Chapter 30: Realized

178 5 0
                                    

Raphael's POV

"... Hindi pa ba obvious Raphael? Palagi kitang kinukulit, gumigising ng maaga para makaangkas ako sa bike mo at mayakap ka, palagi kitang kinakausap at nilalapitan, palagi akong nag-aalala sayo, ayokong naiinis ka sakin, nalulungkot ako kapag nagagalit ka sakin at tinatawag kitang my prince... hindi mo pa ba maintindihan?"

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa bawat salitang binibigkas nya... like every words she say is making realize something

More... just a bit more...

"All this time, ginagawa ko lahat kasi Raphael maha---" nang biglang may nagtakip ng bibig niya

"TIME'S UP... THIS DATE IS OVER"

What the hell...

"Rence..." usal ni Tap-Tap

Pero hindi sya nilingon ni Rence. Tanging sakin lang nakatuon ang masamang tingin nya.

"Nice one, Raphael. Nag-enjoy ka ba? I guess, now I no longer have to hold back" mapagbantang sabi nya

"Rence, anong sinasabi mo?" Kinakabahang tanong ni Addison habang kumakawala sa braso ni Rence na nakaikot sa balikat nya

Naikuyom ko ang kamao ko

Nangako syang hindi nya sasaktan si Addison pero kitang-kita ko kung gaano kahigpit ang hawak nya sa kanya

Damn you Rence!

"Sumusobra ka na! Ano bang problema mo?" Inis na angil ko sa kanya Rence

"I hate you. Gusto kong durugin ka hanggang sa maintindihan mo kung ano ang akin. Hanggang wala ka ng maagaw sa akin" mariing sagot ni Rence

"Wala akong inaagaw sayo!"

"Oh yes you did Raphael. You are stealing a lot. Now stop being stupid. Realize all you've done to me and reflect on it!" Sigaw niya bago hilahin si Addison palayo

I was left speechless, thinking what could I probably have done to cause Rence's change

I never tried surpassing Rence. I always give way for him because he is my bestfriend... the only one who never left me when everything messed up

That's why I made sure to stay by Rence's shadow

And yet...

And yet here I am, loathed by Rence

I may not look like it, but I treasure my friends most

Once a friend, always a friend. That's my belief... My oath... I always prioritize my friends
.

.

.

.

Days pass by, lahat ay nagpapakasaya sa paglangoy, paglalaro, pagkain at iba pa.

Ngayon ay naglalaro sila ng bola sa pangpang habang ako naman ay nanatili sa cottage at linapanood sila.

"Tap-Tap! Catch!" Sigaw ni Liz ng ibinato sa kanya ang bola

"Yeeeyyyy!!!" Tuwang-tuwang sagot ni Abnormal nang biglang bumulusok sa mukha nya ang bola dahilan para natumba sya

"Waaaahhh!!! Baby ko!" Sigaw ni Liz kasabay ng pagtakbo palapit kay Abnormal

"Ugh... may flying dolphin mermaid! pasakay!" nahihilong sigaw ni Abnormal

"Waaahhh!!! Tap-Tap! No don't follow the light! Stay with us! No!!!" Pagdradrama ni Liz then sinabing "....ok. You may now rest in peace... (U_U)"

Abnormal Sya, Manhid Ka (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon