Pumunta kami sa Gymnasium para ibigay yung mga donations ko. Kasama ko ba din si Balugang Player. Sya nagbubuhat nung mga paper bags.
"Bakit ang tahimik mo?" tanong nya bigla.
Tinignan ko naman sya. "Paki mo?" sabay irap. Hindi ko alam kung bakit tahimik nga ako ngayon. Ewan ko ba iniisip ko pa din yung naramdaman ko kaninang parang paru-paro. Ang weird lang.
Bigla nalang ako nakaramdam ng may tumusok sa tagiliran ko. "Aysus, nahihiya ka sakin no? Wag ka nga. Baka ma-inlove ka." natatawang sabi nya atsaka ako kinindatan. Tapos biglang tumakbo papuntang loob ng Gym. That Player!! Baliw ba sya?!
Sumunod nalang din ako sa loob. Ang dami palang nagdonate. Hinanap ko naman kung nasan yung Balugang yun. Inikot ko yung mata ko sa loob at nakita ko syang may kalandian sa may gilid. Player talaga. Napa-iling nalang ako at lumapit sa kanila.
"Ehem!" Nagfake ako ng ubo para mapansin nila ako. Tinignan ako ng babae, maganda sya. Kaya lang biglang yumuko. Eh?
"Yes baby?" Nanlaki yung mata ko sa tawag nya sakin. Sinamaan ko sya ng tingin.
"J..joke lang. Hehe. Ano ba kailangan mo?" tanong nya atsaka nag-iwas ng tingin.
"WALA!" biglang sigaw ko kaya naman napatingin sakin yung iba. Tinigan ko nalang din sila tapos nag-iwas sila ng tingin sakin. Ano ba yan. Maka-alis na nga.
Naglakad na ako paalis ng Gym. Puntahan ko nalang nga si Kuya sa music club? Ah, ou tama. Tagal ko na din hindi nakikitang kumanta si Kuya. Hindi kasi ako nanunuod ng mga inu-upload nyang video sa Fb e. Hindi ako supportive. LOL.
Malapit na ako sa music room. Pero hindi ko marinig yung tugtog soundproof kasi e. Kaya lang nabigla ako ng may humigit sakin. Pagtingin ko.
"Hi Sacha Loves.." napakunot ang noo ko. Si Warren! Naalala nyo, yung nabibigay sakin ng chocolates at flowers na hindi naman valentines.
"Bitawan mo nga ako." inis na sambit ko pero hindi nya pa din ako binibitawan. Lalo pang humigpit yung kapit nya sa braso ko.
"Ano ba? Bingi ka ba?!" sigaw ko ulit. Shit. Bigla akong kinabahan. Wala pa naman masyadong tao ngayon dito. Nasa dulo kasi to.
Bigla nya ako sinandal sa pader. Nagpupumiglas ako pero ang higpit na hawak nya sa magkabilang kamay ko! Letche tong lalaking to!!
"Nabalitaan ko kanina na inalok mo daw maging boyfriend si Chua?" tanong nya habang nakasmirk.
BINABASA MO ANG
99 days with Mr. Player (Revising)
ChickLitAkala nila magkaiba sila. Ang hindi nila alam. Pareho lang sila. Pinaglaruan ng tadhana, saan kaya patungo? This is the story of Gelo and Sacha.