Chapter 11: Rence' Plan

279 7 0
                                    

Raphael's POV

"Palagi kong iniisip dati kung ano ang pakiramdaman ng makisalamuha at makapagtawanan sa maraming tao... Ganito pala... ang sarap sa pakiramdam" wala sa sariling sabi nya habang nakangiting nakatitig sa basong hawak nya

Huh?

"Kung makapag-salita ka para kang galing sa kulungan at ngayon lang nakalabas"

"Kulungan? Haha... sabihin mo, Mukha ba akong kriminal?" Seryosong sabi nya

"Joke yun di ba? Bakit napakaseryoso mo?"

Bigla naman syang nag-pout "Buhhh... Joke nga. Eh bakit di ka tumawa?"

"Tss. Abnormal ka talaga"

"Teka, hindi ba tayo hahanapin sa klase? Kasi nandito tayo pero oras pa ng klase"

"Tuwing friday ay para sa club activities ng mga importante at hindi basta bastang club tulad ng music and theater club. Yung mga sports club naman ay sabado" pagpapaliwag ko

"Ah... ikaw, Raphael, saang club ka kasali?" Tanong nya

"Marami akong activities na nasasalihan pero wala akong partikular na sinasalihang club. Sa mga activities na kung saan lang ako tinawag ng teacher ay dun lang ako sumasali."

May napapansin ako sa sarili ko

Bakit parang hindi ako naiirita na magsalita ng magsalita kapag si Abnormal ang kausap ko. Kung ibang tao ang kausap ko ay tiyak na hindi ako magsasalita o one-liner na naman ako... wierd -_-

"Bakit wala kang sinasalihan?"

"Wala akong interes."

"Eh bakit?"

"Dahil hindi ako interesado"

"E bakit hindi ka intere---"

Binabawi ko na ang sinabi ko kanina!

"Titigil ka sa kakatanong o titigil ka? Inuulit mo lang eh" Iritado kong sabi

"E bakit ka galit? Nagtatano---"

"Shut up!" Singhal ko sa kanya na ikinahaba ng nguso nya

Tss. Kurutin ko yang ilong mo eh -.-

"Parating na daw si Prince Rence, at sorry daw na na-late sya" sabi ng isang club member kay ate Jaimy na nasa gilid namin

Bigla naman umayos ng upo si Abnormal habang ngiting-ngiting palinga-linga sa pintuan

Tss. Obvious naman tong babaeng to. Atat na atat talagang makita ang 'PRINSIPE' nya. Hmp! Magsama sila!

Kita mo Jaimy? Si Rence ang gusto nya. Si Rence hindi ako.

Tumayo ako at akmang aalis na ng hilahin nya ang kamay ko

"Saan ka pupunta?" Tanong nya

"Bitawan mo nga ako!" Sabi ko at marahas na binawi ang kamay ko sa pagkakahawak nya at mabilis na lumabas ng hall

Agh! Nababaliw na ata ako! Bakit bigla akong nagalit sa inasta ni Abnormal nang marinig nyang darating si Rence?!

Hindi naman ako galit kay Rence... pero bakit biglang gusto ko syang tadyakan?

(A/N: naisip mo na bang baka nagseselos ka sa atensyon ni Tap-Tap kay Rence?)

What?! Me JEALOUS?! Anong akala mo sa akin, bata?

At si Abmormal?! No way! Bakit? Ano ko ba sya? Ni hindi ko nga sya kaibigan tapos pagseselosan ko sya? Tss. Patawa ka?

Kunot-noo akong naglalakad sa hallway ng may humawak sa balikat ko

Abnormal Sya, Manhid Ka (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon