Busyng-busy si Clyde sa kakatawa sa pusa niyang nakikipag away sa isang batik batik na kulay brown na daga. Tuwang tuwa siyang panoorin kung paano pinapatay ng kanyang pusa ang alaga ni Chase na daga; alam na alam naman niya kung gaano kamahal ni Chase ang dagang si Louise.
"Putangina, Clyde!" Panandaliang nagulat si Clyde at ngumisi kay Chase. Gulo gulo ang buhok nitong tsokolate at nanlilisik ang mata nitong kulay asul at lila.
"Hindi mo ba naapreciate ang ginagawa ni Lily kay Louise?" Pang-aasar pa niya. Ang pangalan ng kanyang pusa ay Lily; pinangalan niya ito sa kanyang ex-girlfriend, ang babaeng minahal nya higit pa sa lubusan.
"Tangina mo, Clyde. Paglaruan mo na lahat. 'Wag lang si Louise," Huminga ito ng malalim. "Mahal na mahal ko 'yon." Napailing na lamang si Clyde at ngumisi muli kay Chase.
"Kasal na si Louise kay Adrian. Wala na tayong magagawa." Dahang dahang lumapit si Clyde kay Chase at pinilit na abutin ang labi ng binata.
"Ako nalang..." Bulong niya.
---
Nagising siya na pawis na pawis at nanginginig. Napapamura siya sa isip habang nakatingin sa vanity mirror na malapit sa kanyang kama. Ang aircon niya ay bukas at ang kanyang blue-black na kwarto ang sumalubong sa kanya. Napahilamos siya sa mukha at umiling iling.
"Shit! Sa lahat pa ng panaginip. Tangina, 'di ako papatol sa kapwa ko lalaki!" Inis na inis na sabi niya at tumayo na at pumasok sa bathroom.

BINABASA MO ANG
Clandestinely Clyde
Mystery / Thriller1st. * Clyde Rytton. He was considered as the clown of the group. He jokes every time, even in the weirdest ways. But, he was never known by anyone. They never know who Clyde is. Or, is he really Clyde? * CADDR 2015 / CHAOS MAKERS Started: 03-23-15 ...