SACHA'S POV
"Oh, anong gusto mong gawin ko nyan?" Nakatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa 'kin. Pero, 'yong tingin niya---'yong pangiti na. 'Yong tipong kanina pa nagpipigil ng ngiti hanggang sa ngumiti na nga siya nang tuluyan.
"Gusto ko ikaw ang partner ko."
"Yoko nga!" Mabilis kong sagot. "Partner mo mukha mo, baluga ka!"
"Chacha, please?"
Umiling ako. "No way."
Ngumuso naman siya. Parang bata. Hays. Isip batang baluga! "Sige na uy. Hindi ka ba naawa sa gwapong tulad ko?"
Napangiwi ako at tinulak 'yong mukha niya gamit ang palad ko.
"Ayoko."
Paakyat na sana ako sa kwarto ko nang higitin niya 'yong kamay ko at napa-upo ulit sa sofa namin. Sinamaan ko siya ng tingin kaya't inalis niya 'yong pagkakahawak sa 'kin.
"Umuwi ka na nga!" bulyaw ko. "Alis alis. Shupi shupi. Shoo shoo." Ininagay-way ko pa 'yong kamay ko sa harapan niya pero parang wala lang sa kanya.
"Kailangan doble doble?" tapos tumawa siya. Pinalo ko 'yong braso niya na siyang nagpatahimik sa kanya. "Sadista ka talaga. Lagi mo na lang sinasaktan ang puso ko't damdamin. Bakit ka ba ganyan?"
I mentally face palm because of what he said. Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Nakakasuka 'yang mga sinasabi mo." I said rolling my eyes. "Kung sa iba gumagana 'yang mga lintanya mong gawin. Aba hoy! Gelo Jham Baluga Chua, ibahin mo ako sa mga babae mo."
Nakita ko na bigla siyang sumimangot. Luh? What did I do?
"Chacha naman, wala akong babae. Matagal na akong nagresign." Tapos biglang siyang ngumiti, Winiggle niya pa mga kilay niya na para bang nagpapacute na ewan. E, mukha naman siyang unggoy. "Tanungin mo ako bakit."
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na ang isip bata ng lalaking 'to. Pero, kung magpa-iyak at mang-iwan ng babae no'n walang pakundangan. Walang pinipiling oras.
Madalas din akong napapa-isip kung paano ko natatagalan ang babaero na 'to. Hindi ko rin maisip kung paano ko natitiis ang pagkairita ko sa pagkakulit niya. Ilang araw na nga ba ang lumipas? Ilang araw na... at kahit papaano napapalapit na ako sa kanya. Mahirap man aminin pero kahit papaano, nakakagaan ng pakiramdam ang presensya siya.
Tipong araw-araw may bubungad sa 'kin ang balugang unggoy na mangungulit hanggang matapos ang araw.
'Yong balugang unggoy na parang walang problema dahil sa bawat makikita ko siya lagi niya akong ngingitian.
'Yong balugang unggoy na magaan kasama.
'Yong balugang unggoy na may pagkamalandi at harot pero sa 'kin lang.
Wait, what? Pero, totoo naman kasi! Hinaharot ako minsan pero alam kung pabiro lang naman para asarin ako. May pagkawalangya kasi 'to.
Dalawang buwan na din pala akong ginugulo ng balugang 'to.
Nagulat ako at pakiramdam ko namula ako dahil sa biglaang niyang pagsundot sa pisngi ko na nakapagbalik sa 'kin sa wisyo.
"Natulala ka dyan. Alam ko kung bakit, dahil ang gwapo ko 'di ba? I know right Chacha. Thank you very much."
Napangiwi ako at kinurot siya.
"You are not welcome. Assuming mo po." Pinalo ko na naman siya nang kurutin ako sa pisngi. "Ano ba?! Masakit kaya! Kurutin kaya rin kita sa pisngi gamit ang neil cutter!"
BINABASA MO ANG
99 days with Mr. Player (Revising)
ChickLitAkala nila magkaiba sila. Ang hindi nila alam. Pareho lang sila. Pinaglaruan ng tadhana, saan kaya patungo? This is the story of Gelo and Sacha.