SACHA'S POV
"Sacha, ano bang problema mo?" Tanong ni Kuya pagka-uwi niya galing sa ospital. Inabutan niya akong kumakain sa may sala. Actually, kanina pa nga ako nakatunganga sa harapan ng pagkain matapos kong bumaba sa may kotse niya kanina at bumalik sa bahay.
Ayaw ba naman akong hatid pabalik?
Pero, syempre papatalo ba ako? Syempre hindi!
Ayoko ngang puntahan 'yong baluga 'yon. Hindi ko pa man siya nakikita, kumukulo na ang dugo ko paano pa kaya kung face to face na kami?! Baka matuluyan ko lang siya! Mahirap na baka makulong ako, sa kaso ng pagpatay sa mga hayop.
Ibinaba ko 'yong kutsara at tinidor na hawak ko at tumingin kay Kuya Soren.
"What time it is?" tanong ko.
Kumunot ang noo niya pero tumingin din sa relos na hawak. "10:56pm."
Napatango ako sa sinabi niya at tumayo mula sa pagkaka-upo. Ngumisi. Tinapik ko 'yong kamay niya.
"Late na pala Kuya. Tulog na ako."
At naglakad na ako paakyat pero nakasunod siya sa 'kin.
Nasa likuran ko siya.
"Hindi mo man lang ba kakamustahin 'yong tao?" tanong niya nang nasa tapat na ako ng kwarto ko. Nakahawak na nga ako sa doorknob nang magtanong siya.
Sumagot ako nang hindi lumilingon.
"Hindi Kuya," malamig kong sagot. "Wala akong pakialam sa kanya... sa mga taong tulad niya."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot nang pumasok ako sa loob ng kwarto ko.
Patalon akong umupo sa kanya. Naiinis ako. Nakakainis siya. Gusto ko siyang sabunutan. Gusto ko siyang sipain. Gusto ko siyang kurutin. Pero, mas naiinis ako sa sarili ko kasi nag-aalala pa rin ako. Pero! Mas nangingibabaw ang inis.
Nabugbog dahil sa babae?!
Hah!
Akala ko ba magbabago na siya? Akala ko ba iba na siya? Pero, bakit gano'n? Sa babae pa rin nauuwi?
Ugh! I hate this! Bakit ba ako nag-rereact na para bang girlfriend niya ako? Ano bang problema ko? Ano bang nangyayari sa 'kin?
Padabog akong humiga. At itinulog ko na lang 'yong galit at inis ko para sa lalaking 'yon.
The next morning, tamad na tamad kong bumangon but I have to! May pasok pa ako! Buti na lang malapit na ang sembreak dahil mag-Nonovember na.
Isa pa...
Malapit na rin matapos ang kontrata.
Parang kailan lang.
Isang buwan na lang pala.
Isang buwan na lang ang titiisin ko sa lalaking 'yon tapos maiaalis ko na rin siya sa buhay ko. Ayos! Magpapapyesta ako pag nagkataon. Dapat ko lang ipagdiwang pagdumating na sa oras na 'yon.
Bumaba na ako nang matapos kong maligo at magbihis. Naabutan ko pa si Kuya na nasa kusina na, pero hindi pa siya kumakain. Maybe, waiting for me.
Naglakad na ako palapit at umupo sa tabi niya.
"Morning Kuya."
"Morning." Tumingin siya sa 'kin. "Kain na tayo."
Tumango na lang ako no'n at nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang no'ng noo hanggang sa magsalita siya. More on... nagtanong.
"Sacha, ano bang problema mo?"
Nilunok ko muna 'yong kinakain ko bago ko siya sinagot.
"Ano bang problema ko?" I asked back at mukhang hindi niya 'yon nagustuhan dahil bumuntong hininga siya.
BINABASA MO ANG
99 days with Mr. Player (Revising)
Chick-LitAkala nila magkaiba sila. Ang hindi nila alam. Pareho lang sila. Pinaglaruan ng tadhana, saan kaya patungo? This is the story of Gelo and Sacha.