I'm thinking. Should I edit this? Because nawala ang focus ko tapos sobrang daming mystery ng buhay ni Clyde, tho, nasa utak ko na talaga na yung mangyayari. Ewan ko lang.
--
Nagising siya na nakahiga siya sa kama. Ang kama ay may bubong. Natawa naman siya sa naisip. Bubong talaga. Inayos niya ang buhok niya. Lagi na lang kasi siyang nagigising bilang Danny. At matagal na naman niyang alam na siya at si Clyde ay iisa. Ang pinagkaiba lang talaga, sa Clyde personality niya, mas masaya siya. Kasi kahit may memorya siya rito, hindi ito kasing sakit ng mga natatandaan niya sa Danny niyang katauhan.
"Good morning, Clyde." Ngumiti naman siya kay Jana. "Cade nalang. Yun tawag mo sakin, diba? Sinabi mo lang na Cly, pero Cade talaga..." Nakita niya kung paano kumislap ang mga mata nito.
"Natatandaan mo na lahat?" Umiling siya. "Hindi. Pero naalala ko na ako yung binigyan ng tatlong personality nung inoperahan kami ni Kuya Hero." Ngumiti naman sa kanya si Jana at umupo rin sa gilid ng kama.
"Wala kasing choice noon." Bumuntong-hininga ito at tumingin sa kanya. "Kapag si Hero ang binigyan ng tatlong personality, magugulo lalo ang buhay ninyo kasi siya na lang pader nyo noon. Kaya inalis na lang ang memorya niya." Kumunot ang noo niya.
"Paano mo nalaman ang mga ito?" Ngumiti naman si Jana sa kanya. "Yteverdi ako, Cade. Kaibigan ng mga magulang mo ang magulang ko. Sa amin kayo pinaalagaan ni Tita." Tumango siya at tumayo sa kama. Pipihitin na sana niya ang doorknob nang may marinig siyang nag-uusap.
"Tamang oras na ba, Chase?" Malamig na tanong ni Levi.
"Yeah. Hindi pwedeng makuha ni Tita Elizabeth ang kayamanan nina Tita Clyra." Rinig niya ang galit sa boses nito.
"Handa na ba si Clyde na malaman ang totoo?" Tanong muli ni Levi. Narinig niya ang malalim na hininga ni Chase. "Kahit abnormal iyon, alam kong kaya niya."
Binuksan niya ang pinto at nakita niya ang dalawang lalaki na nakatayo doon. Parehong walang ngiti ang dalawa. Naglakad siya sa pasilyo ng mansiyon.
"Bakit ba napakahalaga sa'yo nina Mama, Chase?" Tanong niya rito kahit nakatalikod siya.
"Kasi mahalaga ka sa akin," Tinapik nito ang balikat niya. "Ayokong nasasaktan ka."
Tumango siya rito at naglakad lakad siya. Nakita niya ang ilang photographs. May pamilya doon. Dalawang lalaki at isang babaeng napakaganda at isang lalaking mukhang modelo. Nang matitigan niya iyon, kaagad niyang nakilala ang mga iyon. Nakita niya rin ang mga photographs nilang magkakabarkada. Nakita niya ang awards nila.
Pabalik na sana siya sa kwarto nang marinig ang usapan ni Levi at Chase.
"Anong gagawin mo kay Craig at Chyle?" Nagulat siya nang marinig ang pangalan ng dalawa niyang kaibigan.
"Si Craig, wala akong problema. Di yun magsasalita." Pinadaan naman ni Chase ang kamay sa buhok. "Kay Chyle, meron. Hindi kasi sila pwede ni..." Nakita niyang lumingon sa direksyon niya si Levi at tumango ito.
"Chase, nandiyan na si Clyde." Tumingin naman sa direksyon niya si Chase.
"Tapusin na natin to, Levi. Ayoko na rin ng gulo sa pamilya mo." Tumango lamang si Levi kay Chase. Naramdaman niya na may nagposas sa kanya at hinila siya ng mga ito sa isang kwarto. Kahit magpumiglas siya ay hindi pa rin niya makaya ang mga ito. Hindi niya alam kung anong gusto ng mga ito. Pinaluhod siya ng mga tauhan ni Chase at kapantay niya muli si Jana.
Nakita niya kung paano sinaktan ng mga tauhan ni Chase si Jana. Kung paano ito tumalsik at kung paano ito masaktan. Kung paano ito paluin ng kahoy at kung paano ito hagupitin ng latigo. Naiinis siya dahil wala siyang magawa. Naiinis siya kasi hindi siya makakilos at nakikita niya kung paano saktan ang babaeng mahal niya mula pagkabata.
"Tangina naman, Dyllane! Wag mo na kami pahirapan!" Naiinis na reklamo ni Chase. Sinamaan niya ng tingin si Chase.
"Ano bang gusto mo?!" Bakas ang galit sa sakit sa boses niya. Tama na. Hindi na niya kayang makita na nasasaktan si Jana.
"Clyde..." Tawag sa kanya ni Jana. Ngumiti siya rito ngunit tiningnan lamang siya nito at halata ang sakit sa mga mata nito.
"Kahit na lagi mo akong nasasaktan, kahit na lagi kailangang magsakripisyo para sa'yo..." Humugot ng malalim na hininga si Jana. Alam niyang nahihirapan na ito pero naririto pa rin ito.
"Natatandaan mo ba noong bata pa tayo, Cade?" Nahihirapan na rin siya. Nakita niyang tumulo ang luha ni Jana ngunit pilit itong ngumiti.
"Natalo ka sa laro ninyo ni Kuya Hero..." Pagpapatuloy nito. "G-gustong-gusto mong manalo..." Nakita niya kung paano kumislap ang mga mata nito.
"Kaya tinawag mo si Drei. Kasi magaling si Drei doon." Narinig niya ang hikbi ni Jana. Nakatungo ito pero alam niyang umiiyak ito.
"Na realize ko noon na, di talaga tayo bagay pero pinagpilitan ko." Tumingin muli ito sa kanya, mga mata ay nababalutan ng kalungkutan.
"Kaya nangyayari ito kasi isa akong malaking sagabal sa'yo. Kung di ako lumilitaw, hindi ka magiging si Clyde at kung si Danny ka, mas maaga ninyong maayos ang lahat. Sorry..." Humihikbing saad nito. Umiling siya. Wala itong kasalanan. Hindi dapat nito sinisisi ang sarili. Ang lahat ng may kagagawan nito ay ang kanyang tiyuhin at tiyahin. Isama na rin ang mga anak ng mga ito.
"Di pa rin? Ano pa bang gusto ni Dyllane?" Frustrated na sabi ni Chase. May kinuha itong .45 na pistol mula sa bulsa at itinapon ito sa tauhan.
"Do our last resort," Utos ni Chase. "But sir--"
"Do it." Umiling ang tauhan ni Chase at tinutok ang baril kay Jana. He knew what will happen. He knows that their last resort is to kill her. Dyllane is awakened by violence. But he does not want anything to happen to Jana. She is his own breath.
"Don't do it, please," Tumingin siya kay Chase. Umiling ito. "It's the only way. Believe me that I didn't want this, too."
"There gotta be another way! Damn it, Chase! If Lois is the one in your front, then I told them to kill her, what would you fucking feel?!" Galit na sigaw niya. Nakita niya kung gaano kafrustrated si Chase at kung gaano ito kagalit.
"Then I would have her killed!" Huminga ito ng malalim. "I'd rather let her die now than seeing her be killed because of me. I wouldn't accept that." Tumingin muli sa gawi niya si Chase, mga mataý nahihirapan.
"Because, Clyde Andrew, that is the only way to stop the chaos..." And the gun was fired. There Jana go, falling into the floor, blood gushing out her body.
"No! Shit! Jana!" He shouted but her eyes were already closed. He couldn't take it. He couldn't take seeing her bleeding, seeing her dying in his own very eyes.
Then everything went black, once again.
BINABASA MO ANG
Clandestinely Clyde
Mistero / Thriller1st. * Clyde Rytton. He was considered as the clown of the group. He jokes every time, even in the weirdest ways. But, he was never known by anyone. They never know who Clyde is. Or, is he really Clyde? * CADDR 2015 / CHAOS MAKERS Started: 03-23-15 ...