Tap-Tap's POV
Monday morning. Excited akong pumasok dahil makikita ko ulit ang Prinsipe ko
Hindi ko kasi sya mahagilap sa bahay nila e... palagi daw may lakad. Hindi rin sya lumalabas ng terrace nya kapag gabi na
"Oh Miss Tiffany, ang aga mo atang pumasok ngayon" tanong ni ate Mia habang palabas ako ng pinto
"Hehe. Aalis na po kasi si Raphael, ate. Makikisabay po ako" tuwang-tuwang sagot ko
"Asus. Ang aga-aga, lumalandi na. Hahaha" pagbibiro ni ate Mia
"Eeiii. Ate Mia naman~" >.<
"Haha. Oh sige na, baka maiwan ka pa ng prinsipe mo" tukso ulit ni ate Mia
Napatawa na lang ako. Ang sarap kasing pakinggan ng ''prinsipe KO" daw... aeiii.. kilig mats
Pag labas ko ng gate namin ay agad na bumungad sa akin ang aking prinsipe na palabas rin ng kanilang gate
"Good morning, Raphael" bati ko ng may sobrang lapad na ngiti parang ganito ^____________^ hehe
Pero sa halip na mag-good morning din sya ay hindi nya ako pinansin at sumakay lang sya sa biskleta nya na para bang wala ako dito
Magpe-pedal na sana sya pero hinawakan ko ang kamay niya
"Sabi ko good morning ^_____^" pag-uulit ko baka kasi hindi nya narinig yung unang bati ko
Tinitigan muna nya ako. Kikiligin na sana ako e.... kaso yung titig nya sobrang seryoso at parang may halong pag-aalangan
" ...... pwede bang layuan mo na ako." Hindi tanong.... kundi utos ang lumabas sa bibig nya
"H-huh?Layauan... ka? A-ako ba kausap mo?" Nag-aalangan kong sagot, wala naman kasi akong maisip na dahilan para layuan ko daw sya
Malay ko baka nakaheadset pala sya tapos may kaaway pala sya sa cellphone at nakaheadset sya... wireless headset
"You're really stupid. Tayong dalawa lang naman ang nandito, and if you're thinking that I have any other person talking to, you're wrong. Ikaw ang tinutukoy ko na gusto ko nang lumayo sa akin" cold na sabi nya
"P-Pero... may nagawa ba ako? K-kung meron man, sorry n---"
"Sorry? Nagagawa mong mag-sorry kahit na wala kang idea kung bakit gusto kang iwasan ng isang tao... alam mo bang mas nakakainis ang ganyang ugali?" Sabi nya at marahas na tinapik ang kamay ko na nakahawak sa wrist nya
Natahimik ako. Ano bang nagawa ko para magalit sya sa akin? Yun bang nag-walk out sya nung friday? Ano bang maling naga---
"Kung wala kang idea, bibigyan kita. Naisip mo na ba kahit minsan kung gaano ka nakakairita? Napaka-childish at carefree. Nakakainis din ang pakikisabay mo sa akin pagpasok sa school. Kailangan pa kitang iangkas sa bike ko, where as, kapatid ko lang dapat ang pwedeng sumakay maliban sa akin. Idagdag mo pa ang mga nakakainis nabulungbulungan ng mga kaeskwela natin kapag napapasama ako sayo. Seriously, you're a nuisance. Please, just stay away from me" sabi nya
Hindi ko alam ang sasabihin ko
Hindi ko narealize na ganito na pala ang tingin sa akin ni Raphael, isang taong wala nang ibang ginawa kundi ang inisin at guluhin sya
"I-I'm sorry, Rapha---" naputol ang paghingi ko ng tawad sa biglang pagtawag sa amin mula sa likuran
"Tiffany! Raphael! Papasok na ba kayo? Sabay na tayo" masiglang sabi ni Rence sa amin habang papalapit
"Magba-bike ako. Siya na lang ang sasabay sayo. Geh, dude, una na ako" paalam ni Raphael na sinagot ni Rence ng 'geh'
Nakatitig lang ako kay Raphael habang palayo sya nang nagsalita si Rence
BINABASA MO ANG
Abnormal Sya, Manhid Ka (Completed)
Romancekabobohan: pwedeng idaan sa sipag at tyaga sa pag-aaral pwede rin sa ganda katangahan: pwedeng pagtakpan ng ganda o talino sa academics pagka-isip bata/baliw: ok lang basta cute ka pero paano kapag pinag sama ang lahat??? BOBO AT TANGA KA NA NGA...