Third Person's POV
"Hey, ok ka lang?" Tanong ni Kei tsaka inabot ang isang bote ng tubig kay Raphael
Tahimik na tinanggap ito ni Raphael pero hindi nya ininom. Nanatili lang syang nakayuko habang nakaupo sa buhangin, sinusubukang pakalmahin ang sarili sa malamig na simoy ng hangin at hampas ng alon sa dagat.
"Shock?Tanong ni Kei at umupo rin sa tabi nya
"I... I just... I mean, why?... Why? When? How?" Hindi maipaliwanag na usal ni Raphael
"What? Where?" Biro ni Kei "But seriously, what matters is 'who', right? Hindi kasi pinaplano ang pag-ibig. Basta bigla na lang nangyayari. Walang bakit, walang kailan, walang paano, walang saan, ang meron lang ay sya. Hindi mo kasi kailangan ng rason para magmahal, ang kailangan mo lang ay ito" nakangiting sabi niya at tininuto ang kanyang kaliwang dibdib kung nasaan ang puso
"Alam mo namang hindi ang puso ang dahilang ng emosyon di ba? Nasa utak yun. The brain sends signals that just makes the heart palpitate ma---"
"Aaaaah! Hay Naku! Masyado kang realistic. Wala kang tiwala sa magic ng pag-ibig. Bakit ba ang hirap sayong tanggapin ang nararamdaman mo?"
Napabuntong-hininga si Raphael, binuksan ang bote ng tubig at uminom.
".... I'm scared... because everyone I love always end up leaving me" nakayukong sagot nya
"Kaya ikaw ang lumalayo? Alam mo ang pakiramdam ng maiwan, kaya pano naman yung mga iniwan mo? Paano kung isa kanila pareho ng nararamdaman mo?... Minsan kasi ay mas magandang magmahal ngayon at masaktan bukas kaysa ang umiwas ngayon at magsisi bukas."
Tumingin si Raphael kay Kei at nakita nito ang bahagyang ngiti sa kanyang labi "Tignan mo ako, mahigit dalawang taon kong lihim na minahal si Liz. Pinili kong iwasan ang nararamdaman ko. Napangunahan rin ako ng takot... at hanggang ngayon, natatakot pa rin ako. Paano kung dumating ang araw na hindi nya na ako mahal?... Pero mas natatakot ako kung sakaling hindi ako nabigyan ng pagkakataon at patuloy lang na umiwas, dahil alam kong habang buhay kong pagsisisihan kapag tuluyan syang nawala sa akin. I'd rather live happy now and trust the person I love, because one day if someone makes me cry, I at least want that person to be worth my tears"
.....
Naunang bumalik sa villa si Kei. Samantala, nagpaiwan muna si Raphael para makapag-isip. Maya-maya ay yumuko sya at idinantay sa kanyang tuhod ang kanyang ulo
".... I really want to see her..." mahinang bulong nya
Pabalik na ng villa si Raphael ng matanaw nya mula sa di kalayuan si Addison na nakadungaw mula sa railings ng kanyang kwarto na nasa ikalawang palapag ng villa.
Idinantay nya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib at napangiti. Napakabilis ng tibok ng kanyang puso pero napakagaan ng pakiramdam niya na para bang lahat ng bigat na dating kinikimkim nya ay nawala. Matapos ang ilang taon, pakiramdam nya ay nagawa na nyang makalaya.
Tatawagin sana ni Raphael ang pansin ni Addison pero natigilan sya ng makita si Rence na lumapit kay Addison at niyakap sya mula sa likod.
How could he forgot?
Just because he loves her doesn't mean she loves him too...
Napatitig lang siya kay Addison habang yakap ni Rence. Ramdam nya ang pagkirot ng kanyang puso.
'My realization will never change the fact that the one she love is Rence. Oo nga't importante ako sa kanya... but being 'important' doesn't mean 'loved'... Not the way I love her neither the way she loves Rence... I'm just nothing compared to Rence... Damn! This Sucks!' Raphael thought
BINABASA MO ANG
Abnormal Sya, Manhid Ka (Completed)
Romancekabobohan: pwedeng idaan sa sipag at tyaga sa pag-aaral pwede rin sa ganda katangahan: pwedeng pagtakpan ng ganda o talino sa academics pagka-isip bata/baliw: ok lang basta cute ka pero paano kapag pinag sama ang lahat??? BOBO AT TANGA KA NA NGA...