Napakunot ang noo sa sinabi nya. "Can you lower down your voice Gabby?" sambit ko ng mapansin nakaagaw sya ng atensyon ng iba. Nakatingin na kasi yung ibang tao dito sa mall samin. Napansin ata yun ni Gabby.
"Ai. Sorry naman." asik nya sabay lapit sakin.
"So, bakit nga kayo magkasama?"
"Were not dating Okay? Nagpasama lang yung pinsan mo sakin dito para daw mambababae! He's unbelievable!" sabi ko ng may asar sa na tono. Nakita kong napangisi naman si Gabby.
"So, bakit ka sumama? Don't tell me, nabiktima kana din ng charm ni Insan?" sambit nya ng may nakakalokong ngiti. Tinignan ko naman sya na para nandidiri.
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo Gabby? Magmamadre nalang ako!" inis na sambit ko.
"Aysus, Let see." saad nya at lalong ngumiti ng nakakaloko. Napa-iling nalang ako.
"Whatever!" sambit ko at naglakad na palayo sa kanya.
"SACHA!" tawag nya pero hindi ko pinansin lalo ko pang binilisan yung paglakad ko. Kasi naman ramdam kong sumusunod sya sakin.
"Awww!" dahil sa kakamadali may nabunggo pa kong babae.
"Sorry. Nagmamadali lang." Tinignan ko si Gabby nasunod pa din. Maglalakad na sana ako at iiwan ko na yung nakabunggo ko ng bigla syang magsalita.
"Madriaga.." Napatingin ako sa kanya. Isa lang ang tumatawag sakin nyan.
"Ren?" tanong ko at tinignan mabuti ang mukha nya.
"The one and only." sabay yakap nya sakin. "I miss you Mads." tuloy nya pa. Nickname nya yung sakin. Mads come from my surname.
"Liar." saad ko. Natawa naman sya doon.
"Hindi ka pa din nagbabago ah? Haha."
"Well, I missed you too Sarmiento." nakangiting sambit you.
"Sacha! Bakit ba bigla mo nalang akong iniiwan ah?" saad ng kakarating lang na Gabby na medyo hinihingal ka.
"Kasi wala kang kwentang kausap kanina." walang ganang sagot ko.
"Meanie!" sabay pout nya.
"IKR Gabriella!"
"Tss."
"Oh, wait Gee!" sigaw bigla ni Ren habang nakatingin sa kanya. Halatang nabigla naman si Gabby at parang ngayon lang nya narealize na may ibang tao pa pala dito.
"Oh.My. Gee! Ree!!" sigaw din ni Gabby at nagyakapan sila sabay talon pa. Di ko po sila kilala. >.>
"I miss you. Haha. Kanina pa kita hinahanap." sambit ni Ren. Ree ang tawag sa kanya ni Gabby.
"Excited ka talaga. Haha. Mas maganda kana ngayon ah?" puri ni Gabby.
"I know. Haha. Di na ko mukhang bully?" natatawang tanong ni Ren.
"Di na. You look like a Goddess like us." Pagkatapos nun tumawa na naman sila. Mga baliw! Kung nagtataka kayo kung bakit parang close sila kahit na bully si Ren noon. Ang sagot dyan ay close talaga sila, I mean kaming tatlo nung elementary. Kaya lang sobrang lakas lang talagang mang-asar ni Ren noon, pati samin kaya nag-karoon kami ng mga misunderstandings. pero bago sya umalis at lumipat nag-sorry sya samin. To some it up all, almost 4 years din naman syang hindi nakita.
"So, Sarmiento san ka naman nagpunta at ngayon ka lang nagpakita?" mataray na tanong ko. Close talaga kami maniwala kayo.
"Sa tabi tabi?" Natatawang sambit nya.
"Ay, peste umayos ka ng sagot!" inis na sambit ko.
"Taray mo pa din bading! Actually, sa isang Art School ako naghigh school." sagot nya.
BINABASA MO ANG
99 days with Mr. Player (Revising)
ChickLitAkala nila magkaiba sila. Ang hindi nila alam. Pareho lang sila. Pinaglaruan ng tadhana, saan kaya patungo? This is the story of Gelo and Sacha.