"IKAW NA NAMAN?!" sigaw naming pareho. Agad ko syang tinignan ng masama at ganun din sya sakin.
"Ibalik mo nga yung sapatos ko!" sigaw ko.
Tinignan nya yung kamay nya na may hawak ng sapatos ko. "Bakit mo muna ako binato? Ikaw ha, nagpapapansin ka na naman sakin." sambit nya ng may nakakalokong ngiti. Inirapan ko lang sya.
"Ang feeling mong baluga ka! Magpapapansin sayo? Yuck! Mangilabot ka nga sa sinasabi mo!" inis kong sambit.
Nakita kong nagsalubong na yung kilay nya. Halatang inis! May nakakainis sya no?
"Malabo ba yang mata mo ha? Mas maputi pa nga ako sayo eh! Flawless to no?!" asik nya.
"Kapal talaga! Ibalik mo na nga yang sapatos ko!"
"Bakit ko ibabalik? Ibinato mo na diba? Akin na to! Maglakad kang ganyan.." walang ganang sambit nya at tinalkuran na ako. Aba!
"Hoy!" sigaw ko pero hindi nya ko pinansin. Susundan ko na sana sya kaso hinarangan naman ako nung babaeng nagmamakaawa sa kanya kanina.
"Arayy!" sigaw ko at napa-upo sa sahig. Itulak ba naman ako?! Sya na nga tinulungan kanina e. PESTE!
"Anong problema mo ha?" sigaw ko ng makatayo na ako.
Tinaasan lang ako ng kilay. Taray! "Ikaw!" sabay turo sakin. "Ikaw ang problema ko! Bakit mo ginawa yun kay Gelo ha? Siraulo ka ba?" inis nyang sambit gamit ang maarteng boses.
"Wag na wag mo kong masigaw-sigawan! Hindi ikaw ang nagpapakaen sakin. Idiot! Atsaka pwede ba, gumising ka nga. Ayaw na sayo nung player na yun. Maghanap ka ng matinong lalake hindi yung iniiyakan mo yung babaerong yun. Konting respeto naman sa sarili mo teh!" inis kong sambit. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Uh-oh!
"Wala kang karapatan----" hindi na natuloy yung sasabihin nya ng may humila sa braso nya. Kaibigan nya ata.
"Girl, tama na yan.." sambit ng kaibigan nya. Tinignan naman nya ng masama ito. "Ano ba?! Nakita mo ba yung ginawa nya sa boyfriend ko?!" sigaw nya.
"FYI! Ex boyfriend.." sagot ni....Player! Andito pa pala sya. Nakangisi pa sya nyan ha? Lalo tuloy nag-init ang ulo ko.
"Gelo baby!" iyak ulit nung babae sabay lapit kay Balugang player. "Nagbibiro ka lang diba?" pag-susumamo nya.
"Ofcourse not. Ayoko na Okay?" saad ni Baluga habang nakatingin sakin. Tinignan ko din sya ng masama. Kaya lang ngumiti ba naman at kinindatan ako. Arghhh!
Hindi ko na naman napigilan yung sarili ko at nasugod ko sya. Agad kong hinawakan yung buhok nya na hindi ko alam kung anong style at sinabunutan ko nalang sya.
"Nakakainis ka! Wag mo kong makindat-kindatan, nakakasuka!" sigaw ko habang patuloy ko syang sinasabunutan. Halos mamilipit na sya sa sakit.
"Aray! Teka.. Tama na, yung buhok ko. Aray.. Aray.. Tama na.." reklamo nya pero hindi ko sya tinitigilan. Nakaramdam naman ako ng may sumasabunot sakin. Pagtingin ko si Girl pala. Kaya naman medyo napabitiw ako sa buhok ni Baluga.
"Ouch! Let go of my hair!!" sigaw ko pero hindi nya parin binibitawan kaya naman sinabunutan ko na din sya.
"Ouch! Don't touch my hair. Bitawan mo ko. Masakit!!" sigaw nya din sakin. Nagsasabunutan lang kami ng bigla nalang lumuwag yung hawak nya sa buhok ko. Hindi ko alam kung anong nangyare pero hawak na sya ni Player. Ako naman hindi ko kilala kung sino ang may hawak sakin.
"Gelo! Bitawan mo nga ako. Tuturuan ko ng leksyon yang babaeng yan!" pagpupumiglas nya.
"Ano ba?! Hindi ka ba tatahimik?! Tumigil ka nga, yang babaeng yan kapatid ni Soren Madriaga! Kaya kong ako sayo humingi ka ng sorry!" seryosong saad ni Baluga. Nakatingin lang ako sa kanila. Halatang nabigla yung Babae at tinignan ako.
"I..ikaw si Sa..cha?" utal utal na tanong nya.
"The one and only. Lagot ka sa Kuya ko!" pagtatakot ko sa kanya. Hindi ko alam pero bigla nalang syang tumakbo palayo samin. Ang bilis nya palang tumakbo?
"Hahahahaha.." tinignan ko naman yung tumawa.
"Anong nakakatawa?" inis na tanong ko.
"Biruin mo yun, natakot. Haha. Yun lang pala yung makakapag-paalis sa kanya." tawa parin sya ng tawa. Kainis to! "Im free again. Hahaha"
Lumapit naman ako sa kanya at kinuha yung sapatos ko. Halatang nabigla pa sya pero wala na syang magagawa kasi nasuot ko na. Ngumiti ako na nakakaloko sa kanya atsaka ko sya sinampal! Oh'yeah, I slapped him!
Hinahawakan nya yung pisngi nya at masamang tumingin sakin. "Ouch! What's that for?!"
"That's for putting me in trouble!" sambit ko.
"Sinabi ko bang maki-alam ka?! Ikaw tong bigla nalang namamato ng sapatos e. Ano bang problema mo?" sigaw nya.
"Problema ko? Ikaw! Kayong mga walang kwentang lalaki! Wala na ba talaga kayong magawa at pinaglalaruan nyo lang kaming mga babae ha?! Hindi ba kayo pwedeng magtino kahit minsan lang? Hindi mo ba alam na napasakit samin ang maiwan?! Bakit ka ba ganyan? Napaka-player nyo! Peste!" sigaw ko sa kanya sa inis ko. Lahat ng gusto kong sabihin sa tatay ko sa kanya ko ata nasabi.
Biglang nagbago yung expression ng mukha nya. Biglang sumeryoso. "Iniwan kana ba noon kaya ka galit sa mga lalake? Na kaya ka ganyan na akala mo pare-pareho kami?!" seryong tanong nya.
"Wala kang paki!"
"Ha-ha.." tumawa sya pero halatang pilit lang. "Iniwan ka nga! Alam mo kung bakit ka iniwan? Kasi napajudgemental mo! Masama ang ugali!"
Napa-iling ako. "Judgemental? Mag-jujudge ba ko kung wala akong nakikitang mali ha? Papalit palit ka ng babae. Ginagawa mo lang silang laruan. For God's sake hind kami laruan! Siguro nga masama ang ugali ko. Paki alam mo ba? Hindi mo ko kilala kaya pwede manahimik ka nalang?!" sigaw ko.
"Yun na nga eh!" sigaw rin nya. "Hindi mo ko kilala but you keep on judging me! You don't know the story behind. Hindi mo alam kung bakit ako ganito. So, you better shut your fvckng mouth!" galit nyang saad sakin. Tinalikuran na nya ako at naglakad palayo.
What was that?! Am I being jugdemental?
xxxxxxxxxxx
Thanks for reading! :) Comment pls. ♥
BINABASA MO ANG
99 days with Mr. Player (Revising)
ChickLitAkala nila magkaiba sila. Ang hindi nila alam. Pareho lang sila. Pinaglaruan ng tadhana, saan kaya patungo? This is the story of Gelo and Sacha.