Kinabukasan, antok na antok ako. Binato ko nga sa bintana yung alarm clock ko e. Ang ingay kasi. Buti nakabukas yung bintana, kundi basag yung salamin. Gusto ko pang matulog. Hindi kasi ako nakatulog dahil iniisip ko kung may paraan ba para hindi na mag-umaga. Kaya lang nabigo ako. Nakakaiyak!
Hindi pa din ako tumatayo. Antok na antok talaga ako. Pinikit ko nalang ulit yung mata ko. Kaya lang ano yun? May kumulbit sa pisngi ko? Hindi ko nalang pinansin dahil nga, antok na antok talaga ako. Tapos may kumulbit ulit. Ang kulit naman ng lahi nito. Oh! Kitang puyat yung tao. Tsk. Hindi ko nalang ulit pinansin. Ni hindi ko nga minulat yung mata ko e.
"Ignore me once. I'll kiss you chacha.." otomatikong napabukas yung mata ko. Yung boses na yun! Anong ginagawa nya sa kwarto ko.
Pagtingin ko, nakangiti sya sa akin nakabihis na sya ng pangpasok.
"Good morning Chacha."
"The heck kelan pa naging sayaw ang pangalan ko?" wala sa sarili kong bulong.
"Get up. Malalate na tayo.." sabi nya pa sabay hila sakin.
"Hoy teka! Don't touch me, allergic ako sa player." pagpupumiglas ko kasi hinihila nya pa din ako.
Napa-iling naman sya. "Did you already forget my rule?" sabi nya at kumindat. "Let's go." Naalala ko na naman yung usapan namin kahapon.
Tsk! Bestfriend ko na nga pala to. Be good Sacha. Don't hate him. Just calm tapos huminga ako ng malalim.
"Fine. Just don't touch me." sabi ko ng mahinahon.
Binitawan nya naman ako. "Okay. Just get up. Sasabay ka sakin papuntang school." Pagkatapos nyang sabihin yun ay lalabas na ata sya sa kwarto ko.
"Hindi pwede! Kay Kuya ako sasabay."
"Eh? Umalis na si Soren."
"Ganito kaaga? Atsaka, iniwan nya ko?!"
BINABASA MO ANG
99 days with Mr. Player (Revising)
ChickLitAkala nila magkaiba sila. Ang hindi nila alam. Pareho lang sila. Pinaglaruan ng tadhana, saan kaya patungo? This is the story of Gelo and Sacha.