Chapter 16: Waahhhhh!!!!

213 7 0
                                    

TAP-TAP'S POV

Pagkatapos umalis ni Steve ay umalis na rin si Raphael.

Haay... na miss ko sya

Akala ko sa 2 weeks na pagkawala ko ay makakalimutan ko na sya pero alam ko namang malabo yun kaya umaasa na lang akong kahit papaano ay na miss nya ako. Pero ang sakit lang ma-realize na wala pala talaga syang pakialam sa akin.

Maski nung pagdating ko, sya agad ang gusto kong lapitan at kausapin perooayakap na ako't nabati nila ate Liz ay hindi pa rin sya humahakbang palapit sa akin.

Ganun ba talaga sya kainis sa akin para hindi ako mamiss kahit katiting lang? O kahit mag-alala man lang?

Kahit konti lang... masaya na ako dun

Galit pa rin kaya sya sa akin?

Mas gusto ba nyang mawala na lang ako?

"Lady Tiffany, are you alright?" Tanong ni Steve na nakaupo sa tabi ko sa backseat ng kotse habang pauwi kami

"Ah yes, I'm fine. I'm just tired" simpleng sagot ko bago humarap sa bintana

Naiinis ako sa sarili ko

Bakit pa kasi ako umasa na mami-miss na ako?

Sino ba ako?

Isa lang naman akong nakakainis na makulit na abnormal... hindi nya ako pag-aaksayahan ng oras na isipin

T^T

Pagdating namin ng bahay ni tita Nads ay agad nya kaming sinalubong. Sinabi nya sa akin kung gaanon raw ang pag-alala ng grupo sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko kasama si Steve

Oy wag kayo ah! Ganyan talaga kapag butler, kahit saan basta may dapat gawin ay susunod sya at pagsisilbihan ka

Pssshhhh. Feeling ko tuloy ay wala akong kwenta •^•

"Lady Tiffany, I'll be preparing your bath" paalam nya bago pumasok sa banyo

Humiga ako sa kama ko at parang tangang nakatitig lang sa kisame. Nang magsawa ako ay gumilid ako ng higa at napansin kong nakabukas ang kurtina ng bintana. Tumayo ako at isasara sana ito nang makita kong nasa terrace nya si Raphael at nakaharap sa kwarto ko

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko at dahil sa excitement ay mabilis kong naisara ang kurtina

Shocks! Anong gagawin ko! Hinihintay ba nya akong lumabas?!

Waaahhh!!! Salamin! Suklay! Make-up! Heels! Wedding dress!

*sampal sa sarili*

Relax! Kakausapin mo lang sya! ACT NATURAAALLLL!!!!

Hingang malalim!

No! Salamin! Suklay! Polbo! Asan na kayo!

Naghalungkat ako ng gamit ko at agad na nag-ayos ng mabilisan bago tumakbo palapit sa pinto patungong terrace pero bago pa ako tuluyang makalabas ay nag-breathing excercise muna ako. Pampakalma.

Ok! Kaya ko to! °^°

Hindi ako titili!

Ngiting-ngiti pa ako pagbukas ko ng pinto pero ang sumambulat sa akin ay ang salubong na kilay ng aking prinsipe

○▲○

Galit?

"Bakit ang tagal mo? Inakala ko pang wala kang balak kausapin ako dahil sa pagsara mo ng kurtina!" Inis na sigaw nya sa akin

Abnormal Sya, Manhid Ka (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon