#19 [Sine mo'to]

750 42 7
                                    

Narinig ko pang tinawag nya ako pero hindi na ako nag-atubiling lumingon. Para san pa ang pagtakbo ko kung lilingunin ko din sya? Takbo lang ako ng takbo dito sa corridor hanggang sa may mabunggo ako.

"Sorry.." saad ko at akmang tatakbo ulit ng tawagin nya ang pangalan ko.

"Sacha?" Tinignan ko sya. Familiar ang mukha. San ko nga ba sya nakita?

"Sino ka?" tanong ko.

"Ano ka ba. Ako si Jai, remember?" 

Napa-isip ako. Jai? Ahhhh! "Yung weird na may gusto sa Kuya ko?" wala sa sarili kong sabi.

Napapout sya dahil dun. "Makaweird naman to."

"Bakit ka andito? College kana diba? Bakit ba nagkakalat kayong mga college students dito sa building namin?" tanong ko na medyo irita.

"Ay, may iba pa bang college na andito?" tanong nya at lumingon lingon.

"Wala. nevermind!" Iiwanan ko na sya sana doon dahil baka dumating si Gelo pero pinigilan nya ako.

"Ang totoo nyan Sacha, gusto kitang maka-usap.."

Napakunot ang noo ko. "Tungkol saan?"

"Hmm." huminto sya at parang nag-aalangan nyang sabihin. "Sa Kuya mo.."

"Anong tungkol sa kanya?" 

"Hmm. A-ano k-kasi..." Hinila ko na sya paalis dun.

"Tara na nga. Doon tayo mag-usap.." 

Pumasok kami sa isang classroom na walang mga estudyante marahil ay nasa Gym ang mga ito.

"Ano bang tungkol kay Kuya? May ginawa ba sya sato or what?" tanong ko at umupo sa isang silya.

Umiling sya. "Hm, g-gusto ko lang sanang tanungin k-kung t-totoo ba na m-may nag-ustuhan s-sya?" sabi nya sakin ng nauutal.

Tumayo ako at nagpunta sa harapan nya. "Ou totoo.." pag-amin ko.

"Talaga?" nanlaki yung mata nya. "S-sino yung girl, taga dito ba sa school?" tanong nya ng may pagbabakasakali.

Naawa ako sa kanya. Feeling ko nag-aassume sya na sya iyon. Ngumiti ako ng pilit.

"I'm sorry but it's not you.." Nabigla sya sa sinabi ko.

"Ha? H--hindi ko naman s-sinabing a-ako e.." 

"Hindi nga. Pero hindi mo maitatanggi sakin na umaasa ka. Nakikita ko sa mata mo. Tama ba?" pranka kong saad.

Napayuko naman sya. "Tama nga.." mahina ngunit narinig ko padin.

"Alam mo maganda ka for sure madami dyang nagkakagusto sayo. 

Kaya wag ka ng umasa kay Kuya.." tinapik ko yung balikat nya at aalis na sana doon pero nagsalita sya.

"Hindi naman ako aasa kung hindi paasa ang Kuya mo." nabigla ako sa sinabi nya kaya mabilis akong napatingin sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo?" 

"Everytime na magkikita kami, binabati nya ako. Minsan, nahulog yung mga gamit ko tinulungan nya ako. Tapos, may nambabastos saking classmate ko nun sa locker room namin pinagtanggol nya ko. Hindi ba ang paasa nya?"

Napatawa ako dahil sa sinabi nya. Seriously, nasa katinuan pa ba itong babaeng to?

"That's my brother. Not snob and  a real gentleman. Atsaka para sabihin ko sayo hindi lang siya sayo ganun. Kaya pano mo nasasabi na paasa ang Kuya ko? Look, I don't know how you feel and I don't know what to say. Pero sana wag mong sisihin ang Kuya ko kung nasasaktan ka ng malaman mong may gusto sya sa iba." Tumalikod na ako sa kanya dahil narinig ko na yung mga hikbi nya.

99 days with Mr. Player (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon