#11 Dating? Naah!

935 48 5
                                    

Andito ako ngayon sa mall. Kasama ko si Baluga na Player. Nagpasama eh. Pinagbigyan ko na ang kulit ng lahi nya e. Atsaka nangungusensya ba naman ang baluga. 

"Hoy, ano ba kasing bibilhin mo dito?" inis na sambit ko. Kanina pa kami paikot ikot dito at isa pa gutom na ko. 

"Wala. Maghahanap lang ng babae." simpleng saad nya. 

"ANO?!" sigaw ko. Tapos tinakpan nya yung bibig ko. 

"Wag ka ngang sumigaw baka akala nila anong ginagawa ko sayo eh." sambit nya habang tumitingin sa paligid.

Tinanggal ko yung kamay nya sa bibig ko. "Sinama mo lang pala ako dito para mambabae ka. Ayos ka din ah! Dyan kana nga. Letche!" inis kong sambit at nagmarcha palayo sa kanya. I can't believe that Guy, galit sya sa mga babae pero patuloy parin sya sa ginagawa nya!

Naramdaman ko nalang yung kamay nya sa braso ko kaya naman napahinto ako. Tinignan ko sya ng masama. "Saan ka pupunta?" tanong nya.

"Kakaen. Nagugutom na po ako eh. Kaya kung maari yung braso ko paki bitawan at maghanap ka na ng babae mo." sagot ko ng walang gana. Tinanggal nya naman yung kamay nya.

"Okay. Kita nalang tayo dito mamaya. Bye Sacha" sambit nya at tumakbo papunta dun sa mga babae na kanina pa pala sya tinitignan. Napa-iling nalang ako ng makita ko yung reaction ng mga babae nung nakita nilang palapit sa kanila si Baluga. Para silang nakakita ng artista. Ay, ewan. Makahanap na nga ng makakaen.

Nag-ikot ikot lang ako dito sa mall. Hanggang sa napunta ako sa tapat ng Pizza Hut. Nagcrave ako sa pizza nung makita ko yung poster eh. Pumasok na ako sa loob para umorder. Gutom na gutom ako kaya naman yung Meduim yung inorder ko. 

Nasa dulo yung table ko, dun ko gusto pumyesto  at kakaen na sana ako pero biglang naki-upo sa table ko. Pagtingin ko. 

"Hi, Miss beautiful. Pansin kasi naman na mag-isa ka lang. Baka kailangan mo ng makakasama.." sabi nung lalake na umupo nalang bigla dito sa pwesto ko. May kasama pa syang isang Guy. Mukha naman silang matino pero parang hindi. Ay, ewan.

"No, Thanks. I don't need any company." walang ganang saad ko.

"English. Nosebleed ako pare. Hahaha." tawa nung kasama nyang Guy. 

"Hehe. Sungit mo naman. Wag ka ng magpakipot alam ko naman na gusto mo kaming makasama." - Guy 1.

Napairap nalang ako. "Hindi ka pa nakakaintindi ng english? Sabi ko nga ayoko diba?! Baka gusto mo pang spell out ko sayo para naman ma-absorb ng utak mo!" inis na sambit ko. Pesteng mga lalake to! Mga walang magawa sa buhay nila. 

99 days with Mr. Player (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon