#34 [Regrets]

703 28 17
                                    

SACHA'S POV

"Why?" mahina kong bulong habang nakatayo sa gilid ng kabaong ni Daddy. Umaagos ang luha mula sa mga mata ko but I didn't even bother to wipe it out. Hinawakan ko ang salamin ng kabaong niya. "Why didn't you tell me? Anak mo ko. I should have known! I would try to understand everything if you just told me." Huminga ako nang malalim. "D-Dad. . . I'm sorry." Napakagat ako ng ibabang labi dahil hindi ko napigilan ang aking paghikbi. "I'm so sorry."

Naramdaman kong may humawak sa braso ko kaya't napalingon ako. Mabilis akong yumakap kay Kuya at do'n nag-iiyak sa kanya.

"It's okay Sacha. It's okay. . . Dad understands. Dad loves you, okay?" Inalalayan ako ni Kuya palabas. Naglakad-lakad kami nang kaunti pagkatapos ay naisipan niyang umupo kami ro'n sa may bench sa gilid ng simbahan na malapit sa Funeral house na pinagdausan ng lamay ni Daddy.

Last two nights na lang. Gano'n kabilis. It's like a wind; na kahit pigilan ko walang mangyayari kun'di ang dumaan.

"A-Alam mo?" tanong ko matapos ang mahabang katahimikan. Kaunti na lamang ang mga dumadaan na sasakyan dahil madaling araw na. "Ah. . ." Napatango ako. "Of course you know you never hated him."

"Iniwan niya tayo para maging masaya siya nang tuluyan. Ayaw niyang isipin mo na tayo ang dahilan kung bakit nanakaw sa kanya 'yong maraming taon na dapat nando'n siya sa totoong mahal niya. Kaya't mas pinili niyang maging masama sa paningin natin," pagkukwento ni Kuya habang diretso ang tingin sa kawalan. "I never knew about his illness, 'yong dahilan lang niya ang alam ko. I asked Mom about it and she told me everything. 'Yon nga lang, akala ko lahat alam ko na. Hindi sinabi sa 'kin ni Mommy 'yong tungkol sa sakit ni Daddy."

"Sa maraming taon na dumaan bakit hindi nagawang mahalin ni Daddy si Mommy? If he just loved her, things won't be complicated. Our family won't be ruined." Nag-iba ang tono ko. Naging mapait. May paraan pero iba ang pinili ni Daddy. He should have stayed. He should have loved Mom.

"Maybe he tried, but it didn't work out," sagot ni Kuya. "Dad loves us, Sacha. Hindi man niya nagawa mahalin nang tuluyan si Mommy pero tayo mahal na mahal niya tayo. He stayed with us; he endured everything because he loves us."

Muling pumatak ang luha sa mga mata ko.

"I miss him, Kuya. And I feel sorry." Humikbi ako. Naramdaman ko ang kamay ni Kuya sa balikat ko saka niya ako nilapat sa kanya para tuluyang yakapin. Naramdaman ko rin ang pagpatak ng luha niya kaya mas lalo akong naiyak. Sabay kaming umiyak. We cried our hearts out. We miss Dad so much. We miss him to the point that I want to go where he is right now.

"Don't feel sorry," sabi ni Kuya. "He wants us to be happy, so, we will. Okay? Pagkatapos ng burol ni Daddy, aalis tayo. We will live our lives to the fullest. We will be happy. We will make him proud. Okay?"

Tumango ako habang nakayakap pa rin sa kapatid ko.

"Okay." Humikbi ako. "Let's do that."

****

"Gabby, let me go," pakiusap ko kay Gabby dahil ayaw niya akong bitawan. Kanina pa siya nakayakap sa 'kin habang malakas ang iyak.

"Ayoko! No! You won't leave me!"

Bumuntong-hininga ako saka siya niyakap pabalik. "I won't."

"Hindi raw! Pero bakit nagdrop ka sa school?! Sacha naman, e. 'Wag kang umalis, best friend."

Tinapik ko ang balikat niya saka pinilit na ngumiti.

"I will be back."

Umiling-iling siya. Kanina pa kami pinagtitinginan ng ibang estudyante dahil nasa may parking lot kami. We're making a scene, again. Geez.

Dalawang linggo nang matapos ang libing ni Daddy. Inayos na rin namin ang mga papeles namin para makaalis ng bansa. I dropped all my subjects pati na rin si Kuya. We badly need to do this. We badly need some space. Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari. Its hard and heartbreaking. Ang dami kong pagsisisi pero alam ko na wala na akong magagawa pa kun'di ang magmove on at tanggapin na lang ang lahat.

Suminghap si Gabby.

"Kelan?"

Hinimas ang kanyang likod.

"I don't know, but I will be back that's for sure."

Humiwalay na siya sa 'kin. Hinirap ang kanyang mukha kaya't nakita kong namamaga ang mga mata niya. Gusto ko sana siyang tawanan at asarin pero wala ako sa mood. Wala rin ako sa mood magtaray. Parang nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay na ginagawa ko noon.

"E, paano na kayo ni pinsan?"

Natigilan ako sa tanong niya. I already expected that question pero hindi ako nakapaghanda ng sagot. Masyado kaming magulo ni Gelo. Masyado kaming maraming hindi pagkaka-intindihan.


Sure, I admit. That baluga has already invaded my life and heart. And it's irritating dahil pakiramdam ko hindi kami swak sa isa't isa.


We're too complicated for each other and if he will push it, we're just going to hurt ourselves; we're both going to suffer. So, better stop and end it now.

Pinilit kong umirap. "Wala namang kami."

"Pero, paano 'yung kontrata?"

Pinilit ko muling umirap. "That contract is just for fun. Pinagbigyan ko lang kayo noon at hindi ko na kayo kayang pagbigyan pa ngayon." Hinawakan ko siya sa balikat. "You understand me, right? You're my best friend for nothing." Niyakap ko siya. "Take care, Gabriela. I will miss you." Saka ko siya hinalikan sa pisngi. "See you again."

****

"Can I come in?" Mula sa pagkagulat ng kanyang ekspresyon ay napalitan ito ng isang ngiti at saka nilakihan ang siwang ng pinto.

"S-Sure iha, come in. . ."

Nauna akong naglakad papasok at walang pasabi-sabing umupo sa sala sa kanyang living room. Sumunod siya sa 'kin saka umupo sa tapat ko.

"Do you want anything?"

Tinitigan ko lang siya. Bakas ang lungkot sa kanyang mukha. Ang mga mata niya ay namamaga rin na tila galing sa pag-iyak.

"I want my Dad. Can I have him back?"

Nakita kong nagulat na naman siya. Hanggang sa namuo ang tubig sa kanyang mga mata habang nakatingin sa 'kin.

"I-I'm sorry. . ." Tuluyan ng pumatak ang mga luha niya na dahilan kung bakit tila naninikip ang dibdib ko.

"Kung kinausap ba kita noon at sinabi ko 'yon, mababago kaya ang lahat? Kasama ko pa kaya si Daddy? If I only knew everything, hindi sana ganito kasakit. Maybe I would understand the both of you." Pinunasan ako ng mga luha kong nag-uunahan sa pagpatak. "Tita. . . thank you for taking care of my Dad and I'm sorry for the pain may Dad caused you." Ngumiti ako. "Come back to your family, now. You can't leave alone. Pareho-pareho na tayong talo lahat. Ayusin na lang natin ang kanya-kanya nating buhay." Tumayo na ako. "Please, live well."

Naglakad na ako palabas nang mapahinto dahil nagsalita siya.

"Hindi ko alam kung may babalikan pa ako."

Nanatili akong nakatayo habang nakaharap sa pintuan ng condo niya. I don't want to look back. It will only hurt.

"My son hates me. Sinubukan kong bumalik nang namatay ang Papa niya pero ayaw na niya akong makita. Sinisisi niya ako sa pagpapakamatay ng kanyang Ama. Pero kasi hindi naman niya alam ang lahat—"

Napaharap ako sa pagkabigla.

"W-What did you say?" Nanlalaki pa ang mga mata ko. "Pagpapakamatay?"

Tumango siya kaya't mabilis akong namatay ng bibig.

"D-Don't tell me your son's name is Gelo?"

Dahil sa kanyang reaksyon nakakuha ako ng sagot. Sa isang iglap pakiramdam ko pinagbagsakan na naman ako ng langit at lupa. Unti-unti muling namuo ang mga luha sa aking mga mata habang nakatingin sa kanya.

"Bakit mo kilala ang anak ko?"

Nanlambot ang tuhod ko sa kanyang tinanong kaya't napa-upo sa sahig. Mabilis niya akong nilapitan pero napatakip na lang ako ng aking mukha dahil hindi ko mapigilan ang umiyak at masaktan.

Destiny is playing our lives. Para bang napakalaking joke ng buhay naming lahat. Pakiramdam ko ngayon nawalan na talaga ako ng karapatan na magpakita kay Gelo. At ngayong oras na 'to pinagsisisihan ko na naman ang lahat. Simula sa pagpatid ko kanya; sa pagpirma ko ng kontrata; sa pagiging malapit niya sa 'kin.

Wala kaming karapatan na maging parte ng buhay ng isa't isa dahil sa mga pangyayaring hindi naman kami ang may gawa pero kailangan na kami ang magdusa.



***

Hi guys! Hope you enjoyed this chapter. Feed backs, anyone? :)

-HOPELESSLONER

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

99 days with Mr. Player (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon