CM: 14

2 0 0
                                    

He knew that something is definitely wrong. He is Leinehausen? Leinehausens are murdered 4 years ago. They are one of the royal palaces in Greece. But that family was murdered and the king and queen are killed and their three children. They are mistaken, greatly.

"In order to avail the great treasures of the royal palace, the palms of the three children should be placed on the secret door which only the oldest knew." Levi started.

"But, Hero is proclaimed dead. And by that, the treasures can't be opened anymore." Chase said, relaxed.

"I don't know anything. Stop this already." He is tied. His wrists are tied on a silver chair, his legs chained. He knew that they will be squeezing details from him. Sadly, he don't know anything.

"This is for your good, Clyde." Levi sighed. "I hate mess, Reyes. Fix this." Levi face-palmed as he sat on his chair.

Tumingin sa kanya si Chase, walang kangiti-ngiti. "Ayokong pahirapan ka, 'tol. Ayoko rin na maunahan nina Elizabeth." Nangunot ang noo niya. Paano nalaman ni Chase ang mga ito?

"Sabihin na natin matagal na akong may alam." Tumingin ito sa kanya. "Pero ayokong gamiting ang last resort sa'yo, 'tol."

Humalakhak naman siya. Hindi niya akalain na kayang gawin ng isang Chase Reyes ang ganito. Ang tatay nito ay ang head ng NBI, dapat sa mga ganitong tao ay kinukulong.

"Wala nga ako alam, gago ka ba?" Nag face palm rin si Chase. Tiningnan nito si Levi na prenteng nakaupo sa sofa.

"Para sa'yo 'to, Clyde."

"Wala akong paki."

Tumango naman si Levi at biglang nagbukas ang pintuan. At doon, lumabas ang babaeng gusto niyang protektahan. Na kahit magulo ang kanyang memorya ay alam niyang mahal niya. Ang nag-iisang babae sa puso niya. Si Jana.

"Jarina Janzel," Tawag niya rito. Tiningnan siya nito at ngumiti ito sa kanya.

"Clyde..." At sa boses nitong iyon, kinuha na naman siya ng kadiliman.

--

"Shit naman, Jana! Bakit mo inirevert si Danny kay Clyde?!" Narinig niya ang frustrated na sigaw ni Chase. Binuksan niya ang mata niya at nakita niya na nakaupo pa rin si Levi sa sofa, nakatingin sa paligid. Nagtataka siya, marunong kaya ito magpakita ng emosyon?

"Wag ka na mag-inarte, Reyes." Tumingin ito sa kanya. Creepy ang tingin nito. "Mas maganda na to, matatanggap na ng walang kwentang yan kung sino siya." Bumuntong-hininga naman si Chase at tumingin sa kanya.

"Wag pre," Nagsalubong ang kilay nito. "Virgin pa ako." Sinipa naman ni Chase ang katabi niyang upuan na hindi niya alam na nag-eexist pala.

"Hindi 'to lokohan, Clyde!" Ngumiti naman siya kay Chase. "May sinabi ba akong joke?" Sinamaan siya ng tingin nito. "Wala pa ah. Wag excited, 'tol. Napapaghalataan ka." Tumawa naman siya pagkatapos. Kinuwelyuhan naman siya ni Chase.

"Kung joke to para sa'yo, tangina mo." Natatawa siya. Minsan lang kasi mangyari ito. Laging kalmado at composed ang kaibigan niyang si Chase. Nakipagsukatan siya ng tingin dito.

"Alam ko naman." Tiningnan siya ng nagtataka ni Chase. "Alam ko na ako rin si Danny. Sadyang pinapalabas ko lang na hindi. Hindi ko kasi matanggap." Huminga siya ng malalim.

"Alam nyo yun? Ang pogi ko kaya tapos mahilig pala magpoker face yung isa kong personality? Dapat laging happy."

"Kaya dapat lagi tayong nakahappy meal."

Nakita niya kung paano nagtagis ang bagang ni Chase. Pinadaan nito ang buhok ng kamay. Alam niyang inis na ito. Pero lalo niyang iinisin ito.

"Kung joke 'to para sa'yo, ito." Abot sa kanya ni Levi ng panghasa. "Isaksak mo sa utak mo. Baka saka tumalas. Mapurol e." Narinig niya ang halakhak ni Jana. Dahil sa tawang iyon, nagkaroon siya ng kaunting pag-asa. Kaya niya ito.

"Hindi joke sinasabi ko." Ngumiti siya sa mga ito. "Gusto nyo ba makarinig ng bed time story?" Sabay na nagface palm ang dalawa niyang kasamang lalaki.

"Si Johanna ang ex-girlfriend ko noong high school ako. Close sila ni Dreixanna na kababata ko. Si Drei at Jana ang mga kaibigan ko noong bata ako." Huminga siya ng malalim.

"First year ko siya nakilala. Naging close kami at noong second year high school naging kami. Akala ko bliss na yun pero bigla kong nalaman na magkapatid pala sila ni Drei. Si Drei yung may gusto sa akin. Sobrang magkamukha sila pero ang naiiba kay Johanna, ang kulay ng mata niya ay asul at kay Drei, green. Pero halos pareho sila gumalaw. Matagal na nawalay sa akin si Drei. Lumipat kasi siya ng school nung grade 4 kami. Dati kasi, kami nina Jana, Chyle, Drei ang magkakabarkada pero nagkahiwalay hiwalay kami noong sinabi ko kay Drei na hinding hindi ko siya magugustuhan." Tumingin siya sa ceiling na mga ilaw na parang bituing nagningning.

"Nakipagbreak ako kay Johanna kasi ayokong masaktan si Drei. Hindi ko naging girlfriend si Drei pero nasaktan ko naman si Jana. Si Drei kasi ang pinili ko dati kesa kay Jana. Nasabihan ko pa noon na walang kwenta si Jana." Ngumiti naman siya kayna Chase.

"Pero hindi ko alam, si Johanna pala ay anak nina Tita Elizabeth at Tito Yugene na kapatid ng aming totoong ina. Alam kong magulo ang memorya pero naalala ko si Mama. Mahal na mahal kami ni Mama." Unti unti niyang nakakalag ang tali sa kanyang likod. Kaunti na lamang ay maalis na niya ito. Kaunti na lamang ay makakawala na siya kay Chase. Marami pa siyang kailangang malaman. Kung totoo nga na may ikatlo siyang katauhan, kailangan niyang malaman kung anong nalalaman nito. Maaring makausap niya ito. Hindi niya alam kung paano ngunit gagawa siya ng paraan. Kailangan niya magawa ito sa lalong madaling-panahon.

"Oo, mas maraming alam si Danny kesa sa akin. Pero may alam rin ako. Katulad ng," Tuluyang niyang nakalag ang tali sa kamay at naalis niya ang pagkakapulupot ng mga chain sa kanyang paa. Hindi niya alam kung paano niya nagawa ito pero kailangang makatakas ni Jana.

"Gago kayo at kailanman ay hindi dapat kayo pagkatiwalaan." Inalis niya ang mga tali at tumayo sa upuan. Sinipa niya si Levi sa binti at si Chase naman sa dibdib. Kaagad naman nakatayo si Levi at nahawakan siya sa balikat.

"Wag kang tumakas." Ngumisi naman ito sa kanya. "May kailangan pa kami sayo, Clyde."


Clandestinely ClydeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon