# 23 - [Bakit biglang ganito?]

685 25 5
                                    

Nakarinig ako ng tatlong pagkatok mula sa pintuan at bigla nalang pumasok yung isang lalaki kung nasaan kami. Nakakulay dilaw siyang damit, may suot na I.D. Tantya ko mga nasa kurenta anyos na siya.Nanahimik naman yung mga kasama naming nagduduty dito. Anong meron?


"Okay students, magsisimula na yung program. Yung iba lumabas na, lalo na yung may mga special number para sa mga bata. Yung iba, maiwan dito para sa pagbabantay sa pagkain.." sabi niya na parang maotoridad.


Bigla naman napunta sa amin yung tingin niya, kaya't ngumiti nalang kami bago siya umalis.Sumunod na din yung ibang estudyante sa kanya at napansin ko na naiwan si Girl with no Identity. So, hindi siya magpeperform? Sayang!

"Gabby, nasaan na yung pinapahanap ko?" paglingon ko sa kinatatayuan ng bestfriend wala akong nakitang nakatayong gabby doon! Saan nagpunta yung babaeng 'yun? Napasimangot tuloy ako.

Magsisimula na yung program! Tapos, wala pa yung gitara at nawawala pa siya. Ano ba yan!

Hindi na ako nagpatumpik tumpik ka at nilapitan ko si Kuya na kinunulit na naman si Vee doon sa may mesa. Hindi ako nagsalita at hinila nalang siya palabas. Halatang nagulat naman sila sa ginawa ko pero wala na akong pakialam.

"Sacha bakit? Saan mo ako dadalhin?" tanong niya sakin habang nagpapahila.Nasa hallway na kami nung huminto ako at hinarap siya ng nakasalubong yung kilay ko.

"Kuya, nawawala si Gabby! Hindi ko alam kung saan siya nagpunta and the freaking program is about to start!" singhal ko sa kanya.

Nagtaka ako ng tinitigan niya ako pagkatapos ay may ngisi na sumilay sa labi niya. Anong problema nitong kapatid ko?


"Starting liking him?" diretsahan niyang sabi. Napanganga naman ako doon. What the fuck? I don't like him! Bakit binibigyan nila ng malisya? Ugh!


"No way brother. There's no way in hell na magkakagusto ako sa kanya. Ginagawa ko lang 'to para matahimik yung konsensya ko." Nagkibit balikat siya. "Okay. Sabi mo e." aniya at tinap yung balikat ko.

"Hindi ka naman naniniwala e!" pagmamaktol ko. Base sa reaksyon na, hindi niya pinaniniwalaan yung sinasabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin ng bigla siyang tumawa.

"Naniniwala ako.." sabi niya. "Pero, hindi sa sinasabi mo. Remember sis, action speaks louder than words.."

Napa-irap nalang ako sa kawalan. "Whatever Madriaga!"


"Are you referring to yourself Sacha?" nakataas kilay niyang sabi. Pero, halata mong pinipigilan niya yung tawa niya kasi namumula siya. Yeah, kilalang kilala ko na yung Kuya ko.

"Kuya kahit matandaan ka sakin, masasapak na kita." banta ko. Pero hindi siya natakot kundi tumawa lang siya ng tumawa. Hays! Mababaliw na ako sa kanya.

Nasaan ba kasi si Gabby?!Nakarinig naman ako ng may nagsasalita sa speaker kaya't nagpanic yung sistema ko! Nagsisimula na nga!

"Halika na nga..' hinawakan ni Kuya yung kamay ko. "Puntahan na natin si Gabby. Baka magexplode kana diyan e." sabi niya ng pabiro.

Binigyan ko lang siya ng tingin. "Alam mo kung nasaan siya? Nakakainis ka!" sabi ko pero tumawa na naman siya.

My brother is making me insane!Nagpahila lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa labas ng bahay ampunan.

Nagtataka pa ng ako kung bakit doon niya ako hinala. Pero, nasagot din yung tanong ko ng makita ko doon si Gabby na nakatayo. Hawak na niya na naman yung phone niya at mukhang may kausap.

"There she is." sabi ni Kuya. Napa-irap ako. Hello! Alam kong nandyan siya, may mata kasi ako kaya nakikita ko. Gusto kong sabihin yun sa kanya pero hindi na ako nag-abala pa. Para saan pa? Nauubos lang ako oras ko kaya't hindi na ako nagpa-awat pa ng lapitan ko si Gabby, kinulbit ko siya kaya't napalingon siya sa akin.

99 days with Mr. Player (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon