, at ang pangalang iyon dati ay sobrang pamilyar sa kanya kaya nagpakwento siya rito.
Doon rin niya nalaman ang kwento ni Johanna at ni Danny, ang sinasabing siya. Ngunit kailanman ay hindi niya inasahan na siya pala si Danny. Napakagago ng lalaking iyon. Ngunit, siguro, kailangan niyang tanggapin iyon.
Nakita niya si Jarina na nakaubob sa higaan niya, tulog. Dinala kasi siya sa klinik dahil nawalan siya ng malay. Hinaplos niya ang buhok nito at hinalikan niya ang buhok nito.
"'Wag ka na lumapit sa akin," Malumanay na sabi niya sa dalaga.
"Magulo ang buhay ko, Jana." Huminga siya ng malalim at dahang dahang umalis sa higaan. Sinuot niya ang sapatos at inayos ang kanyang uniporme. Si Jana ay nasa kabilang parte ng kama niya at tinatalikuran niya iyon. Nagulat siya ng pumailanlang ang boses ni Jana.
"Hindi ako lalayo," Turan ng dalaga sa kanya.
"Kasama mo 'ko," Dahan dahan itong lumapit sa kanya. Umiling siya at tinungo ang pinto. Naramdaman niya ang maliliit na brsso ni Jana sa bewang nya.
"Aayusin natin buhay mo, Clyde. Please." Umikot siya rito at ngumiti.
"Okay lang ako, veybeh. Don't worry about me. I'm so gwapo kaya," And he gently patted her head.
"So, okay na 'ko. Me can do this alone! Aloooooooooneeee." Pagkanta pa niya. Hinampas siya ni Jana sa dibdib.
"Awww. Shakit. Huhu. Kiss mo." Tinaasan siya ng kilay ni Jana at lumabas na rin ito ng pinto ng clinic.
"Kiss mo sarili mo! Letse ka Clyde!" At pumailanlang ang malutong na tawa niya. She's his daily dose of happiness, indeed.
Umuwi siya sa condominium. Dumaan siya sa head security dahil may kailangan siyang alamin dito. Alam niyang may kababalaghang ginagawa si Chase; kilala niya ito. Pumunta siya sa Main Office ng Head Security at nakapagtataka na nakita niya si Gabby don, ang girlfriend ni Chase ngayon na kinababaliwan daw nito.
"Gabriella Louise," Tawag niya rito na nakapagpalingon dito.
"C-Clyde!" At nagulat siya sa takot na nakabalot sa boses nito.
"Ngayon ka lang nakakita ng gwapo?" Ngumisi siya rito.
"Mukha kang takot. Bakit? Hindi ako horror, wag ka matakot." At narinig niya na may tumawa sa likod niya.
"'Wag si Gabby, Clyde." Ani malamig na boses. Tumingin siya sa likod at nakumpirma na si Chase nga iyon.
"Fafa Chase!" Tumayo siya at akmang hahalikan ito. "I miss you!" At nakita niyang nagtagis ang bagang nito.
"Play the fucking vid, Gabriella." At napatuon siya sa monitors kung saan nakikita ang nangyayari sa buong building. And all of the sudden, it changed into a video, a video that he doesn't need.
—
Nagising siya na nakaupo siya sa swivel chair at kaharap niya ang kaibigang si Chase. Nakalagay ang daliri nito sa baba nito, nakatingin sa kanya. Ngumisi ito nang naalamang si Danny na nga siya. It won't hurt to fool him.
"Fafa Chase?" Sabi niya sa naiiyak na tono. Nandidiri siya sa sarili pero gusto muna niyang makita ang reaction ng kaibigan.
"Y do u do this to meh. Huhu. Don't you love me." Pacute pa niyang sabi na nakapagpamura sa kaibigan.
"Puta, di gumana?" Asar na asar na sabi nito. Ngumiti siya rito at tumawa.
"Kiss mo 'ko, baka gumana, hihi." Sabi niya sa malanding boses. Natawa naman si Chase sa kanya at umiling.
"'Wag mo 'ko lokohin, Danny. Kilala na kita." At siya naman ang umiling. Tama bang lokohin niya ang kababatang matagal niya nang kasama?
"No," Batang boses na sabi niya. "One kiss lang eh." At pinukulan siya ng malamig na tingin ni Chase.
"Umayos ka na. Tinutulungan ka na ng hari, aayaw ka pa." Ani Chase sa mayabang na boses. Humalakhak siya at pinaikot ang swivel chair na kinauupuan nya.
"Hari? King?" Tumawa muli siya. "Inienglish mo lang, gago." At pabiro siyang inirapan ni Chase. Nagulat siya sa reaction na iyon.
"Wow. Minsan ko lang makita iyang malokong Chase, pakiss nga, namiss ko eh." Pang-aalaska pa niya.
"Sige, mamaya, kahit ilan." At nagtawanan silang dalawa. Nakakatuwa nga naman balikan ang nakaraan. At naalala niya ang appearance niya ngayon.
"Pre, ano ba ginawa sa buhok ko? Tulungan mo kong alisin tong contact lens sakin. Di ko feel, mukha akong si Hero." Aniya sa naiiritang tono. Ngumisi lamang ang kanyang kaibigan at umiling.
"Hindi pwede, Clyde." Tumingin siya rito at tinaasan ito ng kilay.
"Malalaman nilang buhay pa ang Danny Rytton. Ang alam ng lahat, patay ka na at si Clyde ang long lost twin brother mo. Hindi mo pwedeng buhayin bigla si Danny. At may aayusin ka pa, ang issues mo kayna Craig. Hindi ba't si Karl iyon, ang pinsan mong inakala mong mabait, gold digger pala? Ayusin mo muna bago ang grand entrance, Clyde. Ayoko naman na mapahamak ka. At saka, si Johanna pa, Danny. Wag mo sabihing nakalimutan mo na siya?" Sabi ni Chase sa kanya sa mababa at nakakalokong tinig. Alam niyang may binabalak ito.
"Pare ang sabi kay Clyde, nasa ibang bansa lang daw si Danny." Naguguluhan niyang tanong dito. Ngumisi muli si Chase sa kanya.
"Palusot lamang nila iyon kay Clyde upang di na magduda. Pinalabas na patay na si Danny Rytton dati noong under medication ka pa. Tapos may kumuha sayo mula sa poder ko at pinaglaruan nila ang memories mo kaya may mga bagay kang di matandaan, kahit si Danny ka. Tapos tinrigger pa nila yung DID mo. You're in serious trouble, pare." Napahilamos siya ng mukha. Marami pa siyang di nalalaman? At may amnesia siya at the same time, may DID? Ang saya saya naman ng buhay nya.
"Tell me what I deserve to know." Malamig na turan niya kay Chase. Humawak ito sa labi at itinago ang ngisi.
"Malalaman mo sa takdang panahon. Pinagpapala ang mga taong marunong maghintay, Clyde." At umalis na ito sa head security office. What the fuck is really going on?
BINABASA MO ANG
Clandestinely Clyde
Mystery / Thriller1st. * Clyde Rytton. He was considered as the clown of the group. He jokes every time, even in the weirdest ways. But, he was never known by anyone. They never know who Clyde is. Or, is he really Clyde? * CADDR 2015 / CHAOS MAKERS Started: 03-23-15 ...