Palabas na kami ng mall nila Gabby at Ren para puntahan sana si Kuya sa school ng bigla nalang may tumawag sa napakaganda kong pangalan na dapat ay hindi sinisigaw. Sinong hampas lupang yun na basta nalang isisigaw ang pangalan ko? Paglingon ko, nakita ko ang isang balugang mukhang unggoy! Sarcastic yan ah!
"Insan!" saad ni Gabby ng makita ang pinsan nya.
"Gabby? Anong ginagawa mo dito? Nakikipagdate kaba?" seryosong tanong ni Gelo kay Gabby. Napatitig lang ako sa kanya, ngayon ko lang kasi nakitang seryoso sya. Anong meron?Tinignan ko naman si Gabby, nakita kong napakunot ang noo nya.
"Hala ka Kuya! Oy, wala akong kadate. I'm with my bestfriends! Duhh!" mataray na sagot ni Gabby sabay irap.
"Dapat lang. Baka maloko ka lang ng kung sino sinu.." cascual pero seryosong sabi ni Gelo.
"Nagsalita ang hindi manloloko." biglang sabi ko kaya napatingin sila sakin. "What? No offense ah? Totoo naman diba?" tuloy ko ng makitang hindi pa din nila inaalis yung tingin nila sakin.
I just saw him sighed. "Kung alam mo lang.." mahina pero dinig kong sabi nya. Parang naguilty tuloy ako sa sinabi ko. Pero totoo naman kasi eh!
"Teka, OP here!" biglang singit ni Ren. Ou nga pala, andito sya. "Who are you pala?" tanong nya kay Gelo. Tumingin naman sa kanya si
Gelo at ngumiti.
"I'm your happiness baby." sabi nya sabay kindat kay Ren. Halatang nabigla si Ren sa sinagot ni Gelo sa kanya. Langyang lalaking to. At dito pa talaga sa harap ko naglandi at sa kaibigan ko pa talaga.
"And I'm your nightmare bro! Back off she's mine!" bigla naman singit ng isang lalaki at masamang titignan si Gelo. Teka, yung sa Queen ce Cream to ah. Yung Bry, yung nagwalk out.
"Wooah. I'm just kidding dude." natatawang sambit ni Gelo.
"Ouch, why did you do that?" napahawak sa sikmura nya si Bry, siniko kasi ni Ren.
"Im not yours! Tss." sabi nya sabay irap.
"Whatever. You're going to be mine soon.." sabi ni Bry ng seryoso.
"Yeah right!" sarcastic na sabi ni Ren at humarap samin. "Hey Gals, next ko nalang puntahan si Soren ah? We really need to go. Masyado ng nakaknosebleed tong katabi ko." Ou nga, pansin ko kanina pa sya english ng english. Feeling amerikano! Hmp.
"Sige sige."
Pagkatapos nilang magpaalam ay umalis na din sila.
"Chix yun ah? Kaya lang, yung boyfriend parang ang sungit." side comment ni Gelo. Inirapan ko nalang sya at humarap kay Gabby.
"Gabby, Alis na ko ah? Ingat." pag-papaalam ko at naglakad na ng tuluyang paalis ng mall. Hindi na ko nagpaalam sa Gelong yun. Hindi naman kami close at wala akong balak.
Nag-aabang na ako ng taxi ng maramdaman kong may tumabi sakin.
"What are you doing here?" mataray na sambit ko. Naiinis ako sa kanya sa totoo lang. Kung hindi nya ko sinama dito edi sana hindi ako nabastos kanina!
"Ihahatid ka." simple nyang sagot sabay hawak sa kamay ko. "Andun yung kotse ko." sabay turo nya sa may parking lot. Nagpumiglas naman ako ng kinaladkad nalang nya ako papunta kung saan nakapark yung sasakyan nya.
"What the hell!" sigaw ko sa kanya ng bitawan nya yung kamay ko.
Tinignan ko sya ng masama pero parang hindi sya natinag at nakatingin lang sya sakin ng diretsyo.
"Get in.." utos nya ng binuksan nya yung pintuan ng sasakyan nya.
Umiling ako. "Ayoko! Hindi ako katulad ng mga babae mo na madadaan mo sa charm mo! Kaya kong umuwing mag-isa. I don't need your damn car and I don't need a Guy like you!"
BINABASA MO ANG
99 days with Mr. Player (Revising)
ChickLitAkala nila magkaiba sila. Ang hindi nila alam. Pareho lang sila. Pinaglaruan ng tadhana, saan kaya patungo? This is the story of Gelo and Sacha.