#9 [Butterflies]

970 49 9
                                    

Sumunod lang ako sa kanya sa may Garden. Ang ganda talaga ng ambience dito. Nakakamangha lang. Someday gusto ko din magdesign ng ganito.Umupo kami dun sa parang swing. Awkward. Ano ba talagang nangyayare kay Gabby? Parang ang seryoso nya masyado eh. Nakakakaba tuloy.

"Gabby.." sambit ko.

"Dinamdam talaga ni Gelo yung pagjugde mo sa kanya." pagsisimula nya. Nakakunot naman ako ng noo.

"Parang yun lang. Ang OA naman nya. Tss. Sensitive ng pinsan mo Gabs." sagot ko na parang wala lang.Tinignan nya naman ako kaya parang lalo akong kinabahan. "No Sacha. Hindi sya OA. Sensitive siguro, Ou. Parang Ikaw." sabi nya atsaka ngumisi.

"Huh? Parang ako?" sabay turo ko sa sarili ko. Tumango naman sya.

"Yeah. Ikaw kung bakit ka Manhater may dahilan ka. Diba? Gaya din ni Gelo, he has his own reasons why he's like that." Nakikinig lang ako nun sa kanya. Ewan ko pero hindi naman ako interesado sa Pinsan nya but there's something in me that makes me want to listen. "3 years ago He's not like that. She respects every girls feelings. Pinapahalagaan nya ang mga babae gaya ng pagpapahalaga nya sa Mama nya, kaya lang one day iniwan nalang sila ng mama nya. Iyak sya ng iyak nun yung mama nya na sobrang mahal nya iniwan sila." naluluhang kwento ni Gabby.

Kahit ako hindi ko alam kung anong irereact ko. Kaya ba sya ganun nalang magdumped sa mga babae? "Tapos ang worst na nangyare sa kanya, Hi's father committed suicide." dun na tuluyang naiyak si Gabby. Napatakip naman ako sa bibig. What? napakamatay ang Tatay nya?

"Napakahirap para kay Gelo yun. Lalo syang nagalit sa Mama nya. Pagkatapos ilibing ni Tito, samin muna sya tumira kasi wala naman syang kasama sa kanila maliban yung maids. Then sa paglipas ng panahon, napansin nalang namin nila Mama na may nagbago kay Gelo. Yung dating nirerespeto yung damdamin ng mga babae ngayon halos wala na syang pakialam." 

"Pero bakit pagpumupunta ako sa inyo wala sya?" tanong ko. Madalas naman kasi ako kila Gabby pag wala kaming pasok.

"Hindi na kasi sya samin ngayon natira, sabi nya He can handle he's own life. Ayaw nya daw maging pabigat samin kaya naman bumili sya ng Condo. Bago kasi nagpakamatay si Tito naayos na nya yung future ni Gelo." tumango nalang ako.

Narinig kong napabuntong hininga si Gabby, humarap sya sakin sabay hawak sa kamay ko. 

"Bestfriend! Wag muna sanang ijugde si Gelo ha? Mas madami syang sakit na pinagdaanan sayo. Look, alam ko na naiintindihan mo sya kasi halos pareho kayo ng pinagdaanan diba? Pero kasi, Ikaw yung mama mo buhay pa. Sya, wala na syang parents. Kahit na sabihin natin na marami syang babae, at the end of the day. He's alone." sabi nya atsaka nya ako niyakap. "Let's just understand him." tuloy pa nya. Hindi ko alam pero napatango nalang ako.

Andito ako ngayon sa kwarto ko. Naka-uwi na kami ni Kuya. Ewan ko pero hanggang ngayon iniisip ko padin yung sinabi ni Gabby sakin kanina. 'He's alone' paulit ulit na nagpaflash back sa utak ko yun. 

Maswerte parin pala ako kay na iniwan din ako. I still have my Mom even though parang ang layo nya atsaka si Kuya na palaging andyan para sakin.Naiintindihan ko naman sya e. Masakit talagang maiwanan ng taong hindi mo aakalaing iiwan ka.Naguguilty na tuloy talaga ako sa pagjujugde sa kanya. Kelangan ko bang magsorry?

Knock. Knock.

Napatingin ako sa pinto ng marinig ko yung katok biglang pumasok si Kuya. Tumabi sya sakin.

"What's wrong princess?" tanong nya. "You look uneasy, kanina sa sasakyan ang tahimik mo." dagdag nya.

Napabuntong hininga ako. "Kuya, am I that bad?" tanong ko. he looks clueless kaya naman dinagdagan ko yung sasabihin ko. "Kasi diba naglasing yung kaibigan mo dahil sa pagjujudge ko sa kanya." 

99 days with Mr. Player (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon